Kabanata V

104 12 0
                                    

"Kanino ka ba talaga kampi, Henry?"

Umuulan ng gabing iyon. Nasa loob lamang ng mansyon ang magkapatid na Vector.

Masama man ang panahon, pumaroon pa rin ang dating elder na si Bruce. Naabutan nito si Henry sa balkonahe, nagtatampisaw sa ulan.

"What ever do you mean, Bruce?" Umikot ito para harapin ang matanda, may nakalolokong ngisi sa labi at nanlilisik na pulang mata.

Bagsak ang buhok nito dahil sa patuloy na pagragasa ng ulan, ngunit wala ito sa kaniya. Sa halip, nakikita ni Bruce sa kaniya ang ibang katauhan. Ang katauhang nakita nila noon sa mga ninuno nito.

"You voted against us not just once, but twice already. And I doubt that you have made alliance with Chloe Ashbourne." Kunwa'y nanatili itong kalmado. Hindi niya ipinababatid ang hinuha niya.

"Chloe? Heh. She's just another piece in the chessboard." Pumasok sa loob ng bahay si Henry. Ang mga butil ng tubig sa kaniyang katawan ay walang patawad na nag-alpasan sa sahig. "And I doubt someone as... ancient... as you would understand the long game," bulong nito nang nakalapit ang mukha kay Bruce.

Ngunit sa segundong iyon, kaagad na dumulas paatras si Henry. Hindi gumalaw ang kaniyang mga paa, ngunit may kung anong pwersang nagmula kay Bruce.

"This ancient holds direct power from Haliya, kid."

Nalukot ang mukha ni Henry. Bumibigat ang katawan niya, at bumabaluktot ang mga tuhod dahil sa pwersang nagtutulak sa kaniya paibaba.

Pilit niya itong nilalabanan. Lumalabas ang ugat niya sa mga braso dahil sa tensyon nang panlalaban dito.

"Have you forgotten, Henry, how the former elders enslaved your clan? You were a child then when I used my ability to manipulate momentum and entrapped your kin. They didn't see what was coming for them."

Isang butil ng tubig ang tumulo sa pisngi ni Henry. Hindi mawari kung tubig-ulan iyon o pawis.

"Kuya?" Sa intensidad ng laban ay hindi napansin ni Bruce ang presensya ni Margeau.

Nilingon niya ang dalaga. Iyon ang naging pagkakamali niya.

Nagawang labanan ni Henry ang pwersa gamit ang kaniya. Nakatayo siya nang tuwid, saka naman niya hinawi si Bruce palipad sa pader gamit ang kapangyarihan niya.

Malakas ang pagtama ng matanda rito. Lumuwa ito ng dugo at sumalampak sa sahig.

Umalik-ik si Henry habang papalapit dito. "Someone like you wouldn't understand someone like me. I want power, real power. I will only obtain that upon killing the Gods."

Itinungkod ni Bruce ang mga siko upang iangat ang sarili. Nanlalaki ang mata nito't hindi makapaniwala. "Nababaliw ka na." Nanginginig ang boses nito.

Buong akala ni Bruce ay si Chloe ang kalaban, isang bampirang may dugo ng Diyos. Nagkamali siya. Ang tunay na kalaban ay isang demonyo.

Bungisngis si Henry habang may hawak na patalim.

"Kuya, sigurado ka ba dyan?" nag-aalangang tanong ni Margeau.

"Hindi natin siya kailangan. Nasa trono na si Jonathan."

Wala nang nagawa si Margeau nang itarak ng kapatid ang kutsilyo sa likod ni Bruce. Paulit-ulit hanggang sa tuluyan itong malagutan ng hininga at naliligo si Henry sa dugo nito.

Humalakhak ito pagkatayo, saka dinilaan ang labing may bahid ng dugo.

Hindi ito ang unang beses na nakita ni Margeau na ganito ang kapatid, ngunit hindi pa rin maaalis sa kaniya ang kilabutan.

"Margeau, alam mo na ba kung na saan ang pinahahanap ko?" seryosong tanong nito. Walang lambot sa pagtingin niya sa nakababatang kapatid.

Madaling sumagot ng oo. Tutal ay totoo namang alam na niya.

Naroon siya nang gamitin ni Chloe ang kwintas para iligtas si Zachary. Nakatitiyak siyang ito ang matagal nang hinahanap ni Henry.

Hindi niya alam kung anong naisip niya't tumaliwas dito. "I need more time."

Dahan-dahang lumapit si Henry. Tumigil sa paghinga si Margeau, natatakot na malaman nito ang kasinungalingan niya.

Hinaplos ni Henry ang porselanang kutis niya. Nabahiran ito ng dugo.

"Oh dear sister, we don't have time. Jonathan is quickly spiralling down the rabbit hole. Sooner or later, magagawa na niya ang matagal na niyang pinaplano."

Pumikit nang mariin si Margeau. Hindi niya maitatanggi na tama ang kapatid niya. Pabagsak nang pabagsak ang dati niyang nobyo.

Matalino ang kapatid niya. Alam niyang darating sa puntong ito si Jonathan kaya noon pa man ay tutol na ito sa relasyon nila.

"I'm sorry, Kuya. Sige, I'll do my best.  Babagsak ang mga Ashbourne kasabay ng ibang diyos."

~*~

Naghahasik na ng lagim ang bagyong Henry. 😁

Bad Blood: RenaissanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon