“Bakit hindi mo sinagot ʼyung tanong kanina noong tumapat sa ʼyo ang bote? Napakakilljoy mo talaga, jusmiyo!” Pagsesermon ko sa kaibigan habang kumakain kami sa isang sulok. Maingay man ang kapaligiran dahil sa tugtog ay sinikap kong lakasan ang boses para marinig niya ako.
Hindi nito pinansin ang tanong ko. Bagkus ay nilagyan lang nito ng shanghai ang plato ko.
“Ang takaw mo, Nakikibirthday ka lang naman.” Pag-iiba niya sa usapan. Aba?
“Pinsan ko ʼyung may birthday, bakit?”
Pabirong inirapan niya ako. Akala niya nakatakas na siya! Ha! “Bakit nga? o kahit sa akin mo nalang sabihin kung sino ʼyung crush mo, bff naman tayo eh!” kumunot ang noo nito at hindi na naman sumagot.
“Huy, Kleo! Ano nga? Ang duga naman. Hindi nagsasabi—ah alam ko na! Kaya ba hindi mo sinagot kasi nasa paligid lang natin siya?”
Nagkibit-balikat ito at ginulo ang bangs ko. “Siguro. Saka baka kasi mailang siya.”
So nandito nga?! “Sino?!” Pangungulit ko at kinagatan ang shanghai na binigay niya.
“Ganito nalang. Tignan o sulyapan mo nalang siya kahit saglit para malaman ko kung sino.” Pataas-taas ang kilay na sinambit ko sa kaniya. Pigil naman siyang napangiti at hindi inalis ang tingin sa akin.
“Pagbilang ko ng tatlo, susulyapan mo siya ha?” Jnirapan ko siya sa hindi niya pagkibo ngunit ipinagpatuloy ko pa rin ang kakulitan.
“One... two... three...” marahan ang pagkakabilang ko habang tinitignan sa mata ang lalaki. Bumagsak ang balikat ko nang wala itong ginawa.
“Ano na? Ayaw mo pa rin? Titignan mo lang naman saglit e, kahit mga one second lang. Napakadaya mo talaga.”
“Saan ang madaya roon?” Seryosong tanong niya.
“Lahat kasi ayaw mo! Paano malalaman ng babaeng gusto mo na gusto mo rin siya? Nakakaasar ka na, titignan mo lang naman saglit para malaman ko,”
“Tinignan ko na. Hindi mo pa rin ba alam kung sino?”
“Huh? Saan siya?”
“Nasa harapan ko.” huh?
“Kanina pa ako nakatitig sa ʼyo.”
✎ ̼eurilledlynne | 11/07/23
ദ്ദി ˉ͈̀꒳ˉ͈́ )✧