"Ikinalulungkot kong ipamalita sa konsehong ito ang pagkawala ng buhay ng isang dating elder."
Sa unang pagkakataon ay payapa ang silid kung saan nagtipon ang mga pinuno ng paksyon ng mga bampira at tao.
Tahimik ang lahat habang pinakikinggan ang anunsyo ni Jonathan. Naroon at nakaupo ang mga dating elders, si Chloe, Sabrina, at si Schuck at Jack.
"Natagpuang patay sa gitna ng plaza si Bruce Calment. He was murdered. Hindi pa alam kung sino ang may gawa, but rest assured, he will be given justice. Tomorrow, a ceremony will be held in his name. That is all."
Umupo si Jonathan sa kaniyang puwesto sa dulo ng lamesa.
"My deepest condolences, your Highness," nangunang magsalita si Schuck.
"Salamat, Mr. Baer."
"He will be missed in this table," komento ni Henry.
Napansin ni Chloe ang talim sa tabas ng dila ng royal. "What do you think, Mr. Ripper? Who's responsible?" usisa ni Vicar mula sa harap ni Henry.
"Wala pa pong sapat na ebidensya para magsalita," maikling sagot ni Jack. Nakatayo ito sa kaliwang gilid ng hari. Nakatitig ito nang partikular kay Chloe.
"Dapat na ba 'kong maghanda ng alibi?" sagot ni Chloe, na nasa kanan ni Jonathan.
"Anyway!" bulalas ni Schuck. Tumayo ito mula sa tabi ng nag-iisang tao sa silid na iyon. "Speaking of the table, I have joined everyone here today as the political adviser to Miss Sabrina Helix."
"Gano'n na nga. Soon, he will be my proxy," segunda ni Sabrina.
"Proxy?" kuwestiyon ni Naya. "Isn't the goal here to unite the vampires and humans?"
"Baby steps, elder Naya," tugon ni Chloe. "Sa ngayon, bilang ang mga bampirang kaya naming pagkatiwalaan."
"No matter how hard you try, Clarissa, you will never belong to the human faction," sabad ni Henry. "You're simply not human. Might as well cooperate with the long-term goal here. That is... to create a society for vampires and humans alike."
Hindi nakasagot si Chloe. Wala siyang maisasagot doon.
Natapos na lang ang pagtitipon na iniisip pa rin niya kung paanong ang isang makapangyarihang bampirang kagaya ni Bruce ay napatay ng kung sino lang.
"Your Majesty." Nilingon ni Chloe ang tawag ni Vicar.
Sila na lang ang natira sa loob ng silid.
"Nagpaalam ang hari at si Miss Helix, mukhang hindi mo sila nadinig," dugtong ng dating elder.
"I have always assumed that Bruce is the most powerful living vampire, marahil dahil sa edad at posisyon niya sa lipunan. Hindi ba't nakatatakot na may hindi tayo kilalang mas makapangyarihan pa sa kaniya? Dapat ba tayong maghanda?" pagpapahayag ni Chloe ng mga bumabagabag sa kaniya.
Umupo si Vicar sa kaniyang tabi. "You have nothing to be scared of. You're an Ashbourne, power is innate in you." Huminga ito nang malalim. "But I suppose the unknown really is frightening."
Nabigla si Chloe na sumang-ayon ito. Napaisip na rin siya kung bakit nanatili ito para kausapin siya, samantalang isa ito sa mga nagnais na pagbayarin siya sa pagkawala ni Dean Amorozo.
"Siguro naman ay napapansin mo na noon pa ang tensyon sa pagitan ng mga elders," pagsisiwalat ni Vicar. Ibinaba nito ang sombrero sa lamesa.
"Tensyon? At akala ko lagi lang talaga kayong nireregla," biro niya.
Nagsalubong ang mga kilay ni Vicar, bago bumuntong hininga. "Tama ka noon. Mayroon sa aming may kani-kaniyang layunin. Bagama't naging ganoon ang kinahinatnan nina Halo at Monica, masasabi kong hindi pa sila ang pinakamalala sa amin."
"Anong ibig mong sabihin?" Binalot ng hilakbot si Chloe.
Nagtayuan ang kaniyang balahibo, habang hinihintay niya ang walang pangalang halimaw na tinutukoy ng kausap.
"Kung mapapansin mo ngayon, nahati na kami. On one side, there are those who want the old world back. Ako at si Bruce. Sa kabilang banda, naroon ang may mas mataas na layunin. Sa puntong lahat ay gagawin nila para walang humadlang sa kanila."
Hindi maituloy ni Vicar ang sasabihin. Nalukot ang mukha nito habang nag-iisip.
Mas lalong lumalalim ang antisipasyon ni Chloe.
"Sinong nila?"
"I dare not say it, your Majesty." Tumayo si Vicar. Isinuot nitong muli ang sombrero--naghahanda nang lumisan. "But I'm certain you know who I'm talking about."
"Si Jonath--" Hindi na nasagot ang katanungan ni Chloe.
Wala na roon si Vicar.
Ang asawa niya. Ang nag-iisang bampirang makaiintindi ng nararamdaman niya bilang huling Ashbourne.
Ngunit si Jonathan lang din ang kilala niyang may kakayanan na gawin ang nararapat gawin para sa mga mithiin niya.
Ano nga bang minimithi ni Jonathan?
Nagmamadali siyang lumabas--baka sakaling abutan pa niya ito.
"Bakit ang tagal mo?" Si Margeau ang sumalubong sa kaniya pagkalabas niya ng pinto.
"Si... si Jon?"
"Bakit mo hinahanap? 'Di ba nanghihingi ka ng space?"
"Margeau!" singhal niya.
Inilibot niya ang mata sa paligid. Wala na nga ito.
"Ipakikilala ni Sabrina si Schuck sa konseho," saad ng royal.
"May tiwala ka ba sa kan'ya?" kumpirma ni Chloe. Naglalakad na sila patungong sasakyan.
"You asked for my help and now you're questioning me?" pabalang na sagot ni Margeau.
Hinilamos ni Chloe ang mukha sa kaniyang palad. "May namatay na naman, Margeau. I don't know who to trust."
Nanlaki ang pulang mga mata ni Margeau. Tiim labi niyang binuksan ang likod na pinto ng sasakyan.
Bago ito muling ihampas nang sara at sumugod kay Chloe.
"It's not a question of trust, Chloe. Baka nalilimutan mo, you're my slave! Kapag sinabi ko na si Schuck ang kailangan para pakinggan tayo ng mga elders, you're going to believe me!"
Awtomatikong humawak si Chloe sa kulyar sa kaniyang leeg.
Oo nga pala. Hindi rin kaibigan si Margeau.
"Bakit mo 'to ginagawa?" tanong ni Chloe--nababasag ang boses. "Gano'n na lang ba ang galit mo sa 'kin? Bakit? Dahil kay Jonathan?"
"Huwag mong idamay si Jon dito!"
"Kung gano'n, bakit?! Ano bang ginawa ko sa 'yo?"
Nanaig ang katahimikan. Umihip nang malakas ang hangin. Wala pa ring kumibo.
Pumasok si Chloe sa sasakyan. Sumunod si Margeau.
Pinaandar ng nagmamaneho ang makina.
"I don't hate you, Chloe." Muling nagsalita si Margeau. "What I hate... is the circumstance."
Hindi sumagot si Chloe. Alam niyang magbubukas na ng sarili ang kausap at ayaw niyang putulin ito.
"I can't be with Jonathan because he cannot be saved. Simula pa lang, nakasulat na ang dulo ng storya niya. At alam ni Kuya na madi-distract niya ako sa mga plano namin sa hinaharap."
"You talk as if there's something bad bound to happen," komento ni Chloe.
Seryoso pa rin si Margeau.
"Listen to me very carefully, Chloe, because for the first time, I'll be completely honest with you. There's something you should know about Jonathan.
He wants to end the world."
BINABASA MO ANG
Bad Blood: Renaissance
VampirosBook III of Bad Blood series Matapos makuha ang inaasam na kalayaan sa ilalim ng mga vampire elders at ligtas na madala ang mga tao sa lupaing dapat ay kanila, panibagong mga kalaban ang haharapin ni Chloe. Nawala sa kaniya ang ilan sa mahahalagang...