chapter 9
Mag-iisang buwan na rin si sir Lucas rito pero ewan ko kung bakit bihira lang siya lumalabas ng kanyang kwarto, lumalabas lang siya kapag may kailangan ito sa labas o kaya naman binibisita siya ng kanyang mga kaibigan mula pa sa ibang bansa para makipag kwentuhan lang sa kanya.
Ang yaman naman nila kung pumupunta lang sila rito para makikipag kwentuhan lang kay sir Lucas.
Ang dinig ko sa pag-uusap ng mommy niya at ni sir Abcde ay pupunta raw siya ng states eh isang linggo nang nakalipas simula nung narinig ko iyon, nandito parin siya.
Hindi naman sa pinapaalis ko siya o ayaw ko siyang nandito, sino ba ako? Bahay ko ba 'to? Babysitter lang naman ako rito.
Tila kinakausap ng utak ko ang sarili nito.
Napapansin ko rin na kapag hinahatid ni nanay heda ang dinner niya sa silid niya aksidente lang naman na na-sulyapan ko ang kanyang silid at wala man lang ilaw tanging brightness lang ng kanyang laptop ang nag silbing ilaw niya.
Nag titipid ba siya ng kuryente? Ang yaman-yaman na nga niya.
Grabe nga yun.
"Baka naman kasi gusto niya lang sa madilim, kasi ako nga minsan gusto ko rin naman ng madilim eh." Sabi ko sa aking sarili habang nakaharap sa pinakukuluan kong tubig.
"Oh my gosh!" Sabay takip ko ng aking bibig ng may naisip akong kakaiba at hindi maganda.
"Baka naman kasi kaya gusto niya sa madilim at hindi lumalabas dahil..." Napatakip akong muli dahil sa naiisip ko.
"Arghhh! Ano ba itong iniisip ko." I sighed heavily habang tinatampal ko ang aking ulo dahil sa karumihan na naiisip ko.
"Ano nga ba ang naiisip mo?" Ani ng nagmamay-ari ng baritonong boses.
"O to the M to the G." Gulat ko.
"Sana guni-guni ko lang yun." Ani ko habang tinatakpan ko ang aking tainga.
"Ano nga ang iniisip mo?" Ulit nito na mas malapit na ang boses nito sa aking tainga.
Agad akong napalingon at alamin kung sino ang lalaking iyon.
I suddenly stunned when our face was very close at kaunti nalang magka banggaan na ang aming ilong.
He smirks before he turns his face away from me.
Napatitig ako sa kanyang napaka-gwapong pagmumukha. Ang shape ng kanyang mukha, ang tangos ng kanyang ilong, ang ganda ng kanyang mga mata, ang kinis ng kanyang mukha parang never nagkaroon ng wrinkles, ang kanyang buhok kahit buhaghag ito at halatang bagong gising gwapo parin, at ang kanyang leeg at adams apple na kay sarap hawakan. PERFECT!
"Did you enjoy complimenting my face?" Agad nitong sabi ng nagpapabalik sa akin sa tamang huwesto.
"H-ha?" Lutang na sagot ko na tila di narinig ang sinabi ng binata.
"Alam kong gwapo ako but stop staring at me. Baka magulat ka nalang na unti-unti akong natutunaw." Pagmamayabang na sabi nito.
I rolled my eyes "Ikaw? Gwapo?" Tumawa ako ng malakas at huminto rin ako at agad sumeryoso and face him confidently.
"Tsk, assuming." At agad rin naman akong tumalikod.
"Assuming din pala ang lalaking 'to." Sabi ko ng mahina sa aking sarili.
"I'm just telling the truth, kaya nga maraming nabibighani sa kagwapohan ko." Napadilat ako habang nililipat ko ang mainit na tubig sa thermos.
Grabe talaga ang pandinig ng lalaking 'to.
YOU ARE READING
Yes Daddy [Matured Content R🔞] (On-going)
RomanceLucas David Avillar he was called by the name Luke is one of the sons of the CEO of the Avillar's Company who was also a president of their company. He was chosen as the heir to their company because his three siblings already have their own respect...