Kabanata II

145 17 2
                                    

Isang tensyonadong silid ang dinatnan nina Chloe at Sabrina. Naroroon na ang limang dating elders na ngayo'y bumubuo ng paksyon ng mga bampira sa konseho na nakaupo't nakapalibot sa isang mahabang lamesa, at ang hari na nasa dulo nito.

"You're late," pangunang sambit ni Bruce. "Akala ko naman bilang tao ay may pagpapahalaga ka sa oras, Ms. Helix."

"I had her come with me, Bruce." Si Chloe ang sumagot para rito habang inookupa ang nakalaang upuan para sa kanila—siya sa tapat ng kaniyang asawa. Hindi niya ito tinapunan maski isang silip. "Ipagpaumanhin mo."

Ramdam niya ang pag-ngisi ni Henry. Naalala niya tuloy si Halo at napaisip kung ito ang papalit dito.

"Shall we begin then?" sabad ni Jonathan. "Maraming dapat pag-usapan. Nangunguna na roon ang—"

"Sandali," pagputol ni Chloe. Lahat yata ng elders ay namataan niya na liban sa hari. "Bago 'yon, nais kong malaman ang kalakip ng parusang excommunication. Hindi ba't dapat exiled na si Monica? Bakit tila malaya pa rin siyang nakagagala sa kung saan-saan?"

Panandaliang katahimikan.

Na tinapos ni Christopher sa kaniyang pag-tikhim. "We had ostracized Monica Scarr, yes, but basically, ang nakalakip doon ay hindi dapat siya maka-daupang sa mga nakasaad na spesipikong pangalan. Kagaya mo at ako."

"That's just friggin' unfair."

"Are you done, Chloe?" ani Vicar. "Marami pang dapat pag-usapan."

Tiim bagang siya bago sumagot. "No, Vicar. Hindi pa 'ko tapos. And you will give me the respect I deserve."

Nag-pantig ang kaniyang tainga nang marinig ang mahinang pagtawa ni Henry. Tama siya. Nagiging si Halo na nga ito.

"Hindi binibigay ang respeto, dear Clarissa. Respect must be earned. And you haven't done anything to earn ours," pahayag ni Bruce.

Natahimik siya rito.

"That was a wild foreplay." Nagsalita na rin si Sabrina—na hinawakan ang kamay ng kasamang bampira para pigilan ito sa kung ano mang balak. "But I must agree with elder Vicar. Marami pa tayong pag-uusapan. I'm not a vampire. Hindi ko kayang manatili rito nang bente cuatro oras."

"Well then, Miss Helix, where would you like to begin?" pangangasiwa ni Jonathan. Itinungkod niya ang mga siko sa lamesa at pinagdaop ang mga daliri.

"Land reform. Nagpapasalamat kami sa lupaing ibinahagi ninyo ngunit kakailanganin pa namin ng higit pa roon. Paano na lamang ang pagamutan. Taniman ng makakain. At kung maaari, nais din ng aming konseho na magtayo ng paaralan para sa mga bata. Hindi magiging posible 'yon kung—"

Tumayo si Henry na kumuha ng atensyon ng mga naroon. Inikot niya ang lamesa nang may sikhay. "You have heard of my fellow elder's proposal, haven't you? Naya suggested that a community where vampires and humans could co-exist should start with the young ones." Nasa likod na siya ng upuan ng kausap. Nakahawak siya sa sandalan nito.

"Two meters, Henry," asik ni Chloe. Masama ang tingin niya sa pinakabatang elder na nagtaas ng kamay at umatras.

"Can you blame me? Your friend is just too... tempting."

Marahas na pagtayo ang ginawa ni Chloe at animo'y susugod dito ngunit sa isang iglap ay hawak na siya ni Jonathan sa kamay.

Nang mapagtanto niya ito ay siya mismo ang naghiwalay sa kanila. Sinamaan niya ng tingin si Jonathan bago bumalik sa upuan.

Ngumiti nang makahulugan si Henry. "As I was saying..."

Natapos ang pagpupulong nang walang nakakamit sina Sabrina, at ang nais nina Naya ang nanaig. Ngunit hindi pa ito ang huli.

Sana nga lang ay ang mga susunod ay hindi kasing gulo ng ngayon.

Nakalabas na si Chloe sa silid nang harangan siya ng hari ng mga bampira. Maaliwalas na ngiti ang ipinamalas niya rito. "Yes?"

Hindi ibinalik ni Jonathan ang ngiting iyon. "You seem... close with my wife."

"That's a statement. A very vague one," komento ni Sabrina. "May nais kang sabihin, Kamahalan?"

Hindi siya sigurado kung tama ang narinig na mahinang pagdaing nito. "I think it would be best if you stay away from Chloe."

"Mahirap 'yon. Lalo na't siya lang ang bampirang kakampi namin. Wala na si Reina."

Mula sa seryosong ekspresyon ay bumakas ang pagkabigla kay Jonathan. Hindi naman nalalaglag ang maskara ni Sabrina. "Mauuna na po ako."

"Minsan napapaisip talaga ako kung paano kayo naging magkapatid ni Tristan." Nang makalabas siya ay naroon si Chloe. Hinawakan nito ang siko niya at iginiya siya sa direksyon palabas ng gusali.

"Pinupuri mo ba 'ko, dear Clarissa?"

Nalukot ang mukha ni Chloe na ikinatuwa naman niya. "Exactly my point."

Ano mang pagkaasar ni Chloe sa kaniya ay hindi niya ininda nang yakapin pa ang malamig nitong braso sa katawan niya. Hindi na lamang siya nito pinansin.

"They're not happy I'm here. Lalo na ang asawa mo. In fact, sa tingin ko nagseselos siya sa atensyong binibigay mo sa 'kin."

Hindi nagsalita si Chloe hanggang sa masinagan sila ng araw pagkalabas.

Siya naman ang naubusan ng salita. Naroon si Margeau Vector, kaibigan ni Chloe, at nakikipag-usap kay Gregor.

Panahon naman ni Chloe para manukso. "Hindi lang si Jonathan ang nagseselos."

"Hmm..."

"Chloe." Nakita sila ni Margeau. "How was the meeting?"

"Bad. I need your help, Red."

Trivia: Inspired sa isa sa favorite tv series ko ang Bad Blood. Hulaan niyo kung ano. :) Clue: Bisexual ang bida. Marami siyang love interests. HAHA. At mayroon din siyang sistemang kinukuwestiyon. Tapos may wolf-shifter at doctor din siyang love interest HAHA (Saka 'bad guy' na naging love interest din) emegerd. Ngayon ko lang na-realize habang tina-type ito, unintentional man ay ang dami ko palang nakuhang ideas dun XD

Bad Blood: RenaissanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon