Chapter 1

2.1K 12 2
                                    

chapter 1

Ang pangalan ko ay Mnemosyne Hope Quervana. Nakatira lamang ako sa isang simpleng apartment kasama ang aking ina na nag tatrabaho sa laundry shop, umalis kasi kami sa puder ng tita ko na kapatid ng papa ko dahil masyado kaming inaabuso at sinisisi sa pagkamatay ng papa ko. Simula nung nawala si papa ay doon na nag-umpisa madilim naming pamumuhay ng aking ina.

Construction worker lang ang aking ama at nag titinda lang ng kakanin ang aking ina para lang may makain kami. Only child lang ako kaya hindi masyadong nahirapan sina mama at papa sa pagpapa-aral sa akin. Huminto lang ako sa pag-aaral nung iniwan kami ni papa kaya hindi na rin ako kayang pag-aralin ni mama at tinulungan ko nalang din siyang mag trabaho.

Kahit anong raket nalang ang pinapasukan ko para lang magka pera at may pambayad sa apartment na tinutuloyan namin ni mama.

Nasa loob lamang ako ng aking kwarto dahil kakatapos ko lang tulungan si mama mag labandera tutal wala naman akong ginagawa kaya naisipan kong tumulong. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising ako dahil sa ingay ng aking cellphone dahil may tumatawag. Minulat ko ang isa kong mata para makita kung sino ang tumatawag.

si kera. Agad ko namang sinagot at ipinikit ko ulit ang aking mga mata.

"Napatawag ka?" tanong ko. Bahid sa boses ko na kakagising lang.

"Seriously Hope? It's already 7:48 PM na kaya tas ngayon ka lang nagising, ano ba ginawa mo? Apat na araw ka nang di nagpaparamdam sakin ah" ani nito na may pag-aalala sa boses niya. she's kera my bestfriend since we're in high school.

"Sorry, tinutulungan ko kasi si mama na mag labandera malapit na kasi ang due ng apartment eh" sabi ko na sa malumanay na boses.

"Magkano ba ang monthly?" tanong nito.

"Hmm! nasa 15k+ eh kulang pa ipon namin ni mama, marami pa kaming kakailanganing bilhin dito sa loob ng bahay, paubos na rin kasi ang bigas namin kaya kulang pa yung pera." saad ko. hindi ako nahihiyang sabihin iyon kay kera at sanay na akong ganto sa kanya, minsan nag b-baby talk rin ako sa kanya kaya okay lang sa kanya at comfortable naman kami sa isa't-isa.

"How much more is needed?" seryosong tanong nito. Napabuntong hininga nalang ako bago sumagot.

"10k pa hayss" sabi ko sa mahinang boses pero di niya iyon narinig kaya inulit ko.

"Sakto at may kilala si mommy na nangangailangan ng yaya" ani nito at agad naman akong napamulat sa ssinabi niya.

"Yaya? S-sigurado ka ba riyan? Baka bugbog sarado naman ako dyan" kabadong sagot ko dahil naalala ko dating nag babysit si mama tapos hindi maganda ang trato sa kanya ng amo niya.

"Ano ka ba wag kang mag alala kilala namin to tsaka close friend ni mommy, umalis na raw kasi yung dating babysitter nila kasi umuwi ng probensya dahil may sakit raw ang tatay niya kaya kailangan siya dun at hindi na raw babalik." pag papaliwanag niya.

"Ah, ganun ba? sige babalitaan nalang kita, mag papaalam lang ako kay mama kung papayag ba siya o hindi" sagot ko at sumang-ayon naman ito.

"May kaunting pera ako dito baka makatulong, ipabigay ko nalang kay kuya bukas. Hindi ako makakapunta eh may kailangan kaming puntahan si mommy." saad nito.

"Naku ano ka ba? Ayos lang 'no, ako pa! Kayang-kaya yata to hope. Halata yata sa pangalan ehem" biro ko dito.

"Tsk! Ano naman? Basta ipapaabot ko nalang kay kuya bukas, tsaka stop saying na babayaran mo, uunahan na kita di ko rin tatanggapin. Okay?" mag rereklamo na sana ako na kung bakit si kuya fritz pa? Crush ko kasi si kuya fritz dati pa kaya inaasar niya rin ako minsan sa kapatid niya tas ako naman na parang sinilihan yung mukha ko sa sobrang pula.

Yes Daddy [Matured Content R🔞] (On-going)Where stories live. Discover now