Chapter 2

1.5K 9 0
                                    

chapter 2

Nagising ako sa lakas ng cellphone ko. Nakatulog pala ako sa gitna ng kung anong iniisip ko kagabi.

"Hello? Ang aga mo namang tumawag bes, anong oras palang oh. Inaantok pa ako eh" Sinagot ko nalang agad ang tawag ng di tinitingnan kung sino dahil alam ko namang si kera 'yon eh. Nag reklamo pa ako, ang aga ba naman tumawag.

"Wake up 'lil sister. It's me, Fritz." Agad kong naimulat ang mga mata ko at biglang nawala ang antok ko sa gulat.

"It's already 8:30 AM na miss, hope." Dagdag pa nito. Na alimpungatan ako at di nakapag sagot at narinig ko nalang sa kabilang linya na bahagya siyang natawa.

"You should come down here, may pinapaabot si kera sayo." Saad ulit nito at wala parin akong naisagot at bigla nalang akong lumapit sa may bintana ng kwarto ko para tignan kungnsi kuya fritz nga ba talaga.

At totoo nga, nandito si kuya fritz naka sandal sa sports car niya mukhang may race na naman sila at nang makita niya akong nakasilip sa bintana ay kinawayan niya ako't nginitian.

"Shit! Ano ba yan, tinotoo pala talaga ni kera tas si kuya fritz pa talaga ang inutusan. Shit ka kera humanda ka sakin." Pag rereklamo ko habang sinusuklay ko ang buhok ko at inayos ang hitsura ko dahil may mga muta pa sa mata ko saka dali-daling bumaba.

"Oh anak nandyan si..." I cut her words habang pababa ako ng hagdan.

"Opo ma alam ko kaya nga po nagmamadali ako." Sabi ko at agad tumakbo sa labas.

Umayos ako ng tayo ng nasa harapan ko na siya habang nakangiti sakin.

"Hindi naman halatang sabog ka." He slightly smiled and his smile suddenly fade.

Bumaba ang tingin niya pababa sa dibdib ko at agad siyang umiwas ng tingin at tinignan ko naman.

"The heck!" mahina ako napamura dahil nakalimutan kong naka sando lang pala ako ng manipis at naka bakat ang nipples ko dahil tinatanggap ko pala lagi ang bra ko bago matulog, hindi ko man lang naalala kanina kaya nakatagilid ako para hindi niya ulit makita.

"H-here." Bulol niyang sabi at inabot niya sa akin ang sobre na alam kong pera ang laman nun na hindi nakatingin sakin.

"H-hindi ko matatanggap 'yan." Sagot ko sa mahinang boses dahil nahihiya talaga ako.

"Sige na, tanggapin mo na." Sabi nito at nasa malayo parin ang tingin.

"Hindi talaga kuya, hindi naman po ako nanghiram po eh." pag tatanggi ko parin. Biglang pinaharap niya ako sa kanya at kinuha ang kaliwa kong kamay at ipinatong ang sobre saka pumasok ng sasakyan at hindi ako nakapag salita ulit. Shutang bibig 'to parang may scatch tape.

"Sa susunod wag kang mag mamadali at mag bra ka na rin." Napangiti itong humarap sakin at ramdam ko ang pamumula sa pisnge ko.

"Baka..." Ibinaba niya ulit ang tingin niya sa dibdib ko at bahagyang ngumiti.

"Ikaw.." Sabi ko habang tinuturo siya pero hindi niya na ako pinatapos sa sasabihin ko at agad niyang pinaharurot ang sasakyan niya.

"Potangina naman oh!"Padabog kong sabi habang ginugulo ko ang aking buhok dahil sa katangahan ko. Pumasok na ako ng bahay at nakasalubong ko si mama galing sa banyo, kakatapos lang niyang maligo.

"Nyare sayo, hopya?" Nagtatakang tanong ni mama, pero nilagpasan ko lang siya.

Pagkapasok ko nang kwarto agad kong isinalpak ang aking katawan sa kama at tinakpan ko ng unan ang aking mukha at sumigaw ng malakas dahil sa inis.

"Ang tanga-tanga mo talaga hopya kahit kailan." Inis kong sabi sa sarili ko. Paniguradong hindi ako makaka move-on agad nito. Bwesit!

Biglang tumunog ang cellphone ko at iyon ay si kera nga ang tumatawag.

Yes Daddy [Matured Content R🔞] (On-going)Where stories live. Discover now