Kabanata 9: Dismaya

60 4 1
                                    

Malapit na sumikat ang araw ngunit May isang nilalang sa kanyang higaan na tila hindi parin nakakatulog, parehas parin ang kayang naiisip, ang nangyayari sa devas na hindi parin nya makalimutan.

Tanakreshna! Wika ni mata habang tinatakpan ang kanyang muka, tila hindi mapapakali ang Bathaluman

Cassiopeia sandali lamang! narinig nyang binigkas ni Emre, bago paman sya huling maka apak naitulok sya papalapit sa bathala at biglaan nalamang nilang nahalikan ang isa't isa.

Pashnea! Wika ni Cassiopeia, Cassiopeia May kakayahan kang makakita ng hinahanap ngunit bakit hindi mo nakita ang pangyayari na naganap?! Tanong nya sa kanyang sarili.

Totoo naman ang kanyang sinabi, hindi nya inaasahan na May mangyayari na ganun lalo na't linilimitahan nya nalamang ang paggamit ng pangyarihan nya na makakita ng hinaharap at hayaan nalamang itong maganap

Tumingin sya sa paligid ng kanyang silid, ang araw na nalalapit na ang pagsikat, ang kanyang alaga na nagpapahinga sa kanyang kulungan, Huminga ng malalim si Cassiopeia at agad naman bumangon, nawawalan na sya ng enerhiya na magpahinga lalo na't hindi nya naman alam ang kanyang gagawin. Dahil hindi na sya inaantok

Nang makabangon ang Bathaluman naisipan nito na mag tungo sa balkonahe ng kanyang silid, pinagmasdan nya ang lireo na kitang kita mula sa dalampasigan. Hinigop nya ang sariwang hangin at ipinikit ang kanyang mga mata.

Inisip nya ang mga oras na humihingi sya ng tawad, at tila sya ang nagiging matigas ang puso upang tanggapin ang kanyang hiling

Tila hindi makatuwiran ang patuloy kong pagkagalit sakanya, tila panahon na upang patawarin ko sya wika ni Cassiopeia sa kanyang sarili

Nakita nya ang yelo na tila bigla nalamang nahulog mula sa kalangitan, dumikit ito sa kanyang braso at dito sya huminga ng malalim

Bago pa huli ang lahat, o ako mismo ang magsisisi sa huli.

Nang tuluyan na sumikat ang araw sa lupain ng Encantadia, nagtungo si Cassiopeia sa lireo upang makausap ang isang adamyan na maaring makatulong sakanya

Avisala imaw wika ni Cassiopeia sa nunong adamyan

Hinarap naman sya ng adamyan at nagsalita avisala mahal na bathaluman wika ni imaw anot napadalaw kayo dito sa lireo?

Maari ba tayong mag usap sa silid ng pagsasamba ng lireo, nais ko sanang humingi ng payo sainyo wika ng bathaluman

Masusunod bathaluman, halika at magtungo na tayo roon, matapos ito sabihin ni imaw agad naman nila nilisan ang punong bulwagan at nagtungo sa lugar na sinabi ng bathaluman.

Nang makarating sila sa silid agad naman sila umupo sa gilid at pinagmasdan ang mga dama na naglilinis sa paligid

Imaw, anong maari kong gawin upang mapatawad ang isang nilalang tanong ni Cassiopeia

Bakit bathaluman? May nilalang ba kinakaaway mo ngayon?

Hindi naman munting kaaway, ngunit May hindi lamang kami pagkakaintindi, anong maari kong gawin?

Nasa sarili natin ang desisyon kung kakayanin ba natin mapatawad ang isang nilalang, kahit lubha o hindi ang kanyang nagawa, minsan kinakailangan rin natin magbigay ng pangalawang pagkakataon upang mas maiwasan ang mga sigalot sa pagitan ng ano mang nilalang.

Tumingin naman si Cassie sa rebulto ni Emre na Naka lagay sa centro ng silid, Kung kinaya nya bigyan ng ilang pagkakataon ang mga kaibigan nya na masasama, tila kaya Korin naman ata na bigyan sya ng pangalawang pagkakataon muli wika ni Cassiopeia

Sino? Tanong ni imaw

Tumingin ang bathaluman sa adamyan, hindi na ito importante imaw, Avisala eshma sa iyong payo.

Tinapos ni Cassiopeia ang kanyang mga tungkulin sa Encantadia, inalala nya ang mga bilin sakanya ng adamyan isinapuso ito. Matapos ang kanyang mga gawain ay nagtungo sya devas upang mapatawad nya ang nilalang na matagal na nyang kinasusuklaman

Avisala Emre wika ni mata

Hinarap naman sya ng bathala maging ang mga ivtre na kausap nya, Avisala Cassiopeia anong pakay mo rito sa devas? Tanong nya

Iwan nyo muna kami wika ng bathaluman, agad naman Sumangayon ang mga ivtre at nilisan ang silid na kinaroroonan nila. Matapos makaalis ng mga ivtre nagsalita na si Cassiopeia

Nandito ako upang sabihin na, pinapatawad na kita

Totoo ba ang aking narinig? Tanong ni Emre na tila nagagalak

Oo, Binigyan ako ng payo tungkol sa maari kong gawin, at napag-isipan ko na wala naman paabutan ang ating pagtatalo, kung kaya't pinapatawad na kita. Wika ng bathaluman

Avisala eshma Cassiopeia! Wika ni Emre at biglaan niyakap ang bathaluman sa tuwa, hinayaan naman ni Cassiopeia na sya ay yakapin, unti unti narin bumalik ang kanyang dating tiwala sa bathala kung kaya't niyakap nyarin iyo pabalik

Poltre tila nasabik lamang ako wika ni Emre na bumitaw

Wala kang dapat ipaghingi ng tawad lalo na't wala naman masama sa iyong ginawa wika ni Cassiopeia at ngumiti, kay tagal narin ng panahon ng huli nyang makaharap sya ng maayos.

Tinitigan nila ang isa't isa, tila parehas silang nawala sa mga mata na nakikita nila, hindi nila napansin na tila ang distansya nila sa isa't isa ay sobrang lapit na.

Unti unti nilang nilapit ang kanilang mga muka, ang kanilang mga labi na malapit nang dumikit sa isa't isa, parehas nilang ramdam ang init ng kanilang hinga, tila napakabagal ng oras para sakanila hanggang sa May naglaho na nilalang sa silid, agad naman nila naitulak ang isa't isa papalayo

Sana naman ay nagkabati na kayo wika ni haliya na kakarating lamang

Habang ang dalawang bathala ay nakatayo lamang na tila nakakita ng isang multo na hindi nila inaasahan, agad naman sinagot ni Emre ang sinambit ni haliya

Oo haliya, nagkabati na kami wika ni Emre

Sana naman ay hindi na kayo muling mag aaway sa ganitong situwasyon, ikinagagalak kong nagkabati na kayo wika ni haliya

Ngumiti naman ang dalawa sa bathaluman at Sumangayon.

Halikana Cassiopeia lalo na't May kinakailangan tayong isagawa sa batis ng katotohanan, mayroong mga encantado na tila ginagawa nais sirain ang batis, kung kaya't halikana

Masusunod haliya wika ni Cassiopeia at duon tumalikod sila, ngunit bago sya naglaho magsalita ang Bathaluman

Avisala mieste Emre wika ni Cassiopeia

Avisala mieste Cassiopeia wika ni Emre

Habang ngumisi lamang ang bathaluman at parehas na silang naglaho papaalis ng devas, habang naiwan si Emre ngumiti lamang din ang bathala at bumalik na sa kanyang tungkulin.

Buhay Diwata-BathalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon