05: Relo

6 1 0
                                    

“You know what hon, pumunta kami sa bayan ni lola then bumili ako ng cute na relo. Cheap lang ʼyung price niya. We should go there sometimes!” Masaya kong sinabi at saka winagayway sa ere ang aking kamay. Suot-suot ko kasi iyong binili kong relo.

“Color red pinili ko siyempre, favorite color ko kasi—” natigilan ako nang hinuli niya ang kamay ko at sinuri ang aking relo.

“Bago ʼto ah?” kumunot ang kaniyang noo.

“Kasasabi ko lang ʼdi ba? I bought this yesterday noong pumunta kami sa bayan ni---”

“Itong sugat sa palapulsuhan mo. bago ʼto.” Dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi ko.

“Tinatakpan mo pa ng relo mo para hindi ko makita. Sinaktan mo na naman ang sarili mo?” Malungkot ang mga matang aniya. Mapait akong ngumiti at hindi na sumagot pa.

Nakakatawa lang.

Kailan ko ba hindi sinaktan ang sarili ko?


✎ ̼eurilledlynne |10/16/23

^•ﻌ•^ ^•ﻌ•^ฅ

One shots (Random)Where stories live. Discover now