Bago pa tumunog ang orasan para gisingin siya ay dilat na ang mga mata ni Tristan.
Kaagad siyang bumangon pagpatak ng alas siete ng umaga, nag-ayos ng sarili saka lumabas. Malayo pa lamang ay naamoy na niya ang inihahandang almusal ni Sabrina. Hindi kailang kaakit-akit ito sa kaniyang ilong. Ngunit iba ang kinasasabik niya.
Pagkaalis ng bahay ay tumungo siya sa kagubatan kung saan naghihintay ang kaniyang pinakamamahal. Kadalasan ay umaga sila kung magkita upang maiwasan ang mga mata ng ibang bampira.
Naaalala nga niya rito ang kaibigan niyang si Chloe na ganoon din dati ang uri ng pamumuhay. Si Chloe...
Alam niyang kataksilan ang ginagawa niya. Hindi rin niya maintindihan ang sarili.
Kung dati-rati'y sa kalahating Diyos umiikot ang mundo niya, ngayo'y nabubuhay siya para sa dating elder na si Monica Scarr.
Tiyak siyang hindi matutuwa rito si Chloe. Pakiramdam niya tuloy ay naaabuso niya ang kabutihan nito ngunit lahat ng alalahanin ay nabubura sa isipan niya kapag naiisip na lahat ng ito ay para kay Monica. Hindi niya maintindihan ang sarili.
Ngunit hindi si Monica ang nadatnan niya.
"Sab?" anito sa kapatid na naghihintay sa kaniya sa puno ng kamagong. "Kailan ka pa naging mas mabilis sa 'kin?"
Saka naman nagpakita si Chloe. Bumuntong hininga siya. Hindi pa yata siya nasanay sa pagiging pursigido nito.
"Totoo nga," umiiling na komento ng pinuno ng mga tao.
"Tristan, binantaan na kita no'ng nakaraang linggo. Wala na bang halaga sa 'yo ang opinyon ko?"
Batid niya ang hinanakit sa tinig nito. Ngunit nanindigan siya at taas noong hinarap ang dalawang babae. "At sinabi ko rin noon na mahal ko siya!" Nagtaas ang kaniyang boses.
"Kaya siya ang pipiliin mo?" nangingintab ang mga mata niyang tumugon.
"Hindi mo pwedeng pag-timbangin kayong dalawa!"
"Teka, teka." Pumagitna si Sabrina. "Hindi ba't inaya mo 'ko rito dahil alam mong ganito ang mangyayari?" sermon niya sa bampira na naglayo ng kaniyang tingin at umangil.
Muling humugot ng malalim na hininga si Tristan. "Walang pag-uusapan." Mata sa mata, binigay niya ang pinal na salita kay Chloe. "Hindi mo man alam ngunit buong buhay ko ay inialay ko para sa 'yo. Mula pagkabata, Chloe. Kaya sana maibigay n'yo sa 'kin ang kasiyahang ito." Tumalikod siya at akmang aalis nang marinig ang nababasag na boses ng kaibigan.
"Bakit siya pa?"
Hindi niya ito sinagot.
~*~
Padabog na sinara ni Margeau ang pinto sa silid ni Jonathan. Nakasimangot itong lumapit sa trono ng lalaki na pinanonood siya habang blanko ang ekspresyon.
Ngunit lumampas ang dalaga at nagtungo sa malaking bintanang tumatanaw sa liwasan. Kita mula roon ang malawak na ekspanse ng hardin ng ina ng hari.
"Pumunta ka lang ba rito para mag-drama r'yan?" pakli ni Jonathan saka tumayo sa kaniyang upuan para magsalin ng alak sa dalawang basong naroon.
"Bwisit 'yang Calla na 'yan. Isang hamak na pureblood vampire at ang lakas ng loob na banggain ako." Nasa kaniyang gilid na ang hari, nakangiti ngunit hindi umaabot sa mga mata.
"Nagseselos ka lang. She owns your man."
Hinarap niya ang lalaki, hinagip ang mga kwelyo nito, at nakipagtitigan. Inangat naman ni Jonathan ang dalawang baso na hawak niya at hinahamon siya pabalik. Nagsimulang ayusin ni Margeau ang kwelyo nito.
"You realize that's a contradiction, right?" Tumingkayad siya at banayad na humalik sa pisngi nito. "Tsk. Wala akong pake kay Oswald. Ayoko lang na kinakalaban ako. Besides, you're mine. What's there to fear?" Sa unang pagkakataon ay siya naman ang kumurba ang labi. Muli niyang binalik ang tingin sa bintana pagkatapos kunin ang basong para sa kaniya.
"Ikaw na lang ang mayroon ako, Margeau. And I'm the only one you have left." Sa isang lagok ay ininom niya ang laman ng baso. Sa gilid niya ay nakapulupot ang kamao niya rito. Unti-unting nababasag ang salaming bumubuo rito.
"Hmm..." Ngumisi si Margeau. Ang silid ay madilim at mabigat. Isang direksyon lamang ang pinagmumulan ng liwanag at nakaharap sila rito. Umaasa. "Wala na bang pag-asa kay Chloe?"
"I don't think there ever was."
Bumuntong hininga si Margeau. Mistulang hindi lamang siya ang may dinadalang alalahanin. Hindi lamang siya ang may drama. Sinandal niya ang ulo sa balikat ni Jonathan. "At least makikita mo siya mamaya sa meeting."
~*~
Pasulyap-sulyap kung tingnan ni Sabrina si Chloe. Sa kabuuan ng kanilang byahe patungo sa dating tirahan ng mga Monroe ay nakasilip lamang ang bampira sa bintana—nalulunod sa sarili niyang isip.
Tumawa nang mahina ang dalaga na siyang umagaw ng atensyon niya. "Bakit?"
"Si Tristan?"
"Si Monica," kaagad niyang tugon. Madiin ang titig niya kay Sabrina, kasing diin ng pagbanggit niya sa naturang pangalan. "Dapat napatay ko siya noon pa. Hindi ka ba nag-aalala? Si Monica Scarr ay isang halimaw! Pinatay niya ang mga magulang ko!"
Humalukipkip si Sabrina at sumandal. "Weird nga. Sigurado akong wala silang interaksyon noon at wala ring hihigit pa sa 'yo sa puso niya."
Sa sinabi nito ay naglayo ng tingin si Chloe. Pakiramdam niya'y nag-iinit ang mga pisngi niya. "Maaaring tinatakot niya si Tristan."
"Hindi. Sinsero ang kapatid ko sa sinabi niya." Naglabas ng punyal si Sabrina. Pinaglalaruan niya ang dulo nito sa kaniyang hintuturo. "Ano sa tingin mo ang pag-uusapan sa meeting?"
"Mukhang hindi nagkakasundo ang mga dating elders. May paksyon na hindi sang-ayon sa pagbabago, at mayroon namang nais bumuo ng paaralan para magkasama ang mga tao't bampira. Handa silang magbigay ng lupa—" Walang pasabing sinugatan ni Sabrina ang sariling palad. Kaagad na tumulo mula roon ang dugo. Kumunot ang noo ni Chloe sa naaamoy. "Sabrina..."
Hinawakan ng dalaga ang likod ng ulo niya at iginiya sa direksyon ng kaniyang palad.
"Hush, Chloe. Sa puntong ito, halos wala ka nang dapat pang katakutan."
Sa nangyari ngayong umaga at para na rin mamaya, alam ni Chloe na kailangan niyang mag-ipon ng lakas at sumuko na lamang kay Sabrina.
BINABASA MO ANG
Bad Blood: Renaissance
VampireBook III of Bad Blood series Matapos makuha ang inaasam na kalayaan sa ilalim ng mga vampire elders at ligtas na madala ang mga tao sa lupaing dapat ay kanila, panibagong mga kalaban ang haharapin ni Chloe. Nawala sa kaniya ang ilan sa mahahalagang...