chapter 11
Kinakabahan ako ng makarating kami sa isang inggranteng celebration. I have never attended grand events like this, apart from the constant work I do, I also don't like these kinds of events dahil wala naman akong mapapala kahit na ini-invite ako ng mga friends ko noon ay tumatango lang ako pero hindi rin naman ako uma-attend.
"Are you alright?" Seryosong tanong nito at tango lamang ang naging sagot ko.
"Does it make you nervous?" Tanong ulit nito sabay punas ng pawis ko sa na tumulo sa pisngi ko. Hindi ko namalayang pinag-papawisan na pala ako, hindi ko nga alam kung bakit ako kinakabahan eh pare-pareho lang naman kaming tao dito lahat.
He held my hand tightly to ease my nervousness "I'm okay, don't worry" mahina kong sabi.
"Mukha nga" Pabiro nitong sabi. "Don't tell me, first time mo?"
"Yeah." Tipid kong sagot.
"Huwag kang kabahan, masaya ang event na'to at napaka special rin sa akin ito." Gumuhit ang masayang ngiti mula sa kanya.
"Mas lalo kang pumogi kapag naka-ngiti ka." Pasimple kong sabi at kita kong mas lumapad ang ngiti nito.
"Tama na kaka-ngiti sir, baka bigla ka nalang sumaya sakin." Pabiro kong sabi.
Natulala ito sa sinabi ko at ako naman ay pinipigilan ko rin ang matawa. Akalain mo yun? Napangiti ko ang isang Lucas David Avillar na parang kailan lang hindi uso sa kanya ang ngumiti pero ngayon napapangiti ko na siya sa mga corny ko na mga banat.
"Kapag ako tuluyang sumaya sayo, panindigan mo ako." Bawi nito at napatawa nalang ako sa sinabi niya.
"You feel better now?" Hindi parin maalis sa mga labi ko ang ngiti.
Tumango lamang ako habang naka-ngiti parin sa kanya.
"You look pretty when you smile." Saad nito. Hindi ko alam kung sadya niya ba yan para mas kikiligin ako o talagang assuming lang talaga ako.
"Tama kana Lucas, sumusobra kana." Natatawa kong sabi dito habang tinatampal ko ang balikad niya.
Pumasok na kami sa loob habang hawak niya ang kamay ko. Maraming naka-tingin sa amin at naka-ngiti sa kanya, i wonder kung kilala ba siya ng mga ito pero isinawalang bahala ko nalang iyon at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa upuan kung saan naka reserved sa amin.
"Gaano ka special ang celebration na ito sayo?" Tanong ko habang inilibot ang tingin ko.
"Malalaman mo mamaya." Aniya. Tumango nalang ako pero hindi ako mapakali dahil na cu-curious talaga ako, bakit hindi niya nalang sabihin sakin ngayon since malalaman ko naman mamaya.
Lumipas ang ilang minuto may biglang lumapit sa aming babae at lalaki.
"Hey, how are you bro? It's been a while since we met." Pakikipag-kamay ng lalaki kay Lucas.
"I'm good now, salamat at pumunta kayo." Saad nito.
"Of course, Lucas!" Sagot naman ng babae "Oh, siya ba yung babaeng tinutukoy mo sa amin?" Tanong ng babae habang nakatingin sakin at nginitian ko naman ito.
Tinutukoy? Ano kaya ang nabanggit ni Lucas sa kanila tungkol sa akin?
"Ah, oo siya nga." Bumaling ang tingin nito sa akin.
"Kaya naman pala nag-effort eh ang ganda naman pala." Tumawa ng bahagya ang lalaki.
"Hi, I'm..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng kunin mismo ng babae ang kamay ko para makipag kamay sa kanya.
"Hope? Ahh, I already knew you." Nginitian ako nito at ngumiti nalang din ako dito na may halong pagtataka.
"I'm Andrea and he's my boyfriend Lurusus." Nakipag kamay na rin ako dito sa kanyang boyfriend.
YOU ARE READING
Yes Daddy [Matured Content R🔞] (On-going)
Storie d'amoreLucas David Avillar he was called by the name Luke is one of the sons of the CEO of the Avillar's Company who was also a president of their company. He was chosen as the heir to their company because his three siblings already have their own respect...