"Iʼm surprised that youʼre here." malalim ang boses na sinabi ito ni zent. Tinanguan ko siya at isinarado ang aking dalawang kamay buhat ng kaba. Ngayon iniisip ko na kung paano ko ba nakayanang pumunta rito. Mula sa pagbibihis ng hapit sa katawang dress, paglalagay ng liptint, pagsakay sa jeep, at ngayon pinalilibutan ng maraming tao. Ngayon iniisip ko na kung bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon. Ngayon, pinagsisisihan ko na. Mas maganda pang nagstay ako sa bahay habang nag-iisa. Nac-concious ako sa hitsura ko. Hindi naman ako maganda. Payat din ako kaya malamang hindi bumagay sa akin itong suot kong dress. Ito rin ang unang beses na naglagay ako ng liptint at humarap sa maraming tao. Baka iyong iba hinuhusgahan na ako. Baka iyong iba, pinagtatawanan na ako. Baka iniisip nila na nagf-feeling ako. At baka nagmumukha akong katawa-tawa rito. Hindi ko na alam. Dapat pala hindi na ako pumunta. Mas maganda pa sa bahay at nag-iisa. at baka nga-"
"Lia... "
Wala sa hulog na nag-angat ako ng tingin. "mhm?"
"Ang... ganda mo."
✎ ̼eurilledlynne | 10/29/23
^•ﻌ•^ ^•ﻌ•^ฅ
![](https://img.wattpad.com/cover/282300750-288-k487722.jpg)