Kabanata 16: Masamang Pangitain

78 4 33
                                    

Avisala eshma muli sa iyong pagsama sakin wika ni Cassiopeia

Walang anuman mahal ko, lalo na't para naman ito sa kapakanan ng Encantadia, ang pagpupulong na naganap sagot ng bathala

Ngumiti naman ang bathaluman, ramdam nya ang pagtunaw ng kanyang puso tuwing kasama nya ang kanyang pinaka mamahal

Avisala mieste E corrie, lalo na't May mga aasikasuhin pako bago mag hating gabi, magpahinga Kana lalo na't alam ko na ilang araw kanarin hindi natutulog

Huwag Mona akong alalahanin lalo na't kaya ko Aman nang alagaan ang aking sarili

Hinalikan nya ito sa pisngi at muling niyakap, ay duon umalis ang bathala pabalik sa kanyang sariling tahanan

Pumasok si Cassiopeia sa kanyang tahanan na puno ng ngiti ay saya, pumunta sya sa kanyang silid at humiga sa higaan ngunit hindi parin nawawala ang nararamdaman nya

Shedda Cassiopeia nagiging si Lira ka wika nya sa kanyang isipan

Kahit man puno sabihin nya sa kanyang sarili na puno pa sya ng enerhiya, hindi naman nya matatakasan ang katotohanan kung kaya't maya maya agad narin syang naidlip sa kanyang silid

Nagising ang Bathaluman sa isang madilim na lugar, walang ano mang nilalang o gamit ang nasa paligid liban nalamang sakanya

Nasan ako? Tanong nya sa sarili habang tinitingnan ang paligid, ginamit nya ang kanyang kapangyarihan ngunit wala itong naging epekto, wala parin nagbago.

Sa ilang sandali ng kanyang paghihintay, ang paligid ay nagkaroon ng buhay, napansin nya nanasa isla sya ng Capade, ngunit iba ito.

Pinagmasdan nya ang kanyang tahanan na nawasak, ang paligid na puno ng yelo, naguguluhan sya ngunit May biglang nagpakita sakanya

Avisala Cassiopeia, ako ang isa sa iyong mga espiritung mata wika ng nilalang

Anong kailangan mo? At bakit ganito ang mga nakikita ko? Tanong nya na nag aalala

Ang nalalapit na digmaan at isa sa mga dapat nyong paghandaan, halika at pagmasdan mo ang mga maaring maganap sa digmaan wika ng nilalang

Sinundan naman sya ng bathaluman, at parehas silang naglaho patungo sa teritoryo ng Adamya kung saan naganap ang labanan

Nakita nya na maraming kawal, maraming mandirigma at ibang mga encantado at kalaban na napuksa. Nakita nya ang nyebe na bumabalot at nahuhulog mula sa kalangitan

Hindi basta basta ang kalaban nyo bathaluman, kung kaya't ibayong pag iingat ang nararapat nyong gawin, wika ng nilalang

Anong ibig mong sabihin? Naguguluhan ako wika ni Cassiopeia

Maraming mga pinuno ang mamamatay, at May dalawang nilalang na magpapatayan, at ang iba ang magdurusa. Humanda ka Cassiopeia sa mga bagay na alam kong hinding hindi mo inaasahan.

At duon naglaho ang kanyang espiritu, nakita nya ang digmaan na naganap,kung pano pinuksa ng mga Sanggre ang mga bathala, habang ang mga diwani na nilabanan si Celeste

Maraming pangitain ang ipinakita sakanya, maraming mga bagay na pumapasok sa kanyang isip hanggang sa makita nya ang kanyang sarili na sinaksak ng isang nilalang

Agad naman napabangon ang bathaluman sa kanyang pagpapahinga, ang dami ng impormasyon na kanyang nakuha, at hindi nya alam kung saan sya mag sisimula. Tiningnan nya ang paligid at pinagmasdan ang kanyang silid, ang kanyang munting alaga na tulog pa

Bumangon sya at nagtungo sa balkonahe, kinalma nya ang kanyang sarili ay napa isip.

Mahabaging bathala, nawa'y hindi naman nagkatotoo ang aking napanaginipan, nawa'y hindi magtagumpay ang mga kalaban, sana naman ay gabayan nyo kami sa nalalapit na digmaan. Laking dasal ng bathaluman sa pinakamataas na Bathala

Naisipan ng bathaluman na magtungo sa devas upang malaman kung totoo nga ba ang kanyang nakita o hindi, alam nya sa kanyang sarili na hindi sya matitigil hanggang hindi nya nalalaman ang kasagutan sa kanyang Pangitain

Agad naman nagtungo ang Bathaluman sa devas, hindi na nya ipinatawag pa ang kahit sinoman bagkus, sya nalamang ang nagkusang hanapin bathala na naninirahan dito

Nagtungo sya sa kanyang silid at hindi naman sya nagkakamali, natagpuan nya itong nagpapahinga rin. Ngumiti ang bathaluman, nagdadalawang isip kung gigisingin nya ba ito o hindi. Inisip ng bathaluman na hindi nya na ito gagambalain pa, bago pa sya makaalis narinig nya ang kanyang pangalan kung kaya't tumalikod naman sya upang harapin ang bathala

Avisala mahal ko, ikinagagalak kong makita ka wika ng bathala at agad naman nilapitan ang Bathaluman

Avisala mahal ko, poltre kung ginagambala kita sa iyong paghimbing, ngunit May nais lamang akong itanong wika ni mata

At ano naman ang nais mong malaman? Tanong nya pabalik

May nakita akong pangitain tungkol sa nalalapit na digmaan, sa tingin mo ba ay magkakatotoo ito? Tanong ni mata

Maari ang malaman ko kung ano ang iyong nakita? Upang mas lalo kong mabigyan ng tamang sagot ang iyong katanungan

Hindi na kinakailangan, nais kolamang malaman, sa tingin mo ba ay magkakatotoo ito? Tanong nya muli

Cassiopeia, walang kapalaran ang nakaguhit sa bato kung kaya't, maaring hindi maging totoo ang iyong pangitain, lalo na kung pipigilan mo ito, minsan magkakatotoo lamang ang ibang bahagi nito, ngunit hindi ang kabuohan, kung kaya't wala kang dapat ipag alala.

Avisala eshma mahal ko, yan lamang ang aking nais na marinig, lalo na't alam ko sa aking sarili na hindi matatahimik ang aking pag iisip kung wala akong marinig na kasagutan

Ikinagagalak kong nakatulong ako sa iyong suliranin, ngunit akala ko ay nagpapahinga Kana? Tanong nya

Kanina, ngunit biglaan nalamang akong nagising dahil na nga sa pangitain ko sagot ni Cassiopeia

Kung ganon, nais mo bang sa devas kanalamang mamahinga, upang hindi Kana mag isip isip ng kahit ano man muna. Lalo na't alam kong pagod na pagod kana

Tila mas makakabuti nga saamin kung dito nalamang muna ako, Avisala eshma emre, laking ngiti ng bathaluman

Ibinalik naman ng bathala ang kanyang matamis na ngiti, at hinawakan ang pisngi ng bathaluman. Huwag kang mag alala hindi ko hahayaan na May mangyayari uling ganito sayo hangga't hindi mopa nakukuha ang iyong dating lakas at tamang kapayapaan sa pag iisip

Iba karin talaga hindi ba? Tanong ni Cassiopeia habang natatawa

Oo naman, lalo na't pagdating saiyo mahal ko laking ngiti ng bathala

Natawa lamang si Cassiopeia sa sinabi ng kanyang pinakamamahal Habang hinayaan lamang sya na tumawa

Magpapahinga na muna ako, Avisala eshma muli wika ni mata at hinalikan ang pisngi ng bathala

Alam nya sa kanyang sarili na hindi pa Tapus ang suliranin na pinoproblema nya ngunit sa ngayon ang nais nya muna alalahanin ang kanyang sarili

Buhay Diwata-BathalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon