09: ----

1 0 0
                                    

“Tol, baka naman? Tropa tayo ʼdi ba? Sabihin mo sa ʼmin kung sinong nagugustuhan mo! Imposibleng wala!”

“Ulol, tigilan niyo ʼko. Study first ako.” Sunod-sunod na pagbatok ang natanggap ko sa tatlong kaibigan na kasama. Puta. Ayaw maniwala.

“Hindi ako kagaya ninyong mga hayok.” Natatawang sabi ko na siyang narinig pala ng matandang tindera ng store kung nasaan kami ngayon. Nakita ko ang pagtawa nito at pag-iling.

Totoo naman kasi. Sa totoo lang, wala akong tiwala sa kahit sinong babae. Salamat sa nanay kong nang-iwan sa akin at sumama sa bago niyang pamilya noong maliit pa lamang ako. Dahil doon, nabuo sa utak ko na pare-parehas lamang halos ang lahat. Kaya bakit ko susubukang kumilala ng kahit isa?

“Ate pabili nga po ng chuckie,” napahinto ako sa iniisip nang marinig ang mala-anghel na boses ni leri, ang babaeng kilala bilang active at academic achiever sa aming paaralan. Naknam. Ang ganda, e. Kung crush lang ang usapan, siyempre mayrooon ako niyan. At siguradong makakatanggap ako ulit ng batok mula sa mga kaibigan laloʼt puro kasinungalingan ang lahat ng salitang tinuran ko kanina.

Kaso alam niya kayang nag-eexist ako? Mapapansin niya kaya kung sakaling magparamdam ako?

Huwag nalang. Baka siya ang ikasira ng buhay ko.

✎ ̼eurilledlynne | 11/07/23

( ꩜ ᯅ ꩜;) 

One shots (Random)Where stories live. Discover now