Kabanata VI

84 8 0
                                        

A/N Listen to juan karlos' Buwan as you're reading this. Bagay na bagay sa chapter ^^

Labag sa loob na pumunta si Chloe sa pagtitipon na pinangungunahan ng angkang Whitstone. Nag-alok ang asawa niya na sunduin siya ngunit minabuti niyang pumunta nang mag-isa.

Magkakasama na nga sila buong gabi. Hindi kailangang maging sa sasakyan ay magkasama pa rin sila.

Dahil unang araw ng Nobyembre, nakasuot ng iba't ibang uri ng damit ang mga naroon. Ang kaniya ay simpleng itim na bestida at sombrerong may patusok sa tuktok.  

Pagtapak niya sa lupain ng nga Whitstone, nangipit ang kalamnan niya sa kaba. Tila ba bumabayo ang puso niya sa matinding antipisasyon.

Higit pa nang lumapag sa kaniya ang tingin ng mga bisita. Nananantiya ang mga ito sa presensya niya.

Hindi niya kilala ang karamihan sa mga ito, ngunit nakatitiyak siyang alam nila kung sino siya—si Chloe Ashbourne, bampirang may dugo ng Diyos, kakampi ng mga tao.

"I'm surprised you're here," may bumulong sa kaniya.

Tila kinuryente ang kaniyang gulugod sa pamilyar na boses ng binata.

Hinawakan nito ang likod niya para igiya siya paloob ng mansyon.

"Keiran," hayag niya sa lalaking may balat na kulay tsokolate.

"Clarissa," balik nito sa kaniya. Bumitiw ito sa likod niya at sa halip, hinawakan ang kamay ni Chloe. "I didn't think it's possible for you to be even more beautiful than when we were together."

"Nasasabi mo lang 'yan kasi na-miss mo 'ko."

Ngumisi si Keiran. Lumuwag na rin ang paghinga ni Chloe kahit papaano. Mukhang walang sama ng loob ang binata sa kanilang paghihiwalayan.

"I wouldn't deny that." Humarap sa kaniya ang binata.

Nais ibalik ni Chloe kay Keiran ang mga salita nito. Naging mabuti ang paglipas ng panahon dito. Sa kanilang paggulang, higit pa itong naging makisig kaysa noong huli nilang tagpo.

Mapupungay ang mga mata nito at matangos ang ilong. Para itong isang prinsipe sa asul na mano at kapang suot nito.

"What are you supposed to be in this glorious Halloween night?"

Noon pa man, paboritong araw na ng mga katulad nilang bampira ang gabing ito. Sa tuwing araw ng mga patay, maaari nilang ilabas ang tunay nilang katauhan at walang maghihinala na hindi sila nababagay sa lupa.

"A witch, obviously," mapaglaro niyang saad.

"A bad girl, huh." Inilahad ni Keiran ang palad niya. "Shall we dance?"

Ipinatong ni Chloe ang sariling kamay rito, nang mahagip ng kaniyang periperalya ang isang lalaking nakagayak ng puting amerikana, kagaya ng una nilang pagkikita.

Maagap na lumayo si Chloe sa dating nobyo sa paglapit ni Jonathan. Hinapit naman ng hari ang baywang niya na parang ayaw na siyang pakawalan pa.

"Your Highness," pagbati ni Keiran.

"Governor Keiran Whitstone." Tumungo si Jonathan bilang pagkilala rito. Walang ngiti sa labi ni sa mata nito. "Surely you can entertain other guests aside from my wife."

Kulang na lang ay mag-yelo ang buong paligid sa lamig ng ekspresyon nito.

Ngumiti lamang si Keiran. "Surely. A pleasure to meet you, Sir," paalam nito.

Sa pag-alis ni Keiran, awtomatikong lumayo ang katawan ni Chloe sa asawa. Hindi niya alam ang gagawin. Sa kabilang banda, nais niyang maglakad palayo—palayo kay Jonathan. Ang isa namang bahagi ng sarili niya ay nais nang kunin ang pagkakataon para makipag-ayos dito.

"Ang ibang bampira, hindi kayang manatili sa ilalim ng sinag ng araw dahil sa galit ng diyos na si Apolaki. Pero parang daig ko pa ang galit ng araw kung makaiwas ka sa 'kin," hayag ni Jonathan.

Nilamon siya ng konsensya sa mga kataga nito dahil ito ay isang katotohanang hindi niya maitatanggi. Pero may makasisisi ba sa kaniya?

Mas lalo pa siyang nagsisi nang tingnan niya ang mata nito, puno ng sinseridad, hinanakit, pagmamahal.

"Please, Jon--"

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo? Na mananatili ka sa tabi ko para gabayan ako?"

"Hindi mo maiintindihan," pinal na sabi ni Chloe.

Bawat paghakbang ni Jonathan para bumalik sa kaniyang tabi, nasasakal siya ng imahinaryong kamay ng hari.

Malamlam ang tingin ni Jonathan kahit pa may pilit na ngiti sa labi nito. "Nothing makes sense to me anymore. Ang alam ko lang ay kung gaano ka kahalaga sa akin. Mahal na mahal kita, Chloe," pag-amin nito.

Saktong nagsimula ang mabagal na tugtugin. Hinapit ni Jonathan si Chloe sa matipuno niyang pangangatawan.

Naipit ang lalamunan ni Chloe kasabay ng pagkakaipit niya sa pagitan ng braso at dibdib ni Jonathan, at ng nakababahalang konpesyon nito.

Sa pangunguna ni Jonathan, sinabayan nila ng mabagal na sayaw ang saliw ng musika.

"Believe me, mahalaga ka rin sa akin," mahinang sabi ni Chloe. "Pero sa tuwing tinitingnan kita, naaalala ko ang ginawa mo. Kailangan ko pa ng unting panahon."

Tumigil si Jonathan at dahil doon, maging si Chloe. Hinaplos ng lalaking bampira ang pisngi niya--sobrang gaan na animo'y isa siyang porselanang manika.

"Kung iyon ang kailangan para maibalik tayo sa dati, maghihintay ako, Chloe. Maghihintay ako kahit gaano katagal."

Huminto ang tugtugin. Natuon ang atensyon ng mga bampira sa entablado kung na saan si Keiran.

Nagsimula itong maghandog ng talumpati ng pasasalamat at pangako.

"Pasensya na at hindi ko kaagad naamin sa 'yo," muling sabi ni Chloe. Bumaling sa kaniya si Jonathan at tahimik na nakinig. "First love ko si Keiran. Naging nobyo ko siya at akala ko noon, kami na talaga hanggang sa huli. Hanggang sa nalaman ko na malapit sa elders ang angkan nila. Nakipaghiwalay ako sa kaniya dahil sa takot. Simula noon, nakuntento na kong magkubli sa anino ng gabi. Hanggang sa dumating ka."

Hinawakan ng malamig na kamay ni Jonathan ang kaniya. Bumuntong hininga ang hari ng mga bampira.

"We've always been each other's strength," komento ni Jonathan. "Pero may bago ka nang pinagkukunan ng lakas ngayon--ang mga tao. Masaya ako na nahanap mo na ang sarili mo. You've come a long way, Chloe."

Tumango si Chloe at mariing pumikit. Nagbabadyang pumatak ang mga luha niya. Habang kinakausap nang ganito ang asawa, hindi niya maiwasan ang maging emosyonal.

"And now ladies and gentlemen, I present to you, the king of the vampires, Jonathan Psalm Monroe!" bulalas ni Keiran mula sa entablado.

Nagpalakpakan ang mga bampira. Kumaway si Jonathan sa mga nasasakupan niya.

Bumulong siya kay Chloe. "Kung kailangan mo nang umalis, maiintindihan ko."

Tumango si Chloe. "I'll see you tomorrow."

"Alright." Dumampi ang labi ni Jonathan sa pisngi ni Chloe. "I have a speech to make."

Bad Blood: RenaissanceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon