Chapter 7

1K 3 0
                                    

chapter 7

Nalungkot ako bigla dahil aalis na kami at ilang months kong hindi makaksama si mama, alam kong mahihirapan ako pero alam ko rin naman na masasanay rin ako at kailangan kong sanayin ang sarili ko, 'yon nga ang sabi ng iba na hindi lahat ng parents ay palaging nasa iyong tabi kailangan din natin humiwalay sa kanila at maghanap ng trabaho para rin sa kanila.

Bakas sa mukha ni mama ang lungkot ng hawak-hawak ko na ang maleta ko pero hindi niya lang maamin o masabi sakin na nalulungkot rin siya dahil alam niyang mahihirapan akong umalis kapag malungkot siya.

Eyes don't lie.

"Ma, alis na po kami at mag iingat ka po rito ha? alagaan mo yung sarili mo mama wala ako rito para ako gagawa niyan. Uuwi po ako kapag may vacant po tsaka hindi ko pa naman po alam kung ano ang magiging schedule ng bakante ko po. Tatawag nalang po ako mama.

"Nag yakapan ka kami at kita ko sa mata ni mama na parang maiiyak na siya, pinipigilan niya lang.

" Mag-iingat ka palagi doon anak tsaka wag kang mag pakapuyat ha? Madadagdagan ang pagka manang mo nyan." Pang-aasar pa ni mama.

" Mama naman aalis na nga lang ako mang-aasar kapa." Niyakap ako ni mama. "Nagbibiro lang eh, maganda ang anak ko sabi rin ng mga kalolo-lolohan ko." Pang-aasar niyang ulit at niyakap ko ito ng mahigpit at hinalikan sa pisnge.

" O'sya't umalis na kayo baka kayo gabihin sa daan." Ani mama. Naghihintay sa akin si Abcde sa sasakyan at panay tingin sa relo nito kaya naisipan ko na baka may lakad ito kaya nag paalam na kami kay mama. Kumakaway ako kay mama habang paalis ang sasakyan namin.

Hindi ako umiimik simula pa kanina nakikita ko rin sa peripheral vision ko na panay tanaw sa akin ni Abcde.

"Are you okay?" Seryosong tanong nito at tango lamang ang tanging sagot ko. Mukhang alam naman na niya ang dahilan kaya kumawala siya ng buntong hininga bago mag salita.

"Halatang hindi ka sanay na malayo sa nanay mo. Sa ngayon ay hindi ka pa sanay, habang tumatagal masasanay ka rin." Ani nito "Ayokong masanay na wala si mama s tabi ko." Biglang sabat ko.

He sighs. 

"Kailangan mong masanay. Hindi sa lahat ng panahon kailangang nasa tabi mo ang mama mo lalo na kapag may trabaho ka, hindi naman siguro pwedeng nakabuntot ka nalang palagi sa nanay mo." He answered. Balak niya yatang mag motivational speaker pero tama naman siya kailangan kong kumayod para maka-angat rin kami sa kahirapan.

Nagising ako sa pag tawag sa akin ni Abcde. Madilim na pala sa labas hindi ko namalayang nakatulog pala ako na kanina lang nag-uusap kami ni Abcde tungkol sa trabaho kong bantayan ang kanyang anak.

"Kumain ka muna." Inabutan niya ako ng pancit palabok, burger at tubig.

"Anong oras na po ba?" Tanong ko habang kinukuskos ko ang aking mga mata. Naalala ko boss ko pala tinanongan ko kaya agad kong kinuha ang cellphone ko. "It's already 6:30." Agad nitong sagot ng bubuksan ko na sana ang cellphone ko.

"Since mag-uumpisa ka naman na aalis ako dahil may aasikasohin at ikaw na ang bahala sa anak ko." Seryosong sabi niya. Mukhang importante nga ang aasikasohin niya kaya hindi na ako nag tanong.

"Darating ang kapatid ko on friday from Russia, he has a strong religious belief at nag pepreaching siya sa russia kasi maraming Filipinos roon." Agad nitong sabi.

"Ah, may pari pala kayong kapatid? Kapag may ikakasal sa pamilya niyo edi siya ang magkakasal?" Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Totoo naman eh bakit pa sila mag hahanap ng ibang pari kung may kapatid naman silang pari rin. 

"May nakakatawa ba do'n sa tanong ko?" Tanong ko rito habang pinipigilan niyang matawa. 

"Sige na itawa mo lang yan nahiya ka pa, nagtatanong lang eh." Ang hirap naman mag seryoso sa lalaking 'to, ginagawang jokes yung seryoso.

Yes Daddy [Matured Content R🔞] (On-going)Where stories live. Discover now