Kadiliman, isa sa mga bagay na nakikita nya, mga mahihinang boses ng hindi nya kilalang nilalang, isa sa mga naririnig ng kanyang tenga. Ramdam nya ang bigat ng kadiliman na tila bumabalot sa kanyang katawan, tila kinasain nalamang sya ng parang isang walang laban na pashnea. Hanggang sa sya ay magising
Naimulat nya ang kanyang mga mata, nasa isang silid na hindi nya kabisado, tiningnan nya ang paligid, ngayon nya palamang ito nakita sa kanyang buong buhay. Ang kanyang kasuotan na tila nagbago rin. Hinawakan nya ang kanyang katawan, ngunit wala na ang mga sugat nya
Nasaan ako? Laking gulat nya ng makapagsalita sya gamit sa kanyang bibig, agad nya naman tinakpan ito gamit ang kanyang mga kamay.
Esti Ivi? Pano ako?.... Nasan ako? Kinakabahan nyang tanong, bago pa sya muling malito sa pangyayari, May naglaho na isang nilalang sa kanyang harapan. Puti rin ang kanyang kasuotan, ngunit nakikilala nya ang kanyang mukha. Wala naman ibang nilalang na nakilala sya na May apoy sa ulo.
Avisala Cassiopeia, ikinagagalak naming gising Kana wika ng nilalang
Keros? Tanong ng bathaluman, nasaan ako? At sino ang kasama mo?
Avisala Cassiopeia, Ako si Nandra, ang bathaluman ng pagsubok, ikinagagalak naming muli kang makarating sa langit, bathaluman ng mga buwan at hinahanap.
Kumunot naman ang noo ni Cassiopeia, Ano ang inyong pinagsasabi? Tanong nya na naguguluhan
Tinatanong mo ito lalo na't hindi mopa naalala ang iyong tunay na nakaraan, kung kaya't bumangon Kana dyan lalo na't May naghihintay sayo wika ni keros
Sumang-ayon nalamang si Cassiopeia, at agad naman sinundan ang dalawang bathala na iniwan nalamang sya. Naglakbay sila sa isang koridor, ibat ibang bathala at bathaluman ang kanilang nakakasalubong, ang iba ay tila nag kekwentuhan lamang, ang iba ay naglalakad na parang hindi sila nakikita.
Pinagmasdan ng bathaluman ang bawat wangis nila ngunit kahit sinoman Sakanila ay hindi nya nakikilala. Hanggang sa makaabot sila sa isang silid
Hanggang dito nalamang kami, wika ni Nandra, pumasok ka sa silid na iyan at makakausap mo ang naghahanap sa iyo.
Nang marinig ito ni Cassiopeia pumasok sya sa silid na sinasabi nila habang naiwan ang dalawa sa kanilang kinaroroonan.
Nawa'y mabigyan sya ng isa pang pagkakataon, na mabigyan sya ng isang gantimpala wika ni Nandra
Anong gantimpala ang iyong tinutukoy? Tanong ni keros
Malalaman monalang kaibigan laking ngiti ni Nandra habang tinitingnan ang silid.
Pumasok si Cassiopeia sa silid, agad naman syang nabulag sa liwanag na nanggagaling sa bawat sulok ng lugar, hinintay nya na May matigil ang liwanag hanggang sa May makita syang nilalang na napakatangkad at tila makapangyarihan.
Sino ka? Tanong ni Cassiopeia
Ako ang sinasamba ng lahat ng mga bathala at bathaluman na mayroon ang mundo, Kinikilala nyoko bilang ang pinakamataas na Bathala.
Nang malaman ito ng bathaluman agad naman syang nagbigay pugay sa kanyang nasasarapan.
Cassiopeia, ikaw at ang iyong kapatid na si Celeste Ang kambal Bathaluman ng liwanag at yelo ay isinumpa noon upang mapatalsik sa inyong tahanan, bilang kaparusahan sa walang hanggang pag aaway ninyong magkapatid, kasama narin dito ang pagkawala ng inyong ala ala at buong kapangyarihan. Sa bisa ng aking kapangyarihan, ibinabalik kona ang iyong ala ala at totoong kapangyarihan, upang malaman mo kung sino at saan ka talaga nagmula, upang maging ang iyong puso at isipan hindi mahirapan upang intindihin ang iyong tunay na sarili.
Sa oras na marinig nya ito, lahat ng alaala nya simula pa lamang ng sya ay mabuhay ay nagbalik sa kanyang isipan, ang mga ala ala nya na mayroon sya ng kasama nya ang kanyang kapatid, ang mga dahilan kung bakit sila palaging nagaaway, at kung bakit sila naisumpang mapalayas sa langit. Agad ito pumasok sa kanyang isipan hanggang sa mawalan nya ang huling memorya na meron sya bago sya mamatay.
Pinigilan ng bathaluman ang kanyang sarili na maiyak, ngunit nag lakas ng loob sya na magtanong.
Ngunit, bakit ako nandito? Bakit ako nag balik kung isinumpa nyo na ako?
Lalo na't sapat na ang iyong kaparusahan, isa sa mga dahilan kung bakit ka nandito, maging ang iyong gantimpala.
Gantimpala? Tanong nya na nagtataka
Oo Cassiopeia, alam ko kung gaano ka importante ang iyong mga minamahal na naiwan sa Encantadia, kung kaya't bibigyan kita ng desisyon.
Dahil namatay Kana, May karapatan ka na muling pumasok sa langit at makuha ang iyong kapangyarihan at maibalik ng iyong dating sarili, o kaya maari kang mabuhay muli upang makasama ko ang iyong mga minamahal, ngunit hindi mo makukuha ang iyong totoong kapangyarihan at hindi Kana muli pang makakabalik sa langit.
Kahit na muli akong mapaslang? O mamatay? Tanong ng bathaluman
Oo Cassiopeia, sa oras na mamatay ka muli ang iyong diwa ay magiging ligaw sa lupain ng mga encantado, kung kaya't piliin mo ang naiisip mong nararapat
Natahimik ang bathaluman, ngayong naalala na nya ang lahat, naalala nyarin ang iba nyang kaibigan ang mga tinuring nya na pamilya, at ang kanyang totoong tahanan. Ngunit ang kanyang dating buhay kung saan nanirahan sya bilang isang pangkaraniwang encantado, ang mga nananalig sakanya, sino na ang mag aalaga Sakanila?
Naglalaban ang isip ng bathaluman sa kung sino nga ba talaga ang pipiliin nya, kung maari lamang na parehas nya itong makuha ay kukunin na nya ang oportunidad ngunit hindi naman ganito ang tadhana.
Upang makapag-isip ka ng tama, piliin mo ang sa tingin mo ang nararapat para sayo, at hindi para sa iba. Kung saan ka sa tingin mo masaya, ito ang iyong piliin, pakinggan mo ang iyong puso.
Huminga ng malalim ang Bathaluman at ipinikit ang kanyang mga mata, inalala nya ang mga tao na nagpapasaya sakanya, inalala nya kung saan sya masaya. Sa oras na nahanap ni Cassiopeia ang sagot sa kanyang mga katanungan, idinilat nya ang kanyang mga mata at ngumiti.
Naghihintay parin ako sa iyong desisyon Bathaluman, Hindi habang buhay ang iyong desisyon.
Alam kona ang aking pipiliin laking ngiti ng bathaluman.
At ano naman ito? Sabihin mo kung ano ang iyong nais.
Basahin nyo ang aking puso, lalo na't ito ang nakakaalam ng aking magiging desisyon, at kahit anong mangyari ay hindi kona babaguhin pa ang aking napag-isipan, wika ni mata na natutuwa
Ikinagagalak kong pinili mo ang tama bathaluman.
BINABASA MO ANG
Buhay Diwata-Bathaluman
FanficMatapos ang digmaan laban kina hagorn at ether, inisip ng iba na payapa na ang lahat, ngunit May isang nilalang na mayroong kaalaman sa mga magaganap. liban nalamang sa sarili nyang mga pangyayari.