11: ----

4 1 0
                                    

"Una na kami,"

Tinanguan ko ang dalawang groupmates na natira sa lamesa at agad na sumunod kay avi na nauna nang maglakad. Problema nito?

"Hey..." Sumabay ako sa kaniya sa paglalakad at bahagyang binangga ang balikat niya.

"Ano?"

"Wala sa mood?"

Tumingin ito sa akin nang masama at pagkatapos ay nagtanong. "May kilala ka bang nanggagayuma?"

"Bakit?"

"Gagayumahin ko si Jael."

Tinagilid ko ang ulo at nagtatakang tinignan siya. Agad naman siyang nagsalita ulit. "Kita mo ʼyon? Silang dalawa na naman ni Jas ang naiwan sa lamesa. Palagi nalang. Paano kung mahulog siya sa babae? Paano na ako? Kaya nga ngayon tinatanong kita kung may kakilala ka bang nanggagayuma." Bagsak ang balikat na tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. "Ano, meron ba?" napahinto rin ako at nakabuntong-hiningang hinarap siya.

"Avi, naiwan silang dalawa kasi sila ang leaders at ieedit pa kasi nila iyong powerpoint na ip-present natin bukas..." Napatingin ako sa mga paa naming magkaharap. Pigil na napangiti ako. "At saka hindi ka rin naman gusto ni Jael kahit gayumahin mo pa. May ibang gusto ʼyon."

"Kaibigan ba talaga kita? Kaasar." Napailing ako at marahang lumuhod sa harapan niya para ayusin ang sintas ng sapatos niya.

Sinasabi ko lang naman ang totoo. At kung itinatanong mo kung may kakilala ba akong magaling manggayuma ay isasagot ko lang ang pangalan mo. Kasi hanep, hindi ko alam kung bakit hulog na hulog ako sa ʼyo. Masaklap nga lang, kasi may iba ka namang gusto.




✎ ̼eurilledlynne | 11/09/23

^•ﻌ•^ ^•ﻌ•^ฅ

One shots (Random)Where stories live. Discover now