02: What if?

9 4 2
                                    


“Laro tayo ng what if challenge.”

Nakita ko ang marahang pag-iling ni Grant sa pag-aya ko sa kaniya. Hays, minsan talaga napaka-kill joy neto.

“KJ naman! Dali na, what if lang naman.” Hinila ko ang manggas ng suot niyang white tshirt dahilan kung bakit mapatawa siya. Maingat nitong hinawakan ang kamay ko at malamyang hinaplos.

“Bakit naman ayaw mo?” Nakakunot noong tanong ko. “Hindi naman ako magagalit o magtatampo! Atsaka what if lang naman. Sikat na sikat kaya ʼyon! Kaya gawin natin.”

“Ayoko, Laura.”

“Bakit?” Seryoso kong tanong sa kaniya. Nanigas ako nang dahan-dahan niyang ipinadausdos ang kaniyang kamay sa aking mukha at iniligay niya rin ang mga takas na buhok sa gilid ng aking tenga.

“Kasi ayaw kong masaktan ka.”

“Sira! What if nga lang. WHAT IF. Hindi naman totoo mga sasabihin natin.”

“Still. I donʼt want to give you a headache. Dahil sa kada what if na maaari kong sabihin, mapapaisip ka at mag-iimagine. Mapapatanong ka kung paano kung totoo? Paano kung magkatotoo? Youʼll get hurt. Kahit hindi totoo, Laura.”

Kinagat ko ang aking labi at bahagyang napaisip sa sinabi niya. What if lang naman. Nagpapakilig pa.

“What if may gusto ka pala sa kaibigan ng kuya mo at napipilitan ka lang sa akin?” Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya.

“Haha, sakit. Iisipin ko palang... Hindi baʼt botong-boto ang mga magulang mo sa kaibigan ng kuya mo noon pa lang?” Dagdag pa nito at umirap sa kawalan. “Isip ka nalang ng ibang laro, mahal.”

Tinawanan ko na lamang siya ngunit napagpasyahang inisin na lamang siya pagkatapos.

“What if may contact ka pa pala sa ex mo nang hindi ko nalalaman?”

Umiling ito. “Ikaw palang ang nagiging girlfriend ko, Laura Yvanes.”

“What if ampon ka lang?”

“Oo nga no?”

“What if ginagamit lang kita?”

“Free to use.”

“What if anak ka pala ng bilyonaryo?”

Umiling ito at umangat ang gilid ng kaniyang labi.

“What if hindi na kita mahal?”

"Stop,"

"What if may gusto nga ako sa kaibigan ni kuya?"

"Laura." Nagbabanta na ang boses nito ngunit malakas ko lang siyang tinawanan. Mukhang nai-stress na siya kaya ibinato ko na ang huli kong what if para sa kaniya. Nakaka-enjoy talaga mang-asar, hindi ba?

"What if kayo pala talaga ng ate ko ang para sa isaʼt isa?"

Tumingin lamang siya sa akin kaya mas lalo ko siyang tinawanan. Pikunin talaga! Ngunit...

Hindi ko lubos akalain na maari pala talaga. Masyado akong nakampante. Masyado akong nagtiwala. Masyado akong nagpadala.

Totoo palang may kapalit ang bawat tawa at saya.

Dahil habang tinititigan ko si Grant.... na nasa tabi ng ate ko ay hindi ko mapigilang mapaluha.

"Hindi namin sinasadya." Umiiyak na saad ni ate. Nangibot ang aking labi at hindi alam ang sasabihin.

"Laura...lasing lang kami. Hindi namin sinasadya..." Puno ng pagsisising aniya.

Nginitian ko siya. Sinong mag-aakala na magkakatotoo ang what if na pabiro ko lang na sinasambit noon? Na posible pala talaga ang lahat? Na hindi natin malalaman ang mangyayari sa hinaharap.

Dahil hindi ko naman nahulaan na darating pala ang araw na magkakahiwalay kami.

At sila pala talaga ni ate ang para sa isaʼt isa.









✎ ̼eurilledlynne | 07/06/2023

^•ﻌ•^ ^•ﻌ•^ฅ

One shots (Random)Where stories live. Discover now