Chapter 12:
Enjoy!
---------------------
XANDER'S POV
Bat ba ang Manhid nya!
Nakakainis na Talaga!!!Di ba kapanipaniwala yung sinabi ko? Seryoso kaya yun. Nakakainis naman oh... Hindi naman porket lagi akong nagbibiro ei lahat ng sinasabi ko di totoo. Pucha! Seryoso na ako this time, mahirap ba intindihin yun...
"Ui Xanth! Whats wrong?" si Kyle yan. Di nila alam yung nangyari kanina kasi dumiretso sila ni Gayle sa loob ng rest house.
"What's wrong??? Kung ikaw kaya ang nagtapat ng nararamdaman mo tapos hindi naniniwala yung girl kasi akala nya nagbibiro ka. Tsaka mo tanungin kung Whats wrong!" Badtrip lang kasi ei.
"Baka naman kasi hindi naman kapanipaniwala o di sincere pagkakasabi mo?" sabi ni Gayle na nandito na rin pala
"Di Sincere!!? PUCHA LANG! KULANG NA NGA LANG IPAGSIGAWAN KO KANINA EI! TAPOS DI PA SINCERE YUN!!??" hirap talaga intindihin ng mga babae
"Relax lang pre! Masyado kang Hot.!" sabi ni Kyle habang tinatapik ako sa balikat
"Nakakainis lang kasi ei. Masyadong Manhid, Slow ng Babaeng yun! Di ko na alam gagawin sa kanya."
"Sino ba kasi yang tinutukoy mo??" tanong ni Gayle. Akala mo naman wala syang alam
"Sino pa ba ei di si Bessy!" sagot ni Sheena na kakapasok lang sa rest house kasama si Tristan.
"Si Lexy?" tanong ni Gayle. Tinatanong nya pa ei alam ko naman alam nya na may gusto ako dun sa babaeng yun. Nakangiti pa na akala mo may nalamang sikreto. Psss
"Wow pre! Sa wakas na di ka na naTORPE this time!" sige Kyle mang-asar ka pa.
"Pss.. Di nga naniwala sa sinabi ko ei."
"Kasi naman Xanth, naShock lang siguro si Lexy. Ikaw ba naman sabihan na gusto ka nung lalaking walang ginawa kundi asarin at buwisitin ka diba.." siguro nga tama si Gayle baka na shock lang sya.
"What should I do?" tanong ko sa kanila
" Prove to her that you really like him." Sabi ni Tristan habang hawak ang kamay ni Sheena. Nangiinggit pa sa kasweetan ei.
"You mean I should Court her?" liligawan ko sya para mapatunayan na seryoso ako. Na gusto ko talaga sya.
"Sort of. Pwede din naman na baguhin mo na ang pagTrato sa kanya, wag mo na syang asarin." Sabi ni Sheena
"Kaya nga Tol! Di na uso yung Dinadaan sa pang-aasar para lang mapansin ka nya. Bulok na ang style mo bro!" sabi ni kyle
"Gago! Anong style style ang sinasabi mo dyan." pero totoo naman kasi, lagi ko sya inaasar para mapansin nya ako. Its sounds so gay but it is the only thing I knew that will make her notice me.
"Totoo naman kasi. Halata na namin lahat yang mga Damoves mong Palpak!" isa pa tong si Tristan ei.
"Oo na nga lang... Ei asan ba siya? Bat di nyo kasama?" tanong ko sila Tristan at sheena, kasi diba sila yung naiwan kanina nung pumasok ako ng resthouse
"Ayun pumunta sa tabi-tabi!" natatawang sabi ni Sheena
"Grabe Sheena, seryoso ako." seryoso kaya yung tanong ko
"Ei sa totoo naman ahh... Yun ang sinabi nya nung tinanong ko sa kanya kung saan sya pupunta. Sabi nya "Dyan Lang sa tabi-tabi!" pilosopo pa ei
"Bat hindi nyo sinundan? Mamaya kung anong mangyari dun!" tatanga tanga pa naman yun
"Pare she needs to be alone." sabi naman ni Tristan
Hinayaan ko na nga lang. Baka nga kailangan nya munang mapag-isa para makapagisip-isip.
*After 1 hour
Isang oras nang nakakalipas wala pa rin sya. Baka kung ano nang nangyari dun.... Hanapin ko na nga lang.
"Oh pre, saan ka pupunta?" tanong ni Kyle. Nasa sala kasi kaming lahat nanonood ng T.V
"Hahanapin ko si Lexy, Isang oras na di pa rin sya bumabalik baka ano nang nangyari dun." sabi ko tapos lumabas na ako .
Nasa labas na ako nang sumigaw si Sheena.
"BESSY!" sabay takbo ni Sheena papunta kay Lexy na may kasamang lalaki.
Nanadya ba tong babaeng toh. Kanina lang nung sinabi kong gusto ko sya tapos bigla na lang may kasamang iba...
"Bessy san ka galing?" tanong ni Sheena
"Dyan lang" sagot naman nya
"Ahem!" sabay pa kaming tatlo nila Kyle. Kasi pano ba naman may kasama sya tapos di nya ipapakilala.
"Guyz si Zayn nga pala. Friend ko, sakanila yung kabilang rest house." pakilala nya naman sa amin. Sakanila pala yung kabilang rest house, yung sinabi nilang bagong nakabili ng bahay nila Mr. Santillan.
"Bessy, friend mo? Bat parang di ko sya kilala?" Pabulong na Tanong naman ni Sheena kay Lexy.
"Nakilala ko lang kasi sya kanina." pabulong din na sabi ni Lexy.
Nagbubulungan pa ei naririnig din lang naman.
Pinakilala kami ni Lexy isa-isa Dun sa Zayn na yun. Pero nung ako na ang pinakilala biglang may binulong si Zayn kay Lexy na nagpa-Blush dito. Tapos bumulong din si Lexy kay Zayn na mukhang pinagbabantaan.
Grabi kung magbulungan akala mo sila lang yung tao dito. Parang wala kami. Tapos ang lapit nila sa isat isa ganyan ba yung sinasabi nyang kakakilala lang nya daw kanina. Nakaka-BadVibes naman dito!
"Zayn!" kukurutin nya pa sana tagiliran...
"Psss.! Pagkatapos kong magconfess.... Sige Guys pasok na ako sa loob." sabi ko. Sobrang sweet naman kasi nila. Nakakahiya naman daw kasi.
Pumasok na lang ulit ako sa resthouse. Makapagbulungan naman kasi sila, baka nakakalimutan ni Lexy na ako yung nagsabi kanina lang sa kanya na gusto ko sya.
For all girls naman kasi bat sya pa nagustuhan ko ei. Marami naman dyang babaeng nagkakandarapa para lang mapansin ko at lalong lalo na ei ang magustuhan ko. Swerte na nga sya kung tutuusin tapos ganyan lang... Pero di ako susuko, ngayon pa na nasabi ko na ang tunay kong nararamdaman.
___________________
Kung mahal mo ipaglaban mo. Kahit walang kasiguraduhan na magiging sayo sya, atleast you do something to be with him/her. And you dont ever regret it in the future.
GO XANTH! WIN LEXY'S HEART... :D
______________________
Vote & Comment
BINABASA MO ANG
First Will be The Last?
Teen FictionDahil sa isa hindi pagkakaintindihan, Nawasak ang isang RELASYON.... Many years have passed...... Sila pa rin kaya ang magkakatuluyan sa huli.?