Malapit na ang kanyang pagdating, kinakailangan na maghanda ng lahat kung hindi lahat tayo ay maisasabak nanaman sa ilang panahon ng kasamaan wika ni mata sa mga diwata
Sino mahal na Cassiopeia? Tanong ni danaya
Ang aking kakambal wika ni mata na mahinhin
Lahat ng nasa punong bulwagan ay nabigla, ang mga sanggre ay nag tinginan sa isa't isa
Mayroon kang kakambal? Tanong ni pirena
Oo Hara, ang aking Bunsong kapatid na matagal ko nang isinumpa, ngunit dahil naging Bathaluman nako natapos na ang mahabang panahon nang kanyang pagkaparusa, alam Korin na lumakas na ang kanyang kapangyarihan kung kaya't kinakailangan natin mag handa lahat
Maari mo bang ipakita ang wangis ng iyong kapatid? Tanong ni Aquil
Sumang-ayon naman si Cassiopeia at ginamit ang kanyang kapangyarihan upang magpalit ng anyo, bilang ang kayang itinakwil na kapatid
Teka wala naman nangyari,wika ni wantuk nagpalit kalang naman ng kasuotan mahal na Bathaluman
Warka! Wika ni Lira , kaya nga kakambal eh kasi magkamukha sila, ang hindi lang magkapareho ay ang kanilang mga ugali
Tama si Lira wika ni mata kung kaya't sana naman ay wag kayong malinlang sakanya
Don't worry lola Cassy, kasi mabilis ako maka realize ng mga tao na fake, matapang na Pagkasabi ng sanggre habang tinitigan lamang sya ng iba
Sa ngayon limitado lamang ang impormasyon na alam ko tungkol sakanya, ang kanyang kapangyarihan ay nyebe, isa sa mga dahilan kung bakit umulan ng yelo sa mga araw na dapat ay tag tuyo wika ni mata
At paano naman ang kanyang pakikipaglaban, gamit ang sandata? Tanong ni amihan
Kagaya sya ni Alena wika ni mata, ngunit mas maliksi ang kanyang galaw at masaya sa pakikipaglaban
Sapat na itong impormasyong upang mapaghandaan namin sya wika ni azulan, sisiguraduhin namin na hindi nya masasakop ang ilang kaharian na hindi nababalot ng apoy lalo na't kagaya ng sinabi mo na yelo ang kanyang kapangyarihan
Sa tutuosin, hindi naman talaga yelo ang kanyang kapangyarihan. Isang pagkakamali na ginawa ko noon lalo na't naawa ko sakanya, ang kanyang kapangyarihan ay nag mula saakin, lalo na't nabuhay sya na isang pangkaraniwang encantado lamang wika ni mata
Ibig sabihin May kakayahan ka na bawiin ang kanyang kapangyarihan? Tanong ni Mira
Oo sanggre wika ni mata
Kung ganun isa ito sa mga dapat natin magawa, ang matanggalan sya ng kapangyarihan liban nalamang kung mag ibang nilalang na magbabalik ng kanyang abilidad wika ni Alena
Wag nyo na muna iyan isipin, unahin na muna natin ang kapakanan ng mga encantado wika ni mata lalo na't hindi nila kakayanin ang panahon ng malaking taglamig
Kami na ang bahala sa pag-asikaso sakanila, wika ni pirena sisiguraduhin natin na matatalo ang bagong vedalhe na ito.
Matapos nila pagusapan ang iba pang mga tungkulin upang paghandaan ang paparating na kalaban agad naman nila inaksyonan ang plano, habang si Cassiopeia ay nag tungo ng devas upang makipagpulong kay haliya at Emre tungkol sa isa pang kalaban
Nang makarating sya ng devas, sinalubong sya Nina Gamil, alira naswen at Ades
Avisala Bathaluman, tamang tama ang iyong pagdating lalo na't kakarating din lamang ng bathalumang haliya
Avisala eshma sa inyong pagsalubong, ngunit nasaan sila? Nais kona sana silang makausap upang mabalikan ko muli ang mga diwata lalo na't hindi pa tapos ang aking tungkulim Sakanila
Naroon sila sa punong bulwagan, ikaw nalamang ang hinihintay wika ni gamil
Avisala eshma sainyo, mauuna nako wika ni mata at saka naman umalis.
Agad naman sya nagtungo sa punong bulwagan kung saan nakita nya ang dalawa na nag uusap ng mahina, kanyang pinagtaka ito ngunit ng mapansin nila ang kanyang katayuan agad naman nila binati ang bathaluman
Avisala, plotre kung ngayon lamang ako narating lalo na't tinulungan Korin ang mga diwata
Ayos lamang Cassiopeia, simulan na natin ang pagpupulong wika ni Emre
Sumang-ayon naman ang dalawang Bathaluman at duon nagsimula na ang pagpupulong ukol sa bagong kalaban
Si ether ay magbabalik?! Tanong ni mata na tila nagagalit
Oo Cassiopeia ikinalulungkot ko wika ni haliya lalo na't hindi naman sila ni arde tuluyang namatay
ANO?! Sigaw ng bathaluman na lalong nairita, kitang kita ang kanyang mata na tila naging lila dahil sa kanyang galit
Siniko ni haliya si Emre upang pakalmahin ang Bathaluman na nasa harapan nila at agad naman nya ito inaksyonan
Poltre Cassiopeia ngunit hindi ko sila pinaslang lalo na't kapag pinaslang ko sila ay magmumuka na parang kasing sama ko narin ang mga gaya nila wika ni Emre
Hindi mo parin kinayanan na kitlin ang kanilang buhay dahil lamang sa inyong batas? Wika ni Cassiopeia
Isa rin yon sa mga dahilan- bago paman maipatuloy ng bathala ang kanyang sasabihin biglaan nalamang naramdaman ang kamay ng isang nilalang sa kanyang muka. Sinampal sya ng bathaluman
Wenuveska wika ni mata, isinakripisyo ko ang aking buhay para lamang maibalik saiyo ang iyong kapangyarihan at tahanan, inulit ulit mo na sinabi saakin na ang parusang ipapatol mo ay kamatayan lalo na't sobra sobra na ang kanilang ginawa. Ngunit lahat lang naman pala ito ay kasinungalingan, wika ni mata na puno ng galit. Wag na wag mokong kakausapin
Cassiopeia makinig ka muna- bago muli matapos ang kanyang sasabihin naglaho na papaalis ang Bathaluman
Natahimik lamang si haliya kasama ang ibang mga ivtre na tila nabigla rin sa nangyari, napaka tahimik ng paligid kung kaya't pinutol ni haliya ang tila napakanipis na paligid.
Bigyan Mona muna sya ng oras, lalo na't hindi nya parin tanggap sa kanyang sarili ang impormasyon na buhay pa sina ether at arde, maging ang pagbabalik ng kanyang kapatid
May karapatan sya na magalit lalo na't hindi ko tinupad ang aking pangako. Wika ni Emre at umalis narin sa punong bulwagan ng devas
Magkakabati pa kaya sila mahal na bathaluman? Tanong ni alira
Wag kang mag alala ivtre, lalo na't hindi naman mapuputol ang relasyon ng dalawang iyan wika ni haliya sa ngayon bigyan na muna natin sila ng espasyo lalo na't alam kong kinakailangan nila ito ng lubusan
Sumang-ayon naman ang mga ivtre at duon umalis, habang naiwan si haliya natawa lamang sya
Sinasayang nyo lamang ang panahon nyo sa iyong maliit na sigalot, at duon naglaho narin sya papaalis
BINABASA MO ANG
Buhay Diwata-Bathaluman
FanficMatapos ang digmaan laban kina hagorn at ether, inisip ng iba na payapa na ang lahat, ngunit May isang nilalang na mayroong kaalaman sa mga magaganap. liban nalamang sa sarili nyang mga pangyayari.