Another UPDATE :)
Enjoy!
____________________
Chapter 13:
LEXY'S POV
Nandito kami ngayon sa living room nila Tristan, Bessy at Xanth. Sila Ate Gayle naman at Kyle nasa kitchen naghahanda ng meryenda.
Grabi ang awkward ng feeling... Dalawa kasi yung sofa dito sa living room. Sa isang sofa yung lovebirds. Tapos sa isa naman dun kami nakaupo nitong si Xanth. Ayoko naman doon umupo sa tabi nila bessy kasi baka magiging isa akong malaking SAGABAL :D tapos ito namang katabi ko sobrang busy sa paglalaro ng games sa cellphone nya. Di nga ako pinapansin simula kahapon.
Sasabihing gusto ako tapos di naman ako papansinin. Ano bang nagawa ko???
"Ano yang nilalaro mo?" tinanong ko na nga lang. Ako na gumawa ng first move ahh
"CoC" sagot nya naman na di man lang tumingin sa akin.
"Madali lang ba laruin yan?" tanong ko ulit. Nag nod lang siya ng hindi pa rin ako tinitignan.
Ano ba talaga problema nito. Ako na nga yung nagsisimula ng usapan ei. Tapos parang walang gana pa yung pagsagot nya.
"Guys labas muna ako ahh." paalam ko sa kanila. Baka di ko na mapigilan yung pagkainis ko at masipa ko yung isa dito.
T_T"San ka naman pupunta Bessy?" tanong ni Bessy
"Sa RestHouse lang nila Zayn" di ko nga alam kung nandun sila.
Wala lang akong maisip na sasabihin kung saan ako pupunta. Atsaka baka nandun na rin si Andrea, kasi diba sabi ni Zayn ipapakilala nya sya sa akin. Excited na rin akong makilala sya at magkaroon ng bagong friend. ^_^
"Ganun ba? Sige Bessy pasama ka na lang kay Xanth" -Sheena
"Pre samahan mo si Lexy" sabi naman ni Tristan
"Ayy WAG NA! BAKA MAKA-ABALA PA AKO SA KANYA. Tsaka busy syang naglalaro ng CoC." pasarcastic ko sabi
"Pero Bessy--" -Sheena
"Its Ok Bessy. I can manage." sabi ko. Tatayo na sana ako nang biglang may humawak sa kamay ko..
"Sige Sheena at Tristan ako na bahala dito sa isang toh!" -Xanth
"Pero teka---" aangal pa sana ako pero hinila nya na ako papalabas.
"XANTH! ANO BA, BITIWAN MO NGA AKO!" sabi ko sa kanya habang pinipilit kong matanggal yung pagkahawak nya sa kamay ko pero di ko tlaga matanggal ei...
"Tumahimik ka na nga lang dyan!" patuloy pa rin sya sa paghila sa akin.
"SABI NANG DI MO NA KAILANGAN SAMAHAN AKO EI. BUMALIK KA NA LANG DUN AT MAGLARO..... TSAKA DI DYAN BAHAY NILA ZAYN DOON OH!" napansin ko kasi na sa ibang way kami papunta.
"UI XANTH! SAN MO AKO DADALHIN? SABI DI DYAN YUNG BAHAY NILA ZAYN..." sinisigawan ko na nga sya pero parang wala pa rin syang naririnig
"HELP! SOMEBODY PLEASE HELP ME!" patuloy pa rin ako sa pagsigaw
"PWEDE BA TUMIGIL KA NA SA KAKASIGAW!" tumigil na sya sa kakalakad pero hawak nya pa rin yung kamay ko.
"SAN MO KASI AKO DADALHIN!?" tanong ko sa kanya
BINABASA MO ANG
First Will be The Last?
Teen FictionDahil sa isa hindi pagkakaintindihan, Nawasak ang isang RELASYON.... Many years have passed...... Sila pa rin kaya ang magkakatuluyan sa huli.?