Ngayon na ang aking pinakahihintay na kaarawan wika ni Celeste, Ramdam nya ang yelo na nahuhulog sa kalangitan, ang lamig na ramdam ng bawat encantado
Ginamit nya ang kanyang kapangyarihan at nagsagawa ng isang encantasyon.
Sa bisa ng aking kapangyarihan, ang lupain ng Encantadia ay aking isinusumpa na kakalat ang lamig at kasamaan, isang sumpa na aking ibibigay hanggang hindi nila natatalo ang aming kampo.
Agad naman nagkalat ang kapangyarihan nya sa lupain ng mga encantado, ibat ibang nilalang ay naging masamang pashnea na nababalot sa yelo, naging yelo ang mga tubig maging ang mga pananim.
Habang naghahanda ang mga diwata, pansin nila na naging yelo ang buong Lireo kung kaya't agad naman silang nangamba
Tanakreshna, kinakailangan na natin kumilos ngayon rin wika ni Alena habang pinagmamasdan ang paligid
Nakahanda na ang ating hukbo mahal na Hara wika ni muros
Kung ganun, Ipalabas ang hudyat pandigma, nawa'y maging matagumpay tayo sa ating gagawing pakikidigma, mahabaging Emre, gabayan nyo kaming mga nananalig sainyo.
Agad naman naglaho ang mga Sanggre papaalis habang ang ibang mga kawal ay agad naman umalis upang maghanda.
Sa Isla ni Cassiopeia, ginagamitan ng bathaluman ng encantasyon ang kanyang sandatahang kabilan upang mapalakas ang kapangyarihan na nilalaman nito.
Nawa'y magtagumpay ako sa aking plano, Kinakailangan nang matapos ang kasamaan ng aking kakambal sa lalong madaling panahon.
Bago paman lumubog ang araw, nakahanda na ang hukbo ng mga diwata, sapirian, adamyan at mga hathor, habang nakahanda narin ang pagsugod ng nga kalaban kasama ang kanilang Hara
Alam ninyong lahat na kumukuha tayo ng lakas sa lamig, kung kaya't wag nyo sayangin ang pagkakataon na ito at paslangin nyo ang lahat ng mga encantado na kalaban natin wika ni Celeste
Mapa Hara man o Sanggre, ano mang estatos na mayroon sila, wag kayong magdadalawang isip na kitlin ang kanilang buhay wika ni ether
Habang sa panig ng mga diwata nagsasalita rin ang kanilang Hara
Siguraduhin natin na maibabalik natin ang kapayapaan sa Encantadia, gawin natin ang lahat upang hindi tayo bumagsak sa kamay ng mga kalaban wika ni Alena
Ibayong pag iingat din ang kinakailangan nyong gawin, lalo na't mababangis ang ating kalaban kumpara sa dati wika ni amihan
Ang digmaan na ito ay para sa kapayapaan ng buong encantadia kung kaya't wag kayong magdadalawang isip na lumaban wika ni danaya
Isang digmaan na magdadala ng lubos na dugo, ngunit para ito sa ating lupain. Para sa Hathoria! Sigaw ni Hara pirena
Para sa Lireo! Sigaw ni Sanggre Danaya
Para sa Adamya! Sigaw ni Hara Alena
Para sa Sapiro! Sigaw ni Hara amihan
Hasne Ivo Live Encantadia! Agtu! Sigaw ng mga Sanggre, agad naman silang sinundan ng mga kawal at sumugod
Habang sa panig ng mga kalaban ngumisi lamang ang Hara ng nyebe, Alam na ninyo ang inyong mga gagawin, sabay naglaho papaalis
Atayde! Sigaw ng kanilang mashna, agad naman sumugod ang mga kawal nyebe
Nagsimula na ang labanan sa pagitan ng mga encantado at kawal nyebe, ngunit hindi nila inaasahan na May mga pashnea na bigla nalamang lulutang upang kalabanin sila, mga higanteng nilalang na gawa sa yelo na nagpapasindak sa mga diwata ngunit hindi naman sila sumusuko. Kahit gaano kalakas ang lamig na kanilang nararamdaman tuloy parin ang laban
Sa devas pinagmamasdan ng tatlong bathala ang nagaganap kasama narin ang ibang mga ivtre na kanilang ipinatawag.
Kahit kailan hindi talaga lumalaban ng patas ang ating mga kalaban wika ni Haliya
Isa sa mga dahilan kung bakit natatalo ang ating mga nasasakupan wika ni Cassiopeia, ngunit kung nais nila makipaglaro ng marumi at hindi patas, kakayanin rin naman natin itong sundin wika ni mata
Anong ibig mong sabihin? Tanong ni haliya
Ang mga Sanggre na ang bahala wika ni Cassiopeia habang patuloy na pinanuod ang pangyayari. Tumingin lamang ang bathaluman at nagtaka.
Sa digmaan, kinakalaban ng mga Sanggre ang mga dambuhalang halimaw na gawa sa yelo, mga pashnea na tila May mahika, ginamit nila ang kanilang mga kapangyarihan upang mapuksa ang mga ito habang ang ibang mga kawal naman ay pinupuksa ang mga kawal nyebe
Sa panig ng mga kalaban nagtaka naman ang mashna ng nyebe
Mahal na Hara, kailan nyo ilalabas ang inyong patibong? Tanong ng mashna habang pinagmamasdan ang labanan
Maghintay ka lamang, lalo na't hindi Kopa nais matapos ang digmaan lalo nag kakasimula lamang nito, hayaan na muna natin ang mga diwata na maghirap bago nila harapin ang aking pagsubok
Sa bawat pagpaslang ng mga kawal agad naman dumadating ang mga iba pang naghihintay na kalaban upang makidigma kung kaya't iniisip ng iba na tila paikot ikot lamang ang kanilang mga hukbo at tila hindi ito natatapos
Tanakreshna, tila lalo lamang dumadami ang ating mga kalaban wika ni danaya
Tapusin na natin ito sa lalong madaling panahon, bago pa tayo madaig ng mga kalaban. Wika ni Alena, Pirena ihanda Mona ang ating nagpagusapan
Sumang-ayon naman ang Hara at agad naman inilabas ang kanyang brilyante upang isama ang isa sa mga makapangyarihang pashnea na mayroon ang mundo. Ang higanteng Borona na nagliliyab ng apoy
Ikinamangha naman ito ng mga nilalang na nakakita, habang inutusan ito ni Pirena na paslangin ang lahat ng mga kalaban na gawa sa nyebe mapa kawal man o pinuno. Agad naman syang sinunod ng pashnea at dito nagsimula ang laban
Magaling Pirena wika ni amihan na namamangha, ngayon Esta Sectu! Hindi pa tapus ang laban
Pinatuloy naman ng mga sanggre ang kanilang labanan sa mga kalaban. Habang sa devas ay patuloy silang pinagmamasdan ng nga mamamayan nito
Tila panahon narin upang kayo ay bumaba ng Encantadia, upang tulungan ang inyong mga kamaganak at kapwa wika ni Emre
Siguraduhin nyo lamang na babalik kayo na ligtas, at wag nyong hahayaan na magtagumpay ng mga kalaban sa digmaan na ito wika ni Haliya
Makaka asa kayo Bathaluman, na gagawin namin ang lahat upang magtagumpay kami sa aming misyon wika ni Raquim
Ipinapanalangin namin kayo sa pinakamataas na Bathala, at binigyan ng basbas upang magkaroon ng matalik na pag iisip at sapat na lakas sa oras na sasabak kayo sa digmaan wika ni Cassiopeia
Agad naman yumuko ang mga Ivtre bilang pagbibigay galang at matapos nila itong gawin naglaho na sila patungo sa Encantadia habang naiwan ang tatlong bathala
Panahon narin upang isagawa natin ang ating plano wika ni Emre
Mauna na kayo lalo na't May kinakailangan rin ako asikasuhin bago ako magtungo ng Encantadia wika ni Cassiopeia sa lahat
Sumang-ayon naman ang dalawa, ngunit bago naglaho si Cassiopeia papaalis pinigilan sya ng bathala
Mag iingat ka mahal ko wika ni Emre sabay halik sa pisngi ng bathaluman
Makakaasa ka laking ngiti ni Cassiopeia
Habang si Haliya sa gilid ay napa-ubo ng kunwari ay winika, Ehem Digmaan muna bago landian Ehem.
Tiningnan naman sya ng dalawa at agad naman lumayo ng tingin ang Bathaluman , pinigilan ang sarili nya na matawa
Natawa naman ng kaunti ang Bathaluman bago sya naglaho papaalis.
Nawa'y magtagumpay tayo, mag iingat kayo wika ni Cassiopeia Avisala mieste, at dito naglaho na sya papa alis habang naiwan ang dalawa
Tiningnan naman sya ng bathala na tila naiinis habang ang Bathaluman ay nagkunwari na parang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
Buhay Diwata-Bathaluman
أدب الهواةMatapos ang digmaan laban kina hagorn at ether, inisip ng iba na payapa na ang lahat, ngunit May isang nilalang na mayroong kaalaman sa mga magaganap. liban nalamang sa sarili nyang mga pangyayari.