Thank you ulit Great grandma Cassiopeia, hindi ko talaga aakalain na papayag ka sa sleepover na'to! Wika ni ni Lira
Maging ako rin, hindi ko alam kung pano nyo ako napilit mahinhin na pagkasabi ni mata
Hayaan Mona sila mata, lalo na si Lira alam naman natin parehas na kahit anong gawin nating hakbang ay hindi sya titigil kaya't pagpasensyahan monalang wika ni mira
Natawa lamang ang iba pang mga kasama nila, hanggang sa magsalita si haliya
Lira, maari mo bang ipaliwanag ang iba pang ginagawa sa iyong "sleep over?"
Pwede po tayo mag kwentuhan, mag laro, basta gawin lang natin ang ano man na ninanais natin at sa huli natutulog na wika ni Lira
Kung ganun, simulan na natin ang iyong plinano sanggre wika ni Cassiopeia
Nag usap usap ang apat hanggang sa umabot na sila ng mag hagating gabi, unang nakatulog ang sanggre mira habang nagpatuloy parin sa paguusap Nina Lira at nakita. Patuloy naman nakinig ang Bathaluman hanggang sa nakatulog na ang kanyang mga kasama
Wala talagang makakatalo sa pagkadaldal ni Lira wika ni mata habang tinitingnan ang tulog na sanggre
Ngunit wala naman nagsalita, agad naman nila tiningnan ang dalawang sanggre at tila nakatulog na sila sa kanilang mga espasyo
Tumayo naman ang bathaluman at umalis sa silid na kanyang kinaroroonan at naglakad patungo sa sarili nyang hardin.
Umupo sya sa isang banko malapit sa puno ng buhay na kanyang itinanim noon kasama ni Mira, lalo na't isa ito sa mga paborito nyang lugar, maging ang puno ng buhay sa devas.
Naalala nya ang pangyayari sa devas, noong hinalikan sya sa pisngi, totoo na nasindak sya, ngunit hindi nya inaasahan na tila magugustuhan nya ito
Ano nanaman bang nagyayari sa iyo Cassiopeia? Tanong nya sa kanyang isipan
Tinitigan nya ang buwan na tila napakaliwanag lalo na't hindi pa bumabalik si haliya sa kanyang munting tahanan. Tumayo ang Bathaluman at sinubukan kumuha ng bunga sa puno ng buhay, ang isang prutas na tila nagustuhan nya, ngunit dahil sa kanyang pagkalimot hindi na ito naabot at napuno lamang sya ng Dismaya
Bakit banaman kasi kinailangan mong tumubo bilang napakalaki na puno? Tanong nya sa tanim na puno
Sinubukan nya muling kunin ang bunga hanggang sa May nilalang na kumuha nito para sakanya
Kay hirap maging maliit hindi ba? Tanong ng nilalang
Pagtalikod ni Cassiopeia upang makita ang nilalang, nakita nya ang nag iisang bathala ng Encantadia na hawak hawak ang munting prutas na nais nya makuha
Emre? Anong ginagawa mo rito? Halos hating gabi na! Tanong nang Bathaluman
Alam mo naman na hindi ako nag papahinga hindi ba? At nang makita kitang nahihirapan na kunin ang prutas naisipan kolamang na tulungan ka sagot nito at sabay binigay ang bunga
Avisala eshma wika ni Cassiopeia habang kinuha ang bunga na mula sa puno
Ikaw? Anot tila gising kapa? Ang iyong mga kasama ay tila nasasayahan sa kanilang pag himbing habang nandito ka at nahihirapan makakuha ng isang prutas
Hindi lamang ako makatulog, tila dahil saaking mga iniisip wika ni mata at umupo sa bangko, siniglo naman nito na umupo sya sa kayang tabi at hindi naman sya nag dalawang isip na tanggihan ito
Parehas silang tahimik sa kanilang kinaroroonan habang ang Bathaluman ay kinakain ang kanyang nakuhang prutas
Ngayon kolamang naisip na bagay na bagay magsama si haliya at Lira lalo na't napakalaki nang kanilang mga bibig wika nang bathaluman upang maputol ang katahimikan
Natawa lamang si Emre, noon paman ay napakalaki na talaga ng bibig ni haliya, lalo na noong naroon pa kami sa dati naming tahanan, sila ni Ether ang napakaingay sa aming lima
Mabilis lamang silang magkasundo nang mga bagay laking tawa ng bathaluman
Patuloy na kinain ng bathalumanng prutas habang tinitigan lamang sya ng kanyang katabi
May problema ba? Tanong ni mata
Wala naman, ngunit ikaw? May bumabalabag ba sa iyong isipan? Tanong nya
Nakakabasa karin naman nang isipan hindi ba? Tanong ni mata
Nangbabasa lamang ako kapag kinakailangan ngunit nais Mona na basahin ko ang iyong isipan? Tanong ni Emre
Hindi na kinakailangan lalo na't pare parehas lamang ang aking mga iniisip, ang Encantadia, ang mga nalalapit na digmaan at ang aking mga iba pang sularinin sagot nya at ikaw.. wika nya sa kanyang isipan
Wag mo problemahin ang mga bagay bagay na iyan lalo na't alam naman nang lahat na magkakaroon ito nang solusyon
Sana nga wika ni mata at dahan dahan nyang ipinatong ang kanyang ulo sa balikat nang bathala at ipinikit ang kanyang mga mata
Tiningnan naman sya ni Emre, napansin nya na tulog na ang Bathaluman, tila nakuha nya ang bunga nang pagpapahimbing wika nya ngunit hindi sya nabahala, bagkus hinayaan nya nalamang ito na nakatulog sa kanyang tabi
Habang sa gilid naman ay May dalawang nilalang na tila tuwang tuwa
Hawak ni Lira ang kanyang cellphone at agad naman sila kinuhanan nang litrato habang ang bathalumang haliya naman ay pinapalakas ang ilaw nang buwan
Sabi ko sayo, wika ni Lira hay nako mata after all this years naiinlove kanarin
Hindi rin mag tatagal ay alam ko na magiging sila narin wika ni haliya nahalata ko ito noong magkasama sila upang bawiin ang devas, tila iba ang nararamdaman ko Sakanila
Tumingin naman si Lira sa Bathaluman na nakangiti nababasa nyo naman ang isipan ko diba? Tanong ni Lira
Saka na sanggre, hayaan na muna natin sila wika ni haliya
Unti unti naman naimulat ni Cassiopeia ang kanyang mga mata, at hindi na Malayan na mayroon na pala syang pinapatungan gamit ang kanyang ulo
Agad naman syang napatayo, poltre hindi ko inaakala na makakatulog ako
Natawa lamang ang bathala, tila nakuha mo ang bunga nang pagkahimbing kung kaya't wala kang dapat ipagalala, magpahinga Kana lalo na't May roon kapang natitirang oras bago mawala ang bisa nang bunga na iyong kinain
Ngumiti naman si Cassiopeia, Avisala eshma sa iyong pagbisita, hanggang sa muli nating pagkikita laking ngiti nito at agad naman tumalikod upang maka alis
Ngunit bago sya pumasok sa kanyang tahanan, hinarap nya muli si Emre at hinalikan rin sa pisngi
Tumalikod ito at ngumiti, at agad naman bumalik sa kanyang tahanan bago pa malaman nang kanyang mga kasama na wala na sya sa loob.
Hinintay nang bathala na makapasok ang Bathaluman bago sya umalis,ngunit hindi nila napansin na tila May isang ibon na nakatitig Sakanila.
BINABASA MO ANG
Buhay Diwata-Bathaluman
FanfictionMatapos ang digmaan laban kina hagorn at ether, inisip ng iba na payapa na ang lahat, ngunit May isang nilalang na mayroong kaalaman sa mga magaganap. liban nalamang sa sarili nyang mga pangyayari.