"Lagi mo lang tatandaan na si Jean-Paul Sartre ay isang atheist na naniniwalang ʼyung God's existence or non-existence daw ay hindi nakakaapekto sa man's freedom, while inopposed naman ni Karl Jaspers iyong idea niya about sa non-existence ng God-huy nakikinig ka ba?"
"H-Ha?"
"Makinig ka kasi pupunta pa ako ng library."
Napakamot ako sa aking batok. Paanoʼy pinipilit ko namang makinig. Nadidistract nga lang ako sa matamis at marahan mong tinig. Ano ba naman kasi ʼtong philosophy. Hindi naman kasi ako magaling magkabisa ng mga ganito. Nahihirapan nga akong tandaan ang pangalan ng seatmates ko. Sina Karl Jaspers at Sartre pa kayang hindi ko naman naabutan sa mundo?
"Si Victor Frankel naman is kilala for his logo therapy. Ang sabi, ʼyung human person daw is naghahanap ng meaning of his existence which serves as a motivation para magkaroon siya ng will to live."
Napatango ako. Naaalala ko naman ang discussion kahit paano. Nakalimutan mo nga lang banggitin na sinabi rin ni victor frankel na love can save the human person from meaninglessness in life. Hays, ano na naman ba ʼtong nasa isipan ko? Pero teka... alam mo kaya na ikaw ang inspirasyon ko? Sasaluhin mo kaya kapag nalaman mong nahulog na ako sa ʼyo? Paano kung sabihin kong...
Pauleen, ikaw ang gusto ko?
"Uy naintindihan mo ba?"
Ay mag-aaral nga pala muna tayo.
✎ ̼eurilledlynne | 10/05/23
^•ﻌ•^ ^•ﻌ•^ฅ