Chapter Eight: How Odd

18 10 0
                                    

Chapter Eight: How Odd

"I enjoyed our time together."

Inirapan ko siya, kung ano-ano nanamang lumalabas diyan sa bunganga niya. This man forced me to agree with what he wanted in return from me for our deal, he wants to pursue me and marry me.

Naiinis ako sa kanya, kahit tapos na yung deal at umoo na 'ko puro naman siya tanong nang tanong kung ano yung paborito kong pagkain these days, o kung anong brand ng kape ang binibili ko, basta ang dami.

Sinubukan kong pigilan siya pero wala, nakakasilaw yang ngiti niya kaya ako naman sagot din.

Hoy, he's annoying pero gwapo rin siya at tao lang din ako, sometimes you don't understand the power of someone THAT handsome especially when they use it.

Swerte niya at gwapo siya, tangina.

"Huy, pansinin mo naman ako~." Pabebe niya while driving the car.

I had to text our family driver that my friend will drive me home instead. Yes, friend, alangan naman hayop ang sabihin ko e 'di magulat yung driver at isumbong niya sa mga magulang ko.

"Kanina pa kita pinapansin."

"What? Wala pa 'kong ginagawa, Karine."

"Walang ginagawa? Pinuwersahan mo 'ko na umoo para manligaw ka sa'kin, you are an idiot, you are crazy."

Nakakainis siya talaga. Bakit nga kasi ako? I'm sure na may mga ibang babae dito sa industriya na may mas maraming pera at impluwensiya kaysa sa'kin.

Fuck, I just know my parents are going to be confused with this situation.

"You do know that you will also get what you want, right?" Sabat niya.

"Hindi lang ako, Karine, ikaw din may makukuha sa deal na 'to."

"I don't care, you won't marry me, Zai."

"Hm, let's see about that." He smirked.

Gago, confident na confident ha? Sa palagay mo talaga makukuha mo ang gusto mo? Heck no, hinding hindi kita pakakasalan, Zaiden. I know what you are, I know that this is not what you want kayak ung ano man ang balak mo, hindi mo yun makukuha sa'kin.

If this is some game then I'll play with you because I will get my benefits no matter what.

Tinitigan ko siya nang masama, ano bang balak niya, ha?

Why am I friends with this guy again?

"Ano? Nagagwapuhan ka ba? Gumagana ba? Hm?"

"Shut it, nabibwisit lang ako sa'yo."

"Bwisit? Oh, is this what they call the more you hate the more you love?"

Ah, basta! Hindi ako maniniwala sa mga rason niya kung bakit ako ang napili niya.

"Manahimik ka nga..."

"Manahimik? Ikaw nagsimula, pa'no kasi, nabulag ka kasi ang gwapo ko."

"Ba't ang arogante mo, ha?"

"What? Totoo naman, ang gwapo ko naman talaga. You know I'm right, Karine. And besides, you're pretty, bagay ta'yong dalawa."

Never mind. I focused my attention to the view outside of the window instead, mas maganda pa yung view kaysa sa hayop sa tabi ko.

Worship Me With Your LipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon