Kabanata III

114 11 0
                                        

"So sa'n ka na tumutuloy ngayon?"

"Where else? Bakit ako sa tingin mo na kina Jon kanina?" pabalang na sagot ni Margeau kay Chloe.

Hindi kalayuan sa kanilang pinanggalingan ay mayroong pribadong serbeserya. Dinala sila roon ni Margeau nang magkita-kita. Simula rin noon ay hindi na siya humiwalay pa kay Gregor na hindi na ikinukubli ang pagkailang nito sa kaniya.

Kagaya rin niya, hindi na rin naitago ng mga naroon ang atensyong ipinupukol sa kanila. Kaya minabuti ng royal na isama sila sa silid para sa mga mahahalagang tao. Puros pula ang kulay ng mga kagamitan at pader.

"Delikado 'to. You shouldn't be here," bulong ni Gregor kay Sabrina. Lingid sa kaniya ay rinig naman sila ng dalawang bampirang kasama nila.

Kaagad na sumunod sa kanila ang taga-silbi na may dalang bandeha ng mga alak. "Seriously, Gregor? Hanggang ngayon hindi ka pa sanay sa kakulitan ng ex mo?" patutsada ni Chloe bago uminom sa baso ng alak.

"Touché," ani Sabrina saka siya ginaya.

"Do you plan on telling me why you need my help o iinom na lang tayo?"

"Connections. Right now, we have no power in the council," paliwanag ni Chloe. "May boses, oo, pero 'di sapat 'yon. Mababalewala ang mga nais namin kung—"

"Wala kayong backer."

"Kuha mo, Red."

Umirap si Margeau sa palayaw. "Tell me, Chloe, why would my royal friends be interested in helping you out? Anong mapapala nila?"

"Of course, they would, bff." Kampante siyang nakangisi sa iritableng si Margeau. "Vouch for me. Sabihin mo na binabayaran ko ang utang ko. I'm an Ashbourne. Magkakandarapa silang magkaroon ng pabor sa 'kin."

"Honestly, I don't like the new you, honey," saad nito sa kaniya. "Masyado kang confident. Ganyan ang mga madalas natatalo sa huli."

Bumukas ang pinto sa silid. Tumigil sa paghinga si Chloe nang makita ang pamilyar na mukha. Dumiretso lamang sina Tristan at Raj na umupo sa tabi ni Gregor.

"Bakit ka nandito?" puna niya kay Tristan.

Nakasimangot itong tumingin sa kaniya. Ngunit ang dating nobyo ni Sabrina ang sumagot. "I contacted them. We're a pack."

Halos maduwal ni Margeau ang iniinom. "That was corny."

"Anyway, ano? Maaasahan ba kita?" Nawala na ang modo ni Chloe para makipagtuksuhan pa kay Margeau.

"Chloe, why are we looking for external affiliations?" sabad ni Sabrina. "Dapat maging matatag muna tayo sa loob." Hindi man niya ipaliwanag, naintindihan ni Chloe ang nais niyang iparating. Si Tristan.

"Hindi ito ang oras."

"Bakit ang seryoso n'yo?" ani Raj. "Nasa bar tayo. We should be having fun. Hindi n'yo ba napapansin, three girls, three boys." Kumindat pa ito sa mga kasama.

"Are you kidding me?" mapanuyang tugon ng royal.

"Bakit hindi?" Tinaas ni Sabrina ang baso senyal ng pagsang-ayon.

"Are we really going to ignore the elephant in the room?" tanong ni Chloe.

"Gusto ko san—" Naputol si Tristan sa sasabihin.

"She's addressing it, bff," sarkastikong sagot ni Margeau.

"Really? Sasali ka sa kanila?"

"Why not? It could be fun. Besides, tama naman 'yang human pet mo. If I'm gonna risk my life, might as well raise my chances of surviving."

Hindi naglaon ay tinuloy na nga nila ang katuwaan. Isa-isa silang tatanungin; truth or dare.

Bad Blood: RenaissanceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon