HINDI nag-atubili si Margeau sa pagbibigay ng kaalaman kay Chloe.
Ibinahagi nito sa kaniya ang lahat tungkol sa hari ng mga bampira, at kung gaano katindi ang galit sa puso nito.
Lalo pa't ngayong nalaman nito na hindi lang basta ikinulong ni Dylan ang yumao nitong ina. Ikinulong ito dahil sa dugong nananalaytay sa kaniya.
Umpisa pa lang, gamit na ang turing ni Dylan kay Daniella at Jonathan.
"Nais niyang wakasan ang mundo. Gusto niyang gisingin ang dragon ng Kanlaon sa pagsasakripisyo ng isang daang bampira para galitin ito. That's why he needed power. That's why he needed to be the king," pagpapatuloy ni Margeau.
Sinampal ng katotohanan si Chloe. Hindi siya makapaniwalang nagbulag-bulagan siya. Kay Jonathan na mismo nanggaling noong inuudyok siya nito sa isang kasal, gaganti sila.
"Naririnig mo ba ang sarili mo?" bulyaw ni Chloe. "You left Jon despite knowing this?"
"I don't expect you to understand. Makasasagabal siya sa mga gustong gawin ni Kuya."
"At ano ba ang gusto ni Henry? Bakit niya pinagtatalo ang mga elders?"
Huminto ang sasakyan. Nakarating na sila sa bagong tirahan ni Chloe--ang bahay ni Reina.
Bumaba ang drayber para pagbuksan ng pinto ang reyna.
"It may not seem like it to you, but vampires are a dying specie," pahabol ni Margeau. "Paunti nang paunti ang bilang natin. There is no future where the vampires are concerned, not as long as we're feeding on animal or artificial blood. Pero hindi lang tayo ang nanghihina. The Gods, as well. At the peak of vampires' strength, they were able to kill Tala, Bathala's own daughter. Nanghihina na sila because no one worships them. And to a God... faith is everything."
"Are you saying that..."
"I'm not saying anything, Chloe. Good bye." Pinagsarhan niya ng pinto si Chloe.
Sumakay ang nagmamaneho at umalis na nga ang sasakyan ni Margeau habang naiwan si Chloe para pagmunihan ang mga sinabi nito.
AKALA niya ay sanay na siyang mag-isa. Akala niya lang pala.
Pagpasok ni Chloe sa mansyon ay tila ba minulto siya ng alaala ng nakaraan.
Ganito siya noon, nag-iisang umiikot sa mansyon ni Reina noong bata siya. Ganito pa rin siya ngayon.
Minabuti niyang idaan sa tulog ang pangungulila sa mga nawalang kaibigan.
NAMULAT si Chloe sa isang madilim at malamig na kapaligiran.
Inasahan niyang makita ang buwan at mga bituin, ang mga puno ngunit tila ba siya'y nasa kawalan.
Hanggang sa nahulog siya.
Nahulog at nahulog hanggang sa bumagsak sa malambot na bagay na para bang bulak.
Gayon pa man, nang tumayo siya ay matigas ito sa kaniyang paa.
At sa pagtayo niya ay nakita niya ang isang babae.
Mahaba ang buhok nitong tumatakip sa isa nitong mata. Nakasuot ng bestida na kagaya ng kaniyang buhok ay umaagos na parang karagatan.
Kung siya ang reyna ng mga bampira, nararapat itong tawaging reyna ng gabi dahil sa gitna ng kadiliman ay ito ang nagsisilbing liwanag ang ganda at misteryong taglay nito.
Lumapit ang babae. Para bang lumulutang ito sa ulap--hindi gumagalaw kahit pa umuusog papalapit sa kaniya.
"Sino ka?" tanong ni Chloe.
Huminto ang babae. Sa malapitan ay naging malinaw lalo ang pigura nito. Sa mata ni Chloe ay tila malamlam na asul ang balat nito. Animo'y isang multo. Hindi totoo.
Humawak ito sa sariling dibdib. Ginaya siya ni Chloe.
Naramdaman ng bampira ang kwintas na buwan na suot niya.
"Handog ko iyan sa aking kapatid na si Tala nang bumaba siya sa lupa." Sa wakas ay nagsalita ang babae. Maugong ang tono nito na parang nanggagaling sa bawat direksyon. "Nang sa gayon ay makababalik siya rito sa Kawalhatian kung kailan niya naisin."
"Ito ang simbolo ng angkang Ashbourne," tugon ni Chloe. "Simbolo ng pag-asa. Wala man ang araw, mananatili ang buwan para magbigay ng liwanag."
"Ashbourne... Ang pamilyang umagaw sa aming kapatid."
Naglaho ang babae. Sa muli nitong paglitaw ay isang dipa na lang ang layo nito kay Chloe.
Hawak nito ang kaniyang leeg, pinipiga hanggang sa hindi na siya makahinga.
Hindi maalis ni Chloe ang kamay nito. Masyado itong malakas.
Nilalamon na siya ng kadiliman at hinihila sa kawalan, kung na saan ang mga mahal niya sa buhay. Sina Louis at Lorna, si Reina, Zachary...
"Chloe!"
Dumilat si Chloe, hinahabol niya ang kaniyang paghinga. May mainit na kamay na nakahawak sa kaniya--si Jonathan.
Niyakap niya ito. Nakakapit na animo'y salbabidang liligtas sa kaniya mula sa pagkalunod.
Nagulat ang hari, ngunit ibinalik nito ang yakap.
"Anong nangyari? Sabi ni Margeau kailangan mo 'ko," paliwanag ni Jonathan. "Hindi ako kaagad nakapunta dahil iniimbestigahan namin ni Jack ang katawan ni Bruce."
Bumitiw si Chloe. Pinapakalma niya ang sarili. Bago siya mag-angat ng tingin sa asawa, "Hindi, Jon. May nangyayaring hindi maganda. Binabalaan tayo ng mga nasa taas. Noon, ang Santelmo, at ngayon si Mayari." Hinawakan niya ang kamay ni Jonathan. "Kailangan natin ang isa't isa."
BINABASA MO ANG
Bad Blood: Renaissance
VampireBook III of Bad Blood series Matapos makuha ang inaasam na kalayaan sa ilalim ng mga vampire elders at ligtas na madala ang mga tao sa lupaing dapat ay kanila, panibagong mga kalaban ang haharapin ni Chloe. Nawala sa kaniya ang ilan sa mahahalagang...