Kabanata IV

89 12 0
                                    

Isang pagpupulong ang muling naganap sa pagitan ng mga paksyon.

Naunang pumaroon si Jonathan. Nagulat ito sa biglaang pagpasok ni Chloe.

Huminto. Nagkatitigan.

Nilampasan siya ng babaeng bampira saka pumwesto sa upuan nito. Malungkot na sinundan siya ng tingin ni Jonathan. Nakatingin lamang sa papel na hawak si Chloe.

"Himala at hindi mo kasama si Miss Helix," komento ni Jonathan, umaasang magbukas ng pag-uusap sa pagitan nila.

Inangat ni Chloe ang tingin. Tila yelo ang mga ito. Gayon pa man, ito ang pinakamagandang matang nakita ni Jonathan.

"That's something we need to discuss with the vampire faction later."

"Pwede mo naman akong kausapin ngayon na, para may backer ka mamaya," sinsero niyang alok.

Hindi na natuloy ang usapan nila nang sunod na pumasok sa silid ang dating elders.

"Huwag kang aalis pagkatapos ng meeting. May sasabihin ako," sabi ni Jonathan bago maupo.

Nang lahat ay makapwesto na, ipinagpatuloy nila ang naudlot na usapin tungkol sa pamamahagi ng lupa.

Nanguna rito si Bruce. "We stand by our decision. We want to secure a future where vampires no longer have to hide in the shadows."

Umigting ang panga ni Chloe. Kung narito lang si Sabrina, malamang ay mayroon itong maagap na sagot sa dating elder.

Gayon pa man, alam niya ang papel niya sa larong ito. Pag-iigihan na lamang niya ang tungkulin niya.

"Kung makapagsalita kayo ay tila ba inapi ang lahi ng mga bampira. When in fact, we've always been the predator. Paano pa ngayon na may depisito sa bilang at kapangyarihan ang mga tao?" tugon ni Chloe.

Sumabad si Vicar. "You're being unreasonable if you think we should grant more land to outsiders."

"The same outsiders who used to own these very lands," singit ni Christopher.

Bumaling sa kaniya si Chloe sa pagkabigla. Bahagyang tumango si Christopher sa kaniya.

"What should we do, Your Highness?" ani Henry.

Nagtaas ng kilay si Jonathan. "Shall we put it to a vote? Sino ang hindi sang-ayon sa hiling ng human faction?"

Nagtaas ng kamay si Vicar.

Sumunod ay si Bruce. "Those humans do not even have the decency to show up to the meetings!"

"Masisisi mo ba ang mga tao kung natatakot sila sa inyo?" singhal ni Chloe.

"Relax, Ashbourne. Anger does not look good on you," komento ni Henry.

Nangunot ang noo ni Jonathan nang mapansin ito. "Dalawa. Sino ang sang-ayon?"

Naunang magtaas ng kamay si Chloe. Tiningnan niya si Christopher, hindi ito kumikilos.

Huminga nang malalim si Jonathan, saka ito nagtaas ng kamay. Nagkatinginan sila ni Chloe. Ngumiti ito sa babaeng bampira.

Binaba ni Jonathan ang braso. "Whose side are you on, Henry?"

"The three of us have a proposal."

Simple lamang ang panukala ng tatlo. Sang-ayon sila na mabigyan ng lupa ang mga tao, ngunit gusto rin nila na magkasama ang mga ito at bampira. Nais nilang pumasok sa iisang paaralan ang dalawang lahi.

Dahil tatlo sila, wala nang nagawa ang hinaing ng iba. Bagsak ang balikat na umalis si Chloe. Palabas na siya ng gusali nang harangin siya ng asawa.

Nagsalubong ang mga kilay niya rito. "Ano?"

"Dahil wala na si Aldis Amorozo, wala nang namumuno sa Batangas. The elders—vampire faction—decided to put the Whitstone heir as ersatz," paliwanag ni Jonathan. Malambot ang tinig niya, nanunukat.

"Whitstone?" ani Chloe. Bakas sa boses niya ang pagkabahala.

"Oo. Kilala mo sila?"

Lumunok si Chloe, pagkatapos ay umiling. "Hindi ba't taga-Barbados ang angkang iyon?"

"Doon nga, kaya malapit sila kay elder Christopher. Siya ang nag-nominate kay Keiran. And as the king and queen, our presence is expected in there."

Nanlaki ang mga mata ni Chloe sa narinig. Humalukipkip siya, habang kinakamot-kamot ang kaniyang braso. "Hindi ako makakapunta. Marami akong inaasikaso."

"Kagaya ng magkapatid na Helix?" mapanuyang sabi ni Jonathan.

"Anong ibig mong sabihin?"

Malungkot itong ngumiti. "Alam ko ang problemang kinakaharap mo kay Tristan Helix. Nalimutan mo na bang kaibigan ko si Margeau?"

"Kaibigan lang ba talaga?"

Napasuklay ng buhok si Jonathan gamit ang daliri, napupuno ng prustrasyon. "Hindi si Margeau ang issue rito. Ikaw. Bakit kailangan mong mangialam sa kanila? Unless may gusto ka kay Tristan."

Sinampal siya ni Chloe. Umalingawngaw ito sa buong pasilyo. Mabuti na lang at wala nang ibang naroon.

"Alam mo kung anong kasalanan ni Monica sa 'kin, Jon!" bulalas niya. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata.

Gusto itong abutin ni Jonathan at punasan para mawala. Nasasaktan siyang nakikita si Chloe nang ganito. Gusto niya itong yakapin.

Gusto niyang humingi ng tawad.

Ngunit pinangungunahan siya ng pangamba.

Malapit na niyang maabot ang mga layunin niya. Hindi ang pag-ibig niya ang sisira ng mga plano niya.

"Sa ayaw at sa gusto mo, pupunta ka. Huwag na sanang umabot sa puntong pepwersahin kita, Chloe." Mahina at mababa ang boses ni Jonathan, nagbabanta.

Hindi makapaniwala si Chloe. Nagbago na ngang tuluyan ang dati niyang kaibigan.

Umalis siya roon na higit na mabigat ang loob sa asawa.

~*~

A/N Unedited chapter. Gusto ko lang talaga mag-update na. Hihi!

What do you think of Keiran Whitstone? Bakit sa tingin niyo ganoon na lang ang reaksyon ni Chloe? Excited na ba kayo sa next chapter? Comment kayo. :D

Bad Blood: RenaissanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon