Hindi ito ang inaasahan niyang mararamdam ngayong wala na si Monica.
Hindi isang malaking kawalan ng pakiramdam.
Tititig siya sa salamin at ni hindi niya makilala ang haharap sa kaniya.
Akala niya ay tama ang ginagawa niya, pero bakit tila may mga nasasaktan pa rin siya? At iyong pinakamahalaga pa sa kaniya.
Kung sasabihin ni Tristan ngayon na makasarili siya ay maniniwala siya rito.
Buong araw ay kasa-kasama lamang siya ni Sabrina sa mga pagtitipon na dinaluhan nito. Sa gayong paraan man lang ay maiwaglit niya ang bumabagabag sa isip.
Siguro ay paraan niya rin ito para patunayan kay Tristan na hindi niya tinalikuran ang mga ito.
Pagkagaling sa kampo ng mga elders ay nakasalubong nina Chloe, Sabrina at Schuck ang nakababatang kapatid ni Henry Vector.
Pilya itong ngumiti nang makita si Chloe, bagay na nababatid niyang hindi niya magugustuhan.
"Good morning, Your Highness," pagbati nito.
Hindi sumagot si Chloe.
Lumampas naman si Sabrina at Schuck sa mga ito, "We'll get going, Chloe," ani Sabrina.
"Yes, Margeau?" sarkastikong saad ni Chloe pagkaalis ng mga ito.
"Kung ako sa 'yo," pasaring ni Margeau, "Hindi ko tatanggalin ang mata ko sa sweetheart mong si Tristan."
Umikot ang mata ni Chloe sa panunukso nito. "Anong ibig mong sabihin?" Napagod na rin siya sa katatanggi na wala silang ganoong relasyon ng kaibigan.
"Balita ko may pagka-heartthrob siya sa Lochan Academy ngayon a. Porke nawala na tayong mga paru-paro, lumabas na ang mga bubuyog."
Bumuntong hininga si Chloe. "Pumapasok pa pala siya."
"Dapat ba hindi? Hindi ba siya nagpaalam sa 'yo?" patuloy na pang-aasar ni Margeau.
Umiiling na tumalikod sa kaniya si Chloe.
Mabilis na hinawakan ni Margeau ang braso ni Chloe. Hinila niya ito nang malakas na napaikot ito, saka tinulak hanggang sa tumama ang likod nito sa pader.
Magkalapat silang dalawa nang pasadahan ng daliri ni Margeau ang kulyar na suot ni Chloe, habang naglayo naman ito ng tingin.
"Busy ka ba?" usisa ng royal.
"Bakit?"
"Gusto mo mag-undercover? I miss being a student."
Kumunot naman ang noo ni Chloe sa kapilyahan nito. "Pero si Sabrina--" idadahilan sana niya.
"Schuck will take care of her."
Wala namang nagawa si Chloe kung hindi ang sumama, pero kung magiging tapat siya sa sarili, nais din niyang makita ang lagay ng binata.
Sa pagpunta nila roon ay wala naman silang nakitang nagbago sa anyo ng paaralan.
Natatawa lang si Chloe nang maalala na mortal silang magkaaway ni Margeau sa lugar na ito. Nalungkot naman siya nang maalala ang yumaong nobyo na dito niya nakilala.
Sa pagkakabatid dito ay hinila ni Margeau sa loob ang kasama.
Nahinto ang mga naglalakad at nag-uusap-usap na estudyante sa pasilyo ng paaralan sa pagpasok nila. Magkahalong gulat at pagkamangha ang bumalot sa kanila nang makita ang dalawang babae.
Naiilang na nagpatuloy sa paglalakad si Chloe.
"For fuck's sake, Chloe, you are their queen!" bulalas ni Margeau.
Tila ba natauhan ang mga nang-uusisa sa binanggit ni Margeau, sabay-sabay na lumuhod ang mga ito habang dinadaanan sila ng dalawang babae.
Parang kailan lang ay tinutuligsa siya ng mga mag-aaral din ng lugar na ito.
Bago lumiko at tuluyang mawala sa paningin ng mga ito ay huminto si Chloe. "You may rise," maikli nitong sabi bago lumiko sa pasilyo.
"Well, shit," bulong sa sarili ni Margeau.
Nakangisi naman si Chloe sa nangyari. Pagkatapos nito ay bumisita sila sa mga dati nilang guro.
Mahirap man ang mga pagsubok ng mga ito ay nakatulong naman ito sa paghubog sa kanila bilang bampira.
"Nanggigigil siguro ang bitch na Taylor na 'yon ngayon sa impyerno," komento ni Margeau. Paalis na sila ni Chloe mula sa Lochan Academy.
"Wish ko lang na sana kasama niya sina Monica at Halo," sagot ni Chloe. Hindi niya namalayan na may aksidenteng makabubunggo sa kaniya.
Kilala niya ang amoy na iyon—hinding-hindi siya maaaring magkamali.
Pag-angat ng kaniyang tingin ay naroon si Tristan, kasing kisig katulad ng una niya itong makilala—kahit pa bakas din sa mukha nito ang pagkagulat.
"Tris, let's go na!" "Inaantay na nila tayo, Tristan."
Tawag ng mga babaeng nakapalibot sa taong lobo. Sa tining ng mga boses nito ay naririndi si Margeau.
Bago pa man makapagsalita si Chloe ay nahila na ng grupo si Tristan palayo sa kanila.
Mukhang tama nga ang royal. Para bang mabangong bulaklak na pinagpipiyestahan ito ng mga bubuyog.
Alam niya ang nararamdaman nila. Bukod pa doon, swerte pa siyang nabigyan ng pagkakataon na makilala ang mabuting puso ng binata.
Hindi nga ito mahirap magustuhan.
"Bakit tulala ka lang dyan? Nagpatalo ka talaga sa mga 'yon?" Wala na talagang ibang ginawa si Margeau kung hindi ang asarin siya.
Ayaw niya itong sagutin dahil hindi na ito titigil, bagkus ay nagpatuloy na sa pag-alis.
"Kita mo naman, 'di ba? Parang wala lang tayo sa kaniya."
Mabuti na rin siguro iyon dahil mukhang ayos na si Tristan. Ni hindi man lang siya nito natapunan ng tingin nang isang minuto.
Pagkatapos niyon ay nagtungo sa paksyon ng mga tao si Chloe, kung saan kasalukuyang umiikot ang mundo niya ngayon.
Dumiretso siya sa tirahan ni Sabrina, at walang anu-ano ay sinunggaban ito para uminom ng dugo—isang bagay na kailan man ay hindi yata kasasanayan ni Sabrina.
"C-chloe..." pag-ungol nito habang nakakapit sa kaniya.
Natauhan dito si Chloe at saka siya tumigil. "Sorry, Sab." Inalalayan niya ito para umupo, saka tumabi rito.
"Maraming salamat sa babala." Bumuntong hininga ito.
Bumakas ang pagsisisi sa maamong mukha ni Chloe. Hindi alam ni Sabrina ang bumalot sa kaniya dahil imbes na sa sarili, sa bampira pa siya nahabag. Mukha kasi itong sinipang tuta.
Hinila niya ito papalapit sa leeg niya. Senyal ito kay Chloe na pumapayag ito.
Bago pa man siya makainom ay may kumakalabog na katok sa pinto ni Sabrina.
Pinagbuksan niya ito, at tumambad sa harap niya ang isang lalaking mukhang takot na takot ang hitsura.
"Ang mga tao natin sa Timog, pinadampot ng hari ng mga bampira!"
***
A/N Yay. 3 years walang update. XD Funny thing is, though na-retain ko naman 'yung ibang notes ko sa story na 'to, marami pa rin ang nawawala na. Hahays. But anyway, ever since I started writing Book 2 and Book 3, I have known where this story was leading. Most likely mas magiging maikli ang story kesa sa plano ko before, pero doon pa rin tayo papunta :)
BINABASA MO ANG
Bad Blood: Renaissance
مصاص دماءBook III of Bad Blood series Matapos makuha ang inaasam na kalayaan sa ilalim ng mga vampire elders at ligtas na madala ang mga tao sa lupaing dapat ay kanila, panibagong mga kalaban ang haharapin ni Chloe. Nawala sa kaniya ang ilan sa mahahalagang...