Tila maganda ang sikat ng araw, walang yelo na makikita sa paligid, walang encantado na sinasalakay ng mga kawal nyebe at tila tahimik ang lahat. Liban nalamang sa isipan ng isang nilalang
Aking balintataw, tulungan mo ako na matunton ang warkang bathaluman na si ether wika ni mata sa kanyang isipan
Sinubukan nya itong hanapin ngunit May biglang nanggambala sa kanyang mga tungkulin. Narinig nya ang sigaw ng mga kawal at agad naman nyang prinotektahan ang kanyang sarili, isinamo nya ang kabilan at nilabanan ang mga kawal na nag nanakaw pumaslang sakanya. Matapos nya itong madaig naglaho ang kanyang kapatid sa harapan
Celeste... Mahinang magkasabi ng bathaluman
Avisala Bathaluman, anot tila ganyan ang iyong muka? May ginagambala kaba ng sinoman? Tanong ni Celeste
Oo lalo na't isa ka sa mga gumagambala saamin wika ni mata
Napaka init parin talaga ng iyong ulo, ngunit hindi ako naparito upang makipag away
Kumunot naman ang nuo ni Cassiopeia, ikaw? Hindi makikipag away? Tila hindi makapanipaniwalang saysayin
Kung ayaw mong maniwala, wag kang maniwala. Nais kitang imbitahan saaking kaharian lalo na't alam kong hindi mopa ito nakikita.
Dahil hindi ko sasayangin ang aking oras upang lisanin ang Encantadia para makarating lamang sa iyong kaharian, hindi ako tanga Celeste sagot ni mata
Kung kaya't ako na mismo ang magdadala sa iyo roon, upang hindi naman mahirapan ang Bathaluman ng mga encantado sarkastiko na pagkasabi ni Celeste
Iniisip ni Cassiopeia na patibong lamang ito ng kanyang kapatid at maaring ikapahamak nya lamang ito, ngunit hinayaan nya nalamang lalo na't alam nya sa sarili na na kaya nyang protektahan ito sa ano mang paraan
Tinatanggap ko ang iyong alok wika ni mata
Kung ganun, wag na tayong mag aksaya ng oras, halikana apwe, sabay bigay ng kanyang kamay
Pinagmasdan ni Cassiopeia ang kamay ng kanyang kapatid, nababalot sa puti, tila May korupsiyon na bumabalot sa kanyang kapangyarihan wika ni mata sa kanyang isipan
Hindi na kailangan, susundan nalamang kita lalo na't May kakayahan rin akong maglaho
Kung yan ang iyong nais, mahinhin na pagkasabi ni Celeste halikana
Agad naman umalis ang kambal sa kanilang kinaroroonan at nagsimula sa kanilang paglalakbay. Matapos ang mahabang paglalakbay naabot narin nila ang kaharian ng neveria ramdam na ramdam ni Cassiopeia ang lamig na nakapalibot dito ngunit hindi naman sya nababahala ngunit kung ang pangkaraniwang encantado ang tumungtong rito ay maaring mamatay kaagad sila sa lamig
Halika at pumasok tayo sa loob wika ni Celeste habang sinalubong naman sya ng mga kawal. Nang makapasok sila hindi sya tinanggalan ng mata ng mga kawal maging ang mashna na kasama nila, nakita nya ang kaharian sa loob, lahat ay gawa sa yelo ang mga mamamayan na ang mukha ay gawa lamang sa asul na apoy na kanyang Pinag tataka.
Sinigurado ko na ang aking kaharian ay mas tumatag kumpara sa mga kaharian na mayroon ang Encantadia, kung kaya't makikita mo ang ganda na nakapalibot dito, ang nga disenyo na kakaiba kumpara sa lireo, sapiro, hathoria or Adamya
Inirolyo lamang ni Cassiopeia ang kanyang mga mata, tila naiinis na sya at nag sisisi na sumama pa sya sakanya.
Sinasayang ko lang ang oras ko dito wika nya sa kanyang isipan. Nang malibot nila ang ibat ibang parte ng kaharian agad naman nila pumunta ang pinaka importante na parte ng neveria, ang silid ng trono ng hara.
Ang trono na gawa sa asul na yelo, at napakalaki kumpara sa ibang trono na mayroon ang Encantadia, ngunit May napansin si Cassiopeia sa taas na Alma nyang naalala nya.
Tila itinago pinahalagahan mo pala ang regalo ko sayo wika ng bathaluman at sabay tingin sa bulaklak na kamukha ng isang araw
Parehas nating alam na masama ako, ngunit mahilig rin naman ako magpahalaga sa mga bagay na katapat dapat pahalagahan
Ngumiti ang bathaluman ng marinig nya ito, tila May onting kabutihan rin ang natira sa kanyang puso na yelo.
Habang pinagmamasdan ni Cassiopeia ang lugar, hindi nya inaakala na ilalabas ng kanyang kapatid ang kanyang sandata, at pagtalikod ni mata nakatutok na ito sa kanyang leeg.
Warka! Wika ni Cassiopeia, sinasabi konangaba at hindi kita mapagkakatiwalaan!
Hindi kaparin talaga natuto mahal kong kapatid, bago pa ituloy ni Celeste ang kanyang plano agad naman naglaho si Cassiopeia
Pashnea! Cassiopeia lumabas ka! Alam mo na hindi ka basta basta makakalabas ng aking kaharian! Kung kaya't wag kana mag tago! Sigaw ni Celeste
Agad naman naglaho si Cassiopeia sa likod ni Celeste dala ang kanyang sandatng kabilan at sinipa ang kanyang kapatid papalayo
Wenuveska! Paslangin nyo sya mga kawal! Wika ni Celeste
Sinugod sya ng mga kawal, ang kanilang mga galawan ay tila nagmula sa kanyang kapatid kung kaya't hindi basta basta silang napapaslang ngunit sa huli ay natalo nya naman ito
Ngayon, tayo na ang maglalaban, sana lamang ay nakapagpaalam Kana sa iyong mga mahal sa buhay, lalo na sa iyong bathala wika ni Celeste na nangaasar
Inisip ni Cassiopeia kung ano man ang tinutukoy ng kanyang kapatid, hanggang sa maalala nya, isa sa mga dahilan kung bakit inilayo sya ni Celeste, maging ang dahilan kung bakit hindi nya natatagpuan sina ether at arde. Tila pinagplanuhan nanaman nila
Pashnea! Sigaw ni mata, agad naman sya sinugod ng kanyang kapatid at dito nagsimula ang kanilang laban, pansin ni mata na tila nagbago ang mga galaw ng kanyang kapatid kumpara sa dati, ngunit hindi ito ang pipigil sakanya upang maparusahan sya.
Sa oras na matalo kita, sisiguraduhin ko na ang iyong kapangyarihan ay napapasaakin! Wika ni Celeste
Tingnan nalang natin kung matalo mo ako! Wika ni mata
Patuloy silang nag sagupaan, at walang sinuman ang sumusuko Sakanila, May nga kawal na nagsusubok na kalabanin ang Bathaluman ngunit ginagamit nya ang kanyang kapangyarihan upang mapalayo ang mga ito.
Matagal ang kanilang paglaban hanggang sa parehas nila nahulog ang kanilang mga sandata, agad naman sila naglabanan gamit ang kanilang mga kamao, alam ni mata na mas malakas ang kanyang kapatid kapag walang sandata, at dito sya tama ng hinala.
Agad naman naipit ni Celeste ang kanyang kapatid dahil sa kanyang galing sa pakikipaglaban gamit ang mga kamay
Ano Cassiopeia lalaban kapa? Tanong ni Celeste habang tumatawa
Tanungin mo ang sarili mo wika ni mata sabay apak aa Paa ng kanyang kapatid, kinuha nya ang braso ni Celeste at itinapon ito gamit ang kanyang kapangyarihan sa kanyang trono at agad naman nawasak ang trono. Bago pa mabangon si Celeste agad naman umalis ang Bathaluman upang malaman ang kalagayan ng Encantadia habang wala sya.
BINABASA MO ANG
Buhay Diwata-Bathaluman
FanfictionMatapos ang digmaan laban kina hagorn at ether, inisip ng iba na payapa na ang lahat, ngunit May isang nilalang na mayroong kaalaman sa mga magaganap. liban nalamang sa sarili nyang mga pangyayari.