chapter 8
"Good morning. Ms. Hope" Bati sa akin ng kusinera na medyo bata pa ito at matangkad na babae mga nasa 5'5 ang taas nito.
"Magandang umaga po." Bati ko rin pabalik. Mahinhin ang boses nito kaya mukhang mabait naman.
"Ako nga pala si Celia." Nikapag-kamay ito sa akin at tinanggap ko naman.
"Nice to meet you po, Aling Celia."
"Kamusta naman kayo ni baby hades?" She asked.
"Nakatulog naman po siya ng mahimbing, siguro na-miss niya lang ang mommy niya." Ani ko dito. "Bale, para naman kay baby hades yung pag sisikap ng nanay niya eh. Balang araw kapag malaki na siya maiintindihan niya rin." Dagdag ko.
Bigla siyang natahimik sa sinabi ko. May nasabi ba akong mali? Tama naman sinasabi ko ah, kahit baby pa si hades alam niya kung sino ang magulang niya, hindi naman ako sigurado kung daddy's boy si hades kasi mas lalo lang naman siya umiyak nung bubuhatin sana siya ng daddy niya.
"Ito nga pala ang gatas ni baby hades tsaka thermos, kompleto na ang gamit niya at kapag may kailangan ka lumapit ka nalang samin." Sabi ni Aling Celia.
"Salamat po."
"Ihahatid ko nalang ito mamaya sa loob ng kwarto ninyo ni hades." Ani nito.
"Ako nalang po Aling Celia alam kong may ginagawa ka pa po kaya ako nalang po maghahatid doon at titimplahan ko ng gatas si Baby Hades." Pag pe-presentar ko rito kaya pumayag naman siya.
"Make sure na kapag mag timpla ka ng gatas niya ay tatlong scope ng gatas at 'wag mo nang lagyan ng asukal, ayaw kasi palagyan ni sir Abcde.
Tumango ako bilang pag sang-ayon sa sinabi nito.
"Saan nga pala sina sir Abcde at Mrs. Avilla?" Nagtatakang tanong ko.
"Maaga silang umalis may kailangan daw silang puntahan hindi naman sinabi kong ano." Biglang sabat ng isang ginang na kakapasok lang ng kusina.
"Pag nagising si hades paliguan mo muna siya at paarawan doon kayo sa garden para makakuha ng Vitamin D." Inilagay nito sa lamesa ang dalang gulay na nasa basket.
"Magandang Umaga sayo hope, I'm Heda." Ani nito, may katandaan na rin siya mga nasa 60's na.
"Hello po magandang umaga." Nag mano ako rito at tumungo na ito sa lababo para hugasan yung iba pang gulay na dala niya. Mukhang strikta kaya kinakabahan rin ako baka kaunting mali ko lang rito ay papagalitan niya ako.
Sana naman hindi.
"Wag kang mahiya hope, ganyan lang talaga si nanay Heda pero mabait yan tsaka mapagbiro kahit corny minsan yung mga biro niya." Bulong sa akin ni Aling Celia kaya bahagya akong napatawa at natawa rin ito.
"Matagal na po ba kayo rito Aling Celia?" Pag-iiba ko ng topic.
"27 years old ako ng pumasok bilang kasambahay at noong pumasok ako nakilala ko sa nanay heda, mga nasa 30s pa si nanay noon kaya ngayon ay mayordoma na siya... siya ang pinagkakatiwalaan ni Madam Ruth at ng mga anak nito." Pag kukwento neto.
Matapos ng kwentohan namin ni Aling Celia habang nakikinig naman si nanay heda habang nag luluto pero sumasabat din naman ito pa minsan-minsan kaya napag-isipan ko tuloy siya na bossy, masungit at kung anu-ano pa pero ayon naman kay Aling Celia ay hindi naman daw ganyan naman daw talaga si nanay heda, sa una lang siya ganyan dahil hindi pa kami masyadong close dahil nga kakapasok ko palang dito pero sa totoo mabait naman daw talaga si nanay heda.
'yan ang sabi ni Aling Celia sa akin.
Kinuha ko na ang mga gamit ni Hades at pumasok na sa kwarto para makakapag ayos na rin ako ng mga gamit ko, hindi ko kasi naayos kagabi dahil bigla akong nakatulog para kapag nagising na si hades ay mapaliguan ko na ito at mapa-inom ng gatas niya.
YOU ARE READING
Yes Daddy [Matured Content R🔞] (On-going)
RomanceLucas David Avillar he was called by the name Luke is one of the sons of the CEO of the Avillar's Company who was also a president of their company. He was chosen as the heir to their company because his three siblings already have their own respect...