Ilang araw narin ang nakalipas ng mapatawad ng bathaluman ang bathala, kung kaya't nagbalik narin ang loob ni Cassiopeia na pumunta ng devas na walang sama ng loob, at kinakayanan nya narin na tingnan ang bathala ng normal kagaya ng dati.
Dahil rin dito halos napapalapit na sila sa isa't isa ngunit hindi ito napapansin ni Cassiopeia, tila mas masaya sya kapag kasama nya ang bathala kumpara sa mga ibang encantado na palagi nya nakakasalamuha, minsan ay inaasar sya ng bathalumang haliya ngunit hindi nya ito pinapansin at ngumingiti nalamang sya sa tuwing gagawin nya ito.
Bagong araw at bagong mga tungkulin nanaman na kinakailangan gampanan wika ni Cassiopeia sa kanyang isipan, nalalapit na ang digmaan na nais ipahayag ni Celeste kung kaya't nag hahanda na ang lahat.
Patuloy parin ang mga banta na ginagawa nya ngunit hindi nya kami matatalo dahil dito, matagal na kaming nag hahanda at kahit ano mang patibong ang gawin ng aking kapatid hinding hindi namin sya uurungan.
Nagtungo si Cassiopeia sa devas upang gawin ang kanyang mga tungkulin, lalo na't kinakailangan rin nilang sanayin ang ibang mga ivtre kung sakali man kailanganin sila sa digmaan.
Mabuti ay nandito Kana Cassiopeia lalo na't May kinakailangan tayong asikasuhin sa balaak wika ni Emre
Bakit? Anong nangyayari sa balaak? Tanong ni Cassiopeia
Nagsabi saakin ang aking mga alagad na tila May nais gawin ang mga hadezar upang makatakas sila, kung kaya't nais kong samahan moko upang mas mapatatag natin ang pananggalang na nakabalot sa balaak upang kahit ang sino mang vedalhe ay hindi ito basta basta mapapasok o mapapalaya ang sinoman.
Ngunit hindi ba't wala naman kakayahan na makawala ang mga ivtre? Tanong ni Cassiopeia
Noon iyon, noong si arde pa ang namamahala lalo na't alam nya na kapag pinalaya nya ang mga hadezar sobrang bigat ng sumpa na dadalin nya habang buhay, ngunit ngayon na wala na sya hindi nababalanse ang kapangyarihan na nababalot sa balaak, kung kaya't kinakailangan ko ang iyong tulong wika ni Emre
Kung ganun wag na tayo mag aksaya ng panahon lalo na't nalalapit narin ang digmaan sa Encantadia, at hindi natin kinakailangan na May mangyayari din na masama sa langit habang nag didigmaan ang mga encantado
Sumang-ayon naman ang bathala, at agad naman sila nagtungo sa balaak.
Nang makarating sila sa mainit na dating tahanan ni arde, nakita nila ang ibat ibang mga hadezar na tila malayang naglalakad habang ang ibang mga ivtre naman at kawal na mula sa Devas ay pinamamahalaan sila
Avisala mahal na Emre wika ng kawal ikinagagalak namin at nagtungo kayo rito
Avisala rin mashna, ano na ang kalagayan ngayon ng balaak? Tanong ni Emre
Ang ibang mga hadezar ay nakakulong parin ngunit ang iba na tila nagmamagandang loob ay hinahayaan namin maglakad-lakad ng May nagbabantay, Habang ang natitirang hadezar ay May mga balak na tumakas ngunit hindi naman sila napagtatagumpayan ng tadhana
Mayroon bang ivtre na tila sumosobra na kanyang mga gawain? Tanong ng bathaluman
Wala naman ho bathaluman ngunit ang mga kawal na hadezar lamang ang makukulit at hindi natututo, habang ang ibang mga encantado na makapangyarihan ay nakapiit sa ibat ibang piitan, sinisigurado namin na wala silang interaksyon sa kahit sino man liban nalamang saamin
Kung ganun, kami na ang bahala rito wika ni Cassiopeia maari na kayo bumalik sa inyong mga tungkulin
Avisala eshma mahal na bathala wika ng kawal at umalis kaagad
Tiningnan ni Cassiopeia ang paligid at pinakiramdaman ang kapangyarihan na bumabalot sa lugar.
Gawin na natin ang pakay natin nangsagayon ay hindi na lalo pang lumala ang sitwasyon rito wika ni Cassiopeia
Agad naman nilang sinimulan ang pagsanib pwersa ng kanilang kapangyarihan upang mas lalong mapalakas ang pananggalang ng balaak ngunit naramdaman ni Cassiopeia ang tila kakaiba
Tiningnan nya ang paligid at nakita na maynaglaho na isang ivtre na tila alagad noon ni arde base sa kanyang pagmamasid, bago paman ito makakilos hinila nya ang bathala upang makapalit ng pwestong kinaroroonan at duon sya ang nasugatan ng ivtre sa likod.
Ah! Sigaw ng bathaluman at agad naman syang nasalo ng bathala, hindi naman malalim ang sugat nya ngunit ramdam nya parin ang talim ng sandata na bigla nalamang tumama sa kanyang likuran
Pashnea! Sigaw ng bathala at agad naman isinamo ang dejar upang mapaslang ang lahat ng mga hadezar na nasa paligid. Kahit ang mga hadezar na wala namang ginagawang masama upang masigurado na hindi na ito muling mauulit.
Emre kailangan na natin itong tapusin wika ni Cassiopeia
Ngunit ang iyong sugat, kinakailangan na muna natin itong gamitin
Saka Mona ito alalahanin, sa ngayon tapusin na natin ang ating tungkulin upang makalik na tayo ng devas.
Labag man sa loob ng bathala ngunit sumang-ayon nalamang sya, at sa oras na natapos ang kanilang encantasyon agad naman sila umalis ng balaak
Agad naman silang nakabalik ng devas at hindi parin binitawan ng bathala ang Bathaluman kung sakaling sya ay mang hina
Avisala eshma ngunit kaya kona ang aking sarili wika ni Cassiopeia
Ako na ang gagamot saiyo kahit naisin mo man o hindi wika ni Emre
Ngumiti lamang si Cassiopeia at hinayaan na gamutin ang kanyang mga sugat, matapos sya magamot muli nyang pinasalamatan ang bathala
Avisala eshma muli, at poltre kung nasindak kita kanina
Wala kang dapat ipaghingi ng tawad at ako dapat ang nagpapasalamat lalo na't iniligtas mo muli ang aking buhay.
Ginagawa kolamang kung ano ang tama laking ngiti ng bathaluman
May iba kalabang sugat na natamo? Tanong ni Emre na nag aalala, at kamusta ang iyong kalagayan? May iba kabang nararamdaman?
Wala naman ngunit salamat sa pag aalala, wala naman akong kinakailangan pang tapusin rito kung kaya't babalik nako ng Encantadia wika ni Cassiopeia at tumayo sa kanyang kinaroroonan
Ihahatid na kita, bilang pagpapasalamat sa iyong ginawa
Hindi na kinakailangan lalo na't wala naman Atang hadezar na sumunod sa akin papunta rito laking tawa ng bathaluman
Kahit manwalang nakasunod sayo nais kolamang itong gawin sagot naman nya
Wag Mona aksayahin ang iyong oras lalo na't alam kong marami kapang tungkulin, kung kaya't Avisala mieste Emre
Bago paman sya maka alis, naglakas nang loob na ang bathala na halikan sya sa pisngi
Mag iingat ka laking ngiti nito
Natulala lamang ang bathaluman ngunit maya maya ay agad nyarin natanggap ang pangyayari at ngumiti lamang bago bumalik ng Encantadia at tuluyang lumisan
BINABASA MO ANG
Buhay Diwata-Bathaluman
FanfictionMatapos ang digmaan laban kina hagorn at ether, inisip ng iba na payapa na ang lahat, ngunit May isang nilalang na mayroong kaalaman sa mga magaganap. liban nalamang sa sarili nyang mga pangyayari.