Hindi niya magagawang abandonahin si Jonathan. Hindi kagaya ng ginawa ni Margeau.
Magkasamang dumating sina Jonathan at Chloe sa mansyon ng mga Vector. Malalim na ang gabi ngunit bukal ang pagkakabukas ng pultahan.
Walang ni isang kaluluwa ang mababatid sa lugar na iyon kaya naman nagpatuloy lamang sila.
Pinangunahan ni Jonathan sa paglalakad si Chloe, saka binuksan ang pinto sa mansyon. Sinundan niya ng tingin ang babaeng bampira sa pagpasok nito, na patuloy lamang sa paggalugad ng tahanan nina Henry.
Kung magpapakatotoo si Chloe sa sarili, hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kaniya ang mga nangyari. Hindi niya masasabing taos puso na niyang napatawad ang asawa.
Ngunit mas hindi niya mapatatawad ang sarili kung hahayaan niyang lubos itong malugmok sa kadiliman, lalo pa't alam niyang may kakayanan siyang baguhin ang kapalaran nito.
Hindi niya matatanggap ang sinabi ni Margeau na wala nang patutunguhan si Jonathan kung hindi ang pagwasak nito sa sarili.
Sa pagbaybay ng salas ay napansin ni Chloe ang larawan na nakapatong sa lamesa. Kinuha niya ito at pinagmasdan.
Malawak ang ngiti roon ng binatang si Jonathan. Nakaakbay ito sa noo'y nobyang si Margeau, na hindi rin maikakaila ang kasiyahan. Sa kabilang gilid ng dalaga ay ang nakatatanda nitong kapatid. Kakikitaan pa rin ito ng kumpwesto at bagama't nakangiti, may misteryong nakakubli rito.
"I used to believe that Margeau was the one," sambit ni Jonathan. Nasa gilid na niya ito.
Ibinaba ni Chloe ang larawan.
"I really thought that what I felt for her was love. It was exciting, it was electrifying." May bahid ng pangungulila sa boses nito, sa nakaraang matagal nang nakalipas.
Ganoon din ang nararamdaman ni Chloe. Naiisip niya kung gaano kasimple ng sitwasyon noon. Noong sinusuyo pa siya ni Jonathan. Nagagawa pa nila parehang tumawa.
"So now, you don't think you truly loved her?" usisa ni Chloe.
"Paano ko masasabing pagmamahal 'yon, kung sa tuwing kasama kita, wala na kong ibang gustong kalugaran pa. It's warm, comfortable. It feels like home." Parang haplos sa pisngi ang kaniyang titig kay Chloe. "And that, for me, is love."
Malungkot na ngiti ang sumilay sa labi ni Chloe. "Akala ko kaya ako nagpakasal sa 'yo para gumanti sa mundong nagtakwil sa 'kin. Ngayon alam ko na. Kaya tayo pinagtadhana ay para iligtas natin ang isa't isa."
Ngumisi si Jonathan. Sa saglit na iyon ay naalala ni Chloe ang nakaraan. Ang hambog ngunit palatawang asawa niya.
"We're meant to be, aren't we Chloe?"
Tumawa si Chloe roon. "Bahala ka nga dyan."
Nagpatuloy sa ikalawang palapag si Chloe.
"I love you, Chloe Ashbourne. My cousin, my wife," muli pang biro ni Jonathan na lalo niyang ikinatawa.
"Incest pala tayo e."
Hinahanap pa rin nila ang tusong kapatid ni Margeau.
Hanggang sa makita nila ang isang pigura.
Huminto sila.
"Ikaw ba ang pumatay kay Bruce?" ani Chloe.
Naabutan nila roon si Henry. Nakaupo ito na animo'y inaabangan ang kanilang pagdating.
Tanging alik-ik ang nagmula sa elder.
"Answer my wife, fool," utos ni Jonathan.
"Your wife? Or your cousin? Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo, kaibigan? She's your own flesh and blood, at gusto mo siyang isiping," panunudyo ni Henry.
Nanuyo ang lalamunan ni Jonathan at hindi na niya mahanap ang boses pa para muling magsalita.
Umabante si Chloe para sa kaniyang depensa. "Tapos na ang laro. Kung sa tingin mo matatakasan mo 'to--"
"You two have the blood of a god in you. Hindi ko mawari kung bakit ang kitid ninyong mag-isip. Ano bang plano n'yo, igugol ang buhay ninyo para isalba ang sangkatauhan? The same race that your ancestors have forsaken."
Tumayo si Henry. Nakabalot ang anino niya sa dalawang bampira. Nakatingin siya pailalim sa mga ito, madilim ang mata at tiim ang mga labi.
"I have a tale for you both. Alam n'yo bang dating imortal ang mga tao? Hanggang sa isang araw, isang hambog na mangingisda ang nagbansag na kaya nitong patayin ang mga Diyos pagkatapos makahuli at makakitil ng isang higanteng pating.
Nagalit si Kaptan, o mas kilala bilang Bathala-ang may kapal sa lahat-at bilang parusa, hinandogan niya ng regalo ang mga tao--ang kakayanang mamatay."
Tahimik ang kapaligiran pagkatapos ng kwento. Pinagmumunihan ng dalawa ang salaysay na narinig.
"Nakakatawa, hindi ba? Nakakatawa kung gaano kaduwag ang mga Diyos?" ani Henry.
"Anong kinalaman nyan dito?" singhal ni Chloe.
Bumuntong hininga ang elder saka humalukipkip.
"Should you really be here, Clarissa? According to my reliable source, your beloved wolf is with Monica right now."
Namintig ang puso ni Chloe sa paalalang iyon. Alam naman niya iyon. Pinipilit lang niyang itulak sa likod ng utak niya dahil may mas mahahalagang bagay siyang dapat ayusin.
Hinawakan ni Jonathan ang nanlalamig niyang kamay. Hindi niya iyon alintana.
Pilyong nakangiti si Henry. "Tristan Helix is defenseless... especially under a gayuma."
Gayuma... Sabi na nga ba niya't may mali sa mga nangyayari. Kahit sa sarili niya ay hindi siya makapaniwalang mahuhulog ang kaibigan sa kagaya ni Monica. Hindi niya ito matanggap.
"Nasa ilalim siya ni Monica," dagdag ni Henry. "And we both know how hungry Monica is... for revenge."
Bumitiw ang babaeng bampira sa kamay ng asawa.
Kailan nga ba ang huling beses na nakita niya ang taong lobo? Humihiling siya na hindi pa huli ang lahat.
Walang tumpik na umalis si Chloe.
Batid ni Jonathan ang pagkabalisa nito, kung gaano kalubha ang pag-aalala nito sa taong lobo.
Hindi niya maiwasang mangimbulo.
"See? Wala kang halaga sa kan'ya. She's too in love with that human to even notice your unrequited feelings," panunuya ni Henry.
"I don't care about that. She's my wife. She has my undying love and support." Bagamat sinambit ni Jonathan iyon, maging siya ay may alinlangan.
Hindi niya alam kung sino ang kinukumbinse niya; si Henry o ang sarili niya.
"Kailan ka ba gigising, Jon? Kahit kailan, hindi ka niya makikita bilang lalaki dahil iisang dugo ang dumadaloy sa inyo."
Mula sa likod ni Henry ay lumabas si Naya. Natatakpan ng anino ang maayos na bahagi ng mukha nito. Nakatitig ang babaeng elder sa mga mata ni Jonathan.
Para naman siyang nababalani rito at hindi makaiwas ng tingin.
Marahang tumawa si Henry. "Naya has a different sort of compulsion, my friend," anito, kahit hindi na siya naririnig ni Jonathan.
Habang nakatingin sa mga mata ng babae, tila minamanipula nito ang laman ng kaniyang isipan.
Iisang imahen lang ang nakikita ni Jonathan. Si Chloe. Ang pagkasuklam nito nang matuklasang pinatay niya si Reina.
Si Chloe. Ang ngiti nito habang kasama si Tristan Helix.
Ang ginawang pagkuha ni Jonathan ng buhay ni Daniella.
Paulit-ulit.
Hanggang sa pumatak ang luha sa asul niyang mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/110104947-288-k432724.jpg)
BINABASA MO ANG
Bad Blood: Renaissance
VampirBook III of Bad Blood series Matapos makuha ang inaasam na kalayaan sa ilalim ng mga vampire elders at ligtas na madala ang mga tao sa lupaing dapat ay kanila, panibagong mga kalaban ang haharapin ni Chloe. Nawala sa kaniya ang ilan sa mahahalagang...