Sa devas pinagmamasdan ni Emre ang mga diwata na nakikipaglaban sa mga vedalje na sumalakay sa lireo, pinagmasdan nya ang mga diwata na kinakalaban ang ibat ibang mga kawal nyebe, habang ang iba ay napaslang ng mababangis na kalaban
Hindi talaga mapipigil ang mga kalaban wika ng bathala
Patuloy syang nagmamasid hanggang sa May mga ivtre na tumakbo papasok ng punong bulwagan ng devas.
Mahal na Emre, sinasalakay ang devas ng mga kalaban wika ni alira naswen kasama si gamil at Khalil
Tanakreshna! Wika ng bathala, bago paman sila makakilos May nagpasabog gamit ang kapangyarihan kung kaya't lahat sila nasindak. Agad naman nilang pinagmasdan ang mga nilalang na nagsipasok sa silid
Avisala Kaibigan wika ng nilalang
Dalawang nilalang na tumayo sa kanyang harapan, walang iba kundi sina ether at arde, agad naman sinabihan ni Emre ang mga ivtre na nasa silid na sabihan ang ibang mga ivtre na gawin ang lahat upang hindi bumagsak ang devas. Agad naman linisan Nina alira naswen at gamil ang silid habang naiwan ang tatlong bathala
Kay tagal rin ng panahon ng muli akong makatungtong sa devas wika ni ether
Kung May balak kananaman na sakupin ang devas, wag Kana umasa ether lalo na't hinding hindi nako papayag na ulitin nyo ang ginawa nyo noon! Wika ni Emre
At ano naman ang laban mo? Tanong ni Arde Isang bathala laban sa dalawa? Ano naman ang magagawa mo?
Mag isa ngalang ako, ngunit baka nakakalimutan mo na hawak ko ang aking kapangyarihan ang dejar, maging ang kapangyarihan ninyo ni keros kung kaya't ano naman ang laban nyo sa akin? Tanong ni Emre na tila pang aasar
Pashnea! Wika ni arde, bago paman magsimula ang kanilang labanan May nga ivtre na pumasok upang tulungan ang bathala, habang May mga isinamo na kawal ang dalawang vedalje
Tingnan nalamang natin kung sino ang matitirang buhay wika ni ether, at duon nagsimula ang labanan. Nagsimula na magsagupaan ang ibang mga ivtre at kawal, at hindi rin naman pinalagpas ng bathala na kalabanin ang dalawa nyang dating kaibigan
Nilabanan nya ito ng mag isa, sa kanyang pag oobserba ay wala paring pinagbago ang kanilang mga galaw, habang ang kanilang mga kapangyarihan ay tila mahina parin kumpara sa dati .
Hindi nagpadaig ang bathala sa laban hanggang sa mapagod ang mga kalaban, pinagmasdan nya lamang ang dalawa na tila hinihingal
Kaya nyo paba akong labanan? Tanong ng bathala habang tinututok ang kanyang sandata sa dalawang bathala
Tingnan natin kung kaya mong labanan kami ng nag iisa wika ni ether, ay duon muli silang nagsanib pwersa bilang isang nilalang.
Ngumisi lamang ang nilalang at muling nagsimula ang kanilang labanan, napansin nya na tila mas umayos ang kanilang pakikipaglaban ngunit bago paman sya masaksak ng nilalang ay maynaglaho sa kanyang likuran at sinipa ang nilalang papalayo
Ngayon patas na ang laban! Agad naman tiningnan ni Emre kung sino ito at nakita nya ang pinakamakapangyarihang bathaluman ng mga diwata
Tamang tama ang iyong pagdating Cassiopeia wika ni emre
Tapusin na natin ito wika ni mata at ibinigay ang kanyang kamay, nagtaka naman ito hanggang sa mabasa nya ang kanyang isipan at duon sumang-ayon ito sa plano. Hinawakan nya ang kamay ng bathaluman at ginaya ang kanilang kalaban, nagsanib pwersa rin sila
Madaya talaga kayo kahitkailan! Wika Nina ether at arde
Ikaw ang nagasimuno, nais kolamang gayahin wika Nina Emre ay Cassiopeia
Isinamo ni Ether ang kanyang napakahabang baton habang pinahaba naman ni Cassiopeia ang kanyang kabilan, nilabanan ng bathaluman ang isa't isa hanggang sa mapatumba ni Cassiopeia si ether ng masugatan nya ito sa likod, bago paman ito makapagpalit bilang si Arde inunahan na sya ni Emre at ginamit ang kanyang kapangyarihan upang mapigilan ang bathala.
Wala nang nagawa ang dalawa kundi maglaho at tumakas, ngunit hindi nila alam na ang sugat na binigay ni Cassiopeia ay isang sumpa, isang paghihiganti na ginawa nya noong sinumpa sila ni Ether
Nang makatakas ang dalawang bathala agad naman nagsilaho ang lahat ng mga sumalakay sa devas at dito pinaghiwalay ng dalawa ang kanilang kapangyarihan upang bumalik sa kanilang sariling wangis
Bago paman makapagsalita ang bathala biglaan syang niyakap ng bathaluman at nagsimulang humingi ng paumanhin
Poltre lalo na't huli nakong dumating, hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung muli nanaman nilang masasakop ang devas.
Niyakap naman sya ng bathala pabalik upang konsultohin, Wala lang dapat ipaghingi ng tawad lalo na't hindi Korin naman hahayaan na muli nila akong matalo
Habang nag uusap sila dumating naman sina Raquim at Hitano upang mag-ulat sa nangyari ngunit ng makita nila ang dalawa naisipan nila na bigyan nalamang sila ng espasyo
Tayo na Hitano, saka nalamang natin ito iulat wika ni Raquim ay agad naman umalis, habang pinagmasdan ni Hitano ang Hara durie at ngumiti, tila nahuhulog na ang loob ng sinaunang reyna sa bathala wika nya sa kanyang isip at agad naman sumunod sa rehav ng sapiro
Nang nawala na ang takot at kaba na naramdaman ng bathaluman agad naman syang bumitaw sa kanyang pagkayap.
Tanong kolamang, ngunit saan ka nagtungo? Lalo na't hindi ka bumisita rito upang isagawa ang iyong mga tungkulin.
Pumunta ako sa kaharian ng aking kapatid wika ni mata
Nagtaka naman ang bathala, ngunit bakit? Anong pakay mo sa kanyang kaharian?
Wala akong pakay, ngunit inimbita nya ako na magtungo rito, inisip ko na isa itong patibong at hindi nga ako nagkamali. Mahirap na talaga pagkatiwalaan ang mga nilalang na kagaya nya wika ng bathaluman
Nasaktan kaba nya? Tanong ng bathala na tila nag aalala
Muntikan na, ngunit nakakalimutan nya na ako ang mas mautak sa aming magkapatid, kambal man kami ngunit mas lamang ako kumpara sa kanya wika ni mata na sayang saya at pinagmamalaki ang kanyang sarili
Natawa lamang ang bathala sa kanyang ginawa, Talaga na kapag panganay napakataas ng kanilang tingin sa sarili, lalo na kung diwata ito
Warka! Wika ni mata at napatawa
Nagbibiro lamang, ngunit sa ngayon kinakailangan na muna natin siguraduhin ang kalagayan ng devas lalo na't maaring May mga ivtre na nasaktan o nasugatan.
Tama ka, wala na tayong dapat pang sayangin na oras kung kaya't halikana, wika ni mata at sabay hawak sa palad ni Emre. Palihim naman ngumiti ang bathala sa kanyang ginawa, ay doon naglaho na sila parehas papaalis sa silid na kanilang kinaroroonan
BINABASA MO ANG
Buhay Diwata-Bathaluman
FanfictionMatapos ang digmaan laban kina hagorn at ether, inisip ng iba na payapa na ang lahat, ngunit May isang nilalang na mayroong kaalaman sa mga magaganap. liban nalamang sa sarili nyang mga pangyayari.