Chapter Ten: Point Of Return

20 10 0
                                    

Chapter Ten: Point Of Return

Baliw.

Baliw yata 'tong lalaking 'to.

'Di pa rin ako makapaniwala na maghihintay siya nang ilang oras para lang makita ako, naghihintay para sa'kin, tangina.

Ang disappointed ng titig ko sa kanya, hindi ko nga rin alam kung bakit ba 'ko disappointed, siguro kasi ang baliw niya para maghintay sa'kin. Kung ako yun wala pa ngang sampung minuto baka balik na 'ko sa opisina ko.

"Ooh, paksiw, adobo at kare-kare~."

"At kanin."

"Mhm, extra kanin~!"

Akala ko sa mamahalin kaming restaurant pupunta o isa sa mga trendy restaurant na pinupuntahan ng mga celebrity, akala ko yun ang tipo niyang restaurant, akala ko yun ang ibig niyang sabihin.

Pero andito kami sa karinderya malapit sa may malaking mall, malapit pa rin sa may cafe niya at building kung saan yung opisina ko.

Hindi naman sa hindi ako kumakain sa karinderya, minsan kasi ang meetingan ng mga investors o pamilya ko ay yung mga restaurant na mamahalin o talagang popular. Lagi kaya ako sa karinderya malapit sa university ko nung nag-aaral pa 'ko.

I really liked the Kare-kare before, ang sarap talaga.

"Karine?"

"Hm..."

Ang bango ng Kare-kare at Paksiw pero bwisit na bwisit pa rin ako kay Zaiden.

"Ano ba? Pinapikilig mo naman ako~." Bigla niyang sabi tsaka napatakip sa bunganga niya.

Gago.

"Baliw." Bulong ko at nilagyanan ang plato ko ng kanin at pati na rin Kare-kare.

Ang dami kong nakain kanina na hindi ako sure kung may espasyo pa ba sa loob ng tiyan ko, I think I have a little bit of space, I guess mabagal akong kakain para 'di halata na konti lang ang kakainin ko.

Pero shet ang bango ni'tong Kare-kare, but sadly I'm only eating a little bit, ipagdadasal ko na sana si Zai ang umubos ng lahat ng pagkain na inorder niya.

"Hindi mo kailangang maghintay, Zai..." simula ko.

I don't want that shit to ever happen again. Tumataas yung dugo ko sa tuwing binabalik balik ko yung itsura niya sa labas nung nalaman ko na hinihintay niya pala ako.

"... don't do that again. Susubukan kong... replayan ka... kahit na nakakainis ka..."

"Talaga ba? Pramis?"

"I'm not like you, okay? I keep my promises. And besides it's just stupid, just don't wait for me."

Hindi rin ako sanay na may lalaking maghihintay sa'kin. The only person who waited for me like this is Cerine's patience, I'm thankful for her, really. Hindi ako mahilig magpahintay ng tao unless they fucking deserve it.

"Good. At least lagi mo na 'kong rereplayan, I'll make you feel guilty if you don't reply to me." Banta niya na may nakakabwisit na ngiti sa labi niya.

Pwede bang inudnod ko 'tong mukha niya sa Paksiw?

Ah, no. 'Di deserve ng Paksiw yun.

"You're crazy."

Shit.

"Crazy in love with you~." Kanta niya bigla.

Worship Me With Your LipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon