01: Transferee

36 7 7
                                    

"ANG BILIS NAMAN NETO MAGLAKAD," bulong ko sa sarili na medyo tumakbo na sa paglalakad. Nakakahingal. Palibhasa ang hahaba ng legs.

Mabilis akong tumingin sa aking cellphone nang makitang lumingon sa akin si Yuan. Ang aking... uh, crush? Hehe. Well, hindi ko siya sinusundan pero parang ganoʼn na nga. Parehas kasi kami ng daan pauwi. Mas mauuna nga lang na madaanan ang bahay niya at pangalawa naman ang sa akin. Kaya hindi ko siya sinusundan, pero parang ganoon na nga.

Si Yuan ay isang transferee sa aming school. Dalawang buwan na rin simula noong nalaman kong parehas kami ng daan pauwi ng bahay kaya hinahatid ko siya pauwi. Scratch, gusto ko lang na sabay kami umuwi. Kada hapon ay ganito ang nagaganap. Nasa bandang kanang likuran niya ako naglalakad at siya naman ay nasa harap ko sa kaliwang banda. Naglalakad lang ako dahil malapit lang ang bahay namin sa pinapasukan ko.

Merong masaklap na katotohanan na ayaw kong tanggapin. Una, hindi niya alam ang pangalan ko o kahit isang letter man lang sa name ko. Pangalawa, hindi niya ako kinakausap! Kilala siya sa school at nangunguna sa klase. Habang ako? Ah basta nag-aaral ako. Ang mahalaga kaklase ko siya!

Napahinto ako nang tumigil siya sa paglalakad. Namataan ko ang kanilang gate. Mabilis na nagbagsakan ang mga balikat ko habang ngumuso naman ang aking labi. Hays, maghihiwalay na kami. Nagulat ako nang lumingon siya sa akin. Mula sa pagkakahaba ng nguso ko ay bigla ko itong binalik sa dati at tumuwid ako ng pagkakatayo. Then, after one second ay ibinalik niya na ang tingin niya sa kanilang gate. Nagsimula na akong maglakad at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. Sinulyapan niya ako! Acckkk!

Lumipas ang tatlong buwan, araw-araw na ganoon ang nangyayari. Hindi ko alam kung manhid ba siya o sadyang wala lang siyang pakialam. Ni hindi nga siya nagtataka kung bakit palagi niya akong nasa likuran! Pero okay lang, mas maganda kung ganoon. Pero hindi na ako magugulat kung tatanungin at kokomprontahin niya ako isang araw.

Nasa limang metro ang layo ko sa kaniya nang mapatigil siya sa harapan ng gate nila. Nakita ko pa ang pagbukas noon na siyang hudyat na kailangan ko nang umalis. Nagsimula na akong maglakad at nang makalagpas na ako, sa gate ng bahay nila ay----

"Sa ʼyo ba ʼto?" Namilog ang mga mata ko at agad na napahinto sa paglalakad. Ako ba ʼyong kausap niya? Lilingon ba ako?! Wait, teka! Sandali!

Parang tambol na hinahampas ang puso ko. Limang segundo na ngunit hindi pa siya nagsasalita ulit. Malamang, anong sasabihin niya sa ʼyo Elara? Napalunok ako ng dalawang beses bago tuluyang humarap. Nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot.

Ang plano ko ay kukuhain ko sa kanya iyong nalaglag na ewan ko kung ano, basta kukuhain ko pagkaharap! Pero hindi nakisama ang mga kamay ko. Nasa likuran ko na ito at kinukurot nila ang isaʼt-isa. Napatitig ako sa mata niya na dahilan ng pagkalimot ko sa gagawin. Wait, totoo ba ʼto? Nakatitig rin siya sa akin. Seryoso. Seryosong seryoso. Nang hindi ko matagalan ang titig niya ay agad akong napatingin sa hawak niya. Oh shit! Ayan ʼyung quiz namin kanina sa math na over 30 ay 14 lang ang nakuha ko!

Mabilis na nagkaroon ng utak ang mga kamay ko na kuhain iyon sa kamay niya. Nakakahiya Elara!

"Uh... Oo, salamat." Pagkasabi nitoʼy tumalikod na ako agad-agad dahil sa pagkapahiya. Nakita kong tumingin siya sa papel ko, at sigurado akong iyong score ko ang tinignan niya!

Pero kung tutuusin, bagay kami. Matalino at bobo tandem. Pero... ni hindi nga ako pinapansin kahit magkaklase kami. Sa iisang row kami nakaupo pero ni isang beses walang conversation na naganap. Talaga Elara? Umaasa ka na mag-uusap kayo? Oo. Pero nagkausap naman na kami, nung binalik niya sa akin 'yung... tss.

Nandito ako ngayon sa kwarto at inaalala ang mga nakakahiyang scenario na nangyari sa akin sa mismong harap niya. Bwisit.

Isa doon ang pagtitig ko sa kanya sa classroom habang nagq-quiz kami.

One shots (Random)Where stories live. Discover now