"H-Hey, I made pasta for you..." Marahang bulong ko at gamit ang dalawang kamay ay inabot ko ang mangkok na may lamang pasta. Agad akong napapikit at umiling sa ginawa. "Tsk, mali mali. Hindi dapat ganoon. Ulit." Kinalma ko ang sarili at nag-ensayo ulit sa panlabing-limang pagkakataon.
"Marcus, g-galit ka ba? Ginawan kita ng pasta...."
"B-Busy ka ba? Try mo ʼtong iniluto ko... "
"Ano, gumawa ako ng pasta... baka gusto mong tikma----shit!" muntik kong mabitawan ang mangkok sa biglaang pagkatok sa pinto!
"Clea?"
"Huh? Clea? Ako ʼyon hindi ba?" Napaiwas ako ng tingin nang tumawa si marcus.
"Ikaw lang naman ang clea na kasama ko?" Pang-aasar niya. Napalunok ako sa sinabi niya.
"A-Ako lang? Sure ka ba na walang iba?" Ani ko na agad kong pinagsisihan sapagkat biglaang nagbago ang ekspresyon sa mukha niya at desperadong lumapit sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at tumitig sa akin. Nakita ko pa ang paglunok nito na tila kinakabahan. "Clea, wala. Promise, ikaw lang."
"N-Napakaseryoso naman!"
"Seryoso talaga ako cle---"
"Alam ko!"
"Alam mo ang?"
"Basta alam ko."
"Alam mo na mahal kita?"
Ikinunot ko ang noo ko at lumayo sa kaniya. Pinanood niya naman ang pagkuha ko sa mangkok na inilapag ko kanina at nilapitan siyang muli.
"Here," saad ko at iniabot sa kaniya ang hawak. "Ginawa ko ʼyan kanina noong wala ka. Hindi ako magaling magluto kaya huwag ka mag-eexpect na masarap iyan..."
Hindi siya sumagot ngunit kinuha niya sa kamay ko ang mangkok. Nakatitig lamang siya sa pasta na tila hindi naman niya iniintindi ang sinasabi ko. Galit ba siya?
"S-Sorry pala sa inasal ko kanina. Alam kong hindi maganda na sa ibang tao ibinubuhos ang tinatago mong inis... pero hindi naman ako naiinis... ano.. sadya lang na wala akong gana kanina kaya nasungitan kita. maiintindihan ko kung aayaw ka na dahil sa ugali ko..."
"What are you saying?" Nagitla ako sa seryoso nitong boses kayaʼt paatras akong napahakbang.
"While itʼs good that you realized everything..." inalis niya ang isang kamay sa pagkakahawak sa mangkok at marahang inabot ang kaliwang kamay ko. "Kailan ko ipinaramdam sa iyo na ayaw kita?"
"Wala naman akong sinabing ganiyan. Ang sabi ko baka.... naturn off ka o ano sa ugali ko kaya okay lang at maiintindihan ko kung aalis k-"
"Mahal kita." Sakto lang ang boses na sabi niya nang may lungkot sa mukha. "Minahal kita clea sa kung ano ka. Lahat ng iyo, lahat ng tinataglay mo. Kung masayahin, malungkot, moody, o ano pa ʼyan, mahal pa rin kita. Huwag mong pinag-iisipan nang ganiyan ang sarili mo, okay?"
Napatitig lang ako sa mahabang litanya niya. Kung puwede lang buksan ang tiyan, malamang ay kanina ko pa binuksan ito upang pakawalan ang kung ano mang kanina pa ay nagwawala sa loob.
"Kiss na."
"H-Huh?"
"Look, may hawak akong pasta at ayaw kong bitawan itong ginawa mo para sa akin..." aniya at ipinakita pa sa akin ang hawak. Lihim akong napangiti.
"Kiss mo ʼko para bati na." Nakangiwing aniya sa akin. Pabiro akong tumawa at lumapit sa kaniya dahilan para mapataas ang dalawang kilay nito.
"Mahal din kita." Bulong ko sabay tingkayad, sakto para maabot at maramdaman ang malambot na labi niya.
✎ ̼eurilledlynne | 12/11/23
^•ﻌ•^ ^•ﻌ•^ฅ