chapter 6
We arrived home at almost 6:00 PM, and I immediately got out of the car and called for mom from outside. She promptly came out upon hearing my voice.
"Mama!" Agad kong takbo para yakapin siya. I miss my mama agad. We hugged each other, hinahalik-halikan ko ang buong mukha at panay naman tulak ng mukha ko.
"Oh, tama na baka maubos na itong mukha ko sakaka-halik mo at baka lilipat yang kapangetan mo sa akin." Sumimangot ako sa pang-aasar ni mama.
"Mama!" Nagdabog ako sa harap niya. "Para namang hindi niyo ako anak." Dagdag ko pa kaya napatawa nalang siya.
Her smile disappeared upon seeing the man leaning on the car while watching us. "May kasama ka pala, anak. Ipakilala mo naman siya sa akin." Ani mama ng makita niya ang lalaki na kasama ko.
Lumapit ito sa amin saka nagmano ito kay mama "I'm Abcde po, ako po yung magiging amo ni Hope at ang anak ko po ang i-babysit niya." Pagpapakilala nito sa sarili.
Aba marunong naman palang gumalang, akala ko kasi walang manners eh. "Ah ganun ba sir? Ahm, hali kayo rito't pumasok na muna para makapag hapunan." Pag-aaya ni mama kaya pumasok na kami ng bahay.
"Sakto ang dating niyo't nakapagluto na ako." Dagdag pa nito habang tinitimplahan niya ng kape si Abcde.
"Sakto rin ma, nag drive thru po kami kanina at marami pang fried chicken at may burger pa po hindi ko kinain kanina kasi busog na po ako." Kinuha ko ang mga naiwang pagkain habang naunang pumasok sina mama at Abcde at sumunod na rin ako.
Pagkarating ko sa loob ay naabotan kong nag-uusap sila ni mama. Nasa kusina sila nina mama, hindi naman masyadong malaki ang tinitirhan namin kaya pagkapasok mo palang makikita mo na agad ang kusina.
"Uhm, kayo lang po ba mag-isa rito kapag wala si hope?" Pagtatanong niya kay mama. "Oo hijo, dadalawa nalang kaming nagtutulungan. Ang hirap ng buhay dito sa probinsya, makakahanap ka ng trabaho rito sakto lang pambili ng bigas at ulam." Sabi ni mama habang pinagsabay niyang ilatag ang hapunan sa lamesa.
Inilapag ko ang mga pagkain sa hapag-kainan at tinulungan ko si mama maglagay ng pagkain sa lamesa.
"Kumakain kaba nito?" Tinuro ko yung ulam na niluto ni mama. Rich kid pa naman 'to baka sensitive ang tiyan at sumakit. "Ano ba yan?" Inosenteng tanong nito. Halatang walang alam sa gulay.
"Ha? Hindi kapa kumakain niyan?" Tanong ko rito. Sabagay, yayamanin pala ang ulam nito sa kanila at baka hindi kumakain ng ganitong ulam.
"Is that malunggay?" Tumawa ako ng malakas saka binatukan naman ako ni mama. "Bakit mo naman tatawanan kung hindi alam? Ikaw talaga hopya kahit kailan talaga eh." Sumasakit nalang ang tiyan ko kakatawa, kahit hindi naman dapat tawanan pero kasi talagang nakakatawa.
"You laugh at me just because I don't know anything about vegetables?" Tumigil ako sa kakatawa at hinarap siya, bungad sa akin an inosente niyang mukha na halatang walang alam sa madahong gulay.
"Ito ay tinatawag na kangkong, masarap po ito sir. Paborito ito ni hopya kaya nilutuan ko narin siya." Si mama nalang ang sumagot ng mapansin niyang akma akong tatawa ulit.
"Masustansya ito sir, nakakatulong po ito sa pagpapatibay ng mga buto ay ngipin, may Vitamin A and C rin po ito sir, Iron tsaka folate na kung saan isang uri ng Vitamin B na nakakatulong sa pagbuo ng bagong cells at nakakatulong rin ito sa pagpapanatili ng kalusugan ng puso." Paliwanag ni mama na parang nag cocommercial lang ng kangkong.
"Siguro kung papakainin ka ng marijuana kasi dahon yun tapos sasabihin lang sayo na gulay yun, kakainin mo rin." Pang-aasar ko rito.
"I know that. Baka gusto mong ipaliwanag ko pa sayo eh." Sagot nito na parang nagmamayabang pero si hopya hindi magpapatalo.
"No need. Kahit explain ko pa sayo ang similarities and differences ng marijuana eh." Kahit hindi ko naman talaga alam basta may mai-rebut lang.
Tumawa si mama sa alitan naming dalawa ni Abcde "Tama na yan at kumain nalang tayo." Saad ni mama na kanina pa pala nakikinig sa asaran naming dalawa.
"Mabuti naman sir at natiis mo po itong anak ko, habaan niyo lang po ang pasensya ninyo dahil ganyan talaga iyan." Aba si mama minamaliit yata ako.
"Wala pong problema ma'am, medyo may pagka pagong nga lang gumalaw ano?" Patawa niyang sabi. Nagpipigil lang ako rito.
"Naku, ganyan talaga yan pero sana habaan niyo pa po talaga ang pasensya niyo." Hindi nalang ako sumagot kasi baka kami pa ni mama mag argue mamaya.
"Tsaka Aling Osing nalang ang itawag mo sa akin." Dagdag pa ni mama at tumango naman si Abcde.
Unang tikim niya ng gulay akala ko hindi niya magugustohan, parang mas marami yata siyang kinain na gulay kaysa sa akin ni hindi niya ginalaw ang mga order namin kanina dahil gulay ang kinakain niya. Kaya kami nalang ni mama ang kumain ng order namin.
Pagkatapos ng hapunan tinulungan ko na si mama sa pagliligpit ng pinagkainan at naghugas na rin ako ng plato.
"Bukas nalang kayo umalis para makapag prepare rin itong si hopya ng mga gamit niya. May isang kwarto kaming hindi nagagamit aayosin ko nalang iyon para makapag-pahinga kana po sir." Ani mama at sumang-ayon naman ito.
Tinulungan ko na si mama sa paglinis ng kwarto. Hindi naman masyadong marumi dahil kahit walang natutulog doon ay palagi naman nililinisan ni mama.
"Ma, pwede ba ako doon matulog sa kwarto mo?" Gusto ko lang makatabi si mama since aalis naman na kami bukas gusto ko nang sulitin ito na makasama si mama dahil alam kong matagal-tagalan akong makauwi.
"Oo naman anak kung iyan ang gusto mo eh wala namang problema riyan." Sang-ayon ni mama kaya masaya akong niyakap siya.
Pumunta na ako sa kwarto ko para mag impake ng mga gamit ko si Abcde naman ay punasok na ng kabilang kwarto para makakapag pahinga na rin siya dahil mahaba-haba ang byahe namin kanina at alam kong pagod siya sa pag mamaneho.
"Good night, Mr. Abcde." Bati ko rito na parang may pananakot sa boses. Pero syempre walang epek at inirapan lang ako ng gago.
Feeling close kasi ako
Pagkatapos kong mag impake ay pumasok na ako sa kwarto ni mama at naabotan ko siyang galing sa CR.
"Oh tapos kana ba? Wala ka nang nakalimutang importanteng gamit mo?" Paninigurado ni mama dahil alam niyang makakalimutin talaga ako.
"Yes, madam." Ani ko habang nakayakap sa kanya. "Mami-miss kita mama." Agad kong sabi.
Humarap si mama sa akin "Uuwi ka naman kapag may vacant ka eh, ano kaba." Hinahaplos nito ang pisngi ko at hinalikan sa noo.
"Mag-iingat ka roon anak, kumain ka sa tamang oras. Alam kong mahirap ang trabaho mo kahit taga bantay lang ng bata pero hindi basta-bastang mag-alaga ng bata." Paalala ni mama sa akin na noon pa niya sinasabi sa akin. Tumango ako sa mga sinasabi niya.
Pagkatapos ay magkatabing natulog ni mama at yakap-yakap ko siya mula sa likod dahil naka talikod siya sa akin habang hawak ang kamay niya.
Pangako ko kay mama na magpapadala ako buwan-buwan para may pang gastos siya rito at bibisitahin ko rin siya kapag may vacant ako. Hindi maging madali ito para aming dalawa ni mama kaya sisipagan ko para tanggap nalang ng tanggap si mama ng pera mula sa akin para hindi na siya maglalaba sa ibang bahay.
Ako na ang magsisilbi kay mama dahil may katandaan narin naman siya at para tumigil na siya sa paglalaba at makapag-pahinga na dahil nagkanda sugat-sugat ang kanyang kamay kakalaba ng labahin ng iba at para makakabili rin siya ng mauulam niya at hindi puro kangkong, gusto ko naman patikimin ng masasarap na pagkain si mama in God's will.
_LASOUFFRANCE
YOU ARE READING
Yes Daddy [Matured Content R🔞] (On-going)
RomanceLucas David Avillar he was called by the name Luke is one of the sons of the CEO of the Avillar's Company who was also a president of their company. He was chosen as the heir to their company because his three siblings already have their own respect...