Chapter 2

8 0 0
                                    

“Miss Ma’am, deserve mo ‘yan promise!” full of enthusiasm na sabi ni Phia. “Huwag kang ma-bother kay Jinky, tama lang ang choice ni boss.”

I sighed. “It’s still obvious pa rin na our boss root for me, he has his favorites, and even though Sir  Dino doesn’t like me, Jinky will twist it para magka-reason siya to doubt my abilities.”

“Pero hindi rin siya magiging effective manager, I promise, Miss Ma’am,” dugtong pa ni Phia sa huli. “With all due respect, Ma’am Harly, I hope you will accept the position. Favorite senior kita, pero that doesn’t mean iyon lang ang reason ko. Sayang ang opportunity, and hindi dapat tanggihan ‘yan just because of the issues of just one person.” I sighed even more because of how true what Phia said.

I received a letter containing an offer for the managerial position in operations management. I didn’t ask for this pero opportunity ang lumalapit sa akin to let myself grow more and learn.

Nakuwento ko kay Sam ang events in life ko and my worries nang magkita kami after work at nag-dinner. Morning ang duty niya, kaya siya free ngayon, but malapit na ulit maiba ang shift niya.

“Don’t think like that, love. Bakit mo iisipin ang sasabihin ng iba? You won’t grow kapag ganiyan iniisip mo.” I pouted. Sam eye-leveled mine. “Harly, alam mo sa sarili mo kung anong kakayahan mo. You should be proud sa offer sa’yo.”

I immediately nodded. “I am, love.”

“Be proud more, Harly.” He sighed. “Magaling ka, okay? At kahit ako naniniwala akong kaya mong maging effective manager. Grab your chance and don’t wait to lose it, love. Hindi lang ako ang naniniwala sa’yo, I believed that.”

I pouted more, and then, after realizing what he said, nag-nod ako. “Okay, love.” I smiled. “Then, can we call this a celebration?” Napangiti na rin ang seryosong Sam na kasama ko kanina, then he nodded. 

“Pagod na ako.” Walang energy akong naupo sa bench. Pagod na talaga ako, in all aspects of mine. Pero hindi pa ako puwedeng umuwi since may next sub pa ako and I can’t afford to have an absence since I needed this kahit pandagdag sa points ko. Hindi ako madalas matawag sa mga recit kaya sa mga quizzes and activities ako bumabawi pero feeling ko it’s not enough, I want more.

I am doing an advance reading so I can be prepared for later. I am in the middle of discussing the topic on my mind when some people suddenly sit in front of me as if I’m not here and okay lang as long as hindi sila maingay. Nagpatuloy ako sa readings and discussion ko sa sarili ko when their whispers went louder than they are. Napaangat ako ng tingin sa kanila, and they looked at me, while pahina nang pahina ang boses ng nagsasalita.

“Sorry, puwedeng lower your voices? I’m reading here kasi and lumalakas ang voice niyo,” mabait ko pang request sa kanila, Nakita ko pang bumulong ang lalaking huling nagsalita kanina sa kasama niyang nanatili ang tingin sa akin. I smiled at them to show na hindi ako naiinis sa pag-iingay nila at na gusto ko lang talagang hinaan nila ang voices nila.

Nakita ko ring tinulak nung lalaki ang kaibigan niya. “Pagpasensyahan mo na ‘tong taong ‘to, hindi maiwasang lumakas ang boses niyan.”

Agad naman siyang pinalo ng kaibigan niya. “Kaibigan ba talaga kitang hayop ka! Wala kang kuwenta!”

I awkwardly smiled at them. Mukhang sa harap ko pa sila balak mag-away. I’m already planning to retreat, kasi sure akong hindi na ako makakapagbasa pa if pinanood ko pa silang magtalo.

“Tatapalan ko bibig nito kapag nag-ingay pa rin, Miss.”

Napatigil ako at napatingin. I suddenly felt shy, so I shook my head. “Okay lang, mauna lang din ako, so I can’t stop you sa pagkukuwentuhan niyo.”

Chances of TimeWhere stories live. Discover now