Kabanata 19: Labanan

42 3 16
                                    

Malapit nang mag umaga ngunit hindi parin natatapos ang digmaan, maraming nalalagas maraming nasusugatan ngunit tuloy parin ang laban. Habang kinakalaban ng mga sanggre ang mga higanteng pashnea na gawa sa yelo, biglang naglaho si ether at tinamaan ang apat, dahilan kung bakit sila natumba

Wenuveska! Wika ni pirena, agad nya naman ginamit ang kanyang brilyante upang tamaan ang Bathaluman ngunit nakapaglaho naman ito agad.

Nang makatayo ang mga sanggre naglaho naman si Arde at sinugatan ang sanggre danaya habang dumating rin si ether at kinalaban sina Amihan at Pirena.

Hindi pa nagsisimula ang ating laban ngunit tila napapagod na kayo wika ni ether habang itinulak papalayo ang kanyang mga kalaban.

Agad naman ginamit ni danaya ang brilyante ng lupa upang gamutin ang kanyang sugat habang naglagay ng kalasag si Alena.

Ginamit ni amihan ang kanyang brilyante upang mapaatras ang kanilang kalaban gamit ang hangin upang makapaghanda sila.

Hindi na nagdalawang isip ang dalawang bathala at agad nang ginamit ang kanilang buong kapangyarihan upang labanan ang mga sanggre ngunit nilabanan rin sila ng apat gamit ang kanilang mga kapangyarihan. Bago paman magpatuloy ang laban naglaho sina Emre at Haliya at sinugatan ng bathala si Arde sa likod, dahilan upang mapaatras ang dalawang bathala.

Arde! Wika ni ether, mga Yunoveska kayo! Sigaw ng bathaluman

Kami na ang bahala sakanila, wika ni Haliya, tulungan ninyo ang inyong mga anak.

Kalaban nila ngayon si Celeste, Umalis na kayo lalo na't kinakailangan kayo ng ibang diwani wika ni Emre

Sumang-ayon naman ang apat at agad umalis upang saklolohan ang kanilang mga anak. Naiwan naman ang apat na bathala sa labanan, sa pagka alis ng mga sanggre, sabay naman ang paggaling ni Arde sa kanyang sugat

Nandito narin ang mga Bathala ng Encantadia wika ni ether na sarkastiko

Handa naba kayong mamatay? Dahil isusunod na namin kayo kay keros! Wika ni Arde

Tingnan nalamang natin kung sino nga talaga ang makikita nya sa kabilang buhay, wika ni Haliya.

Pasalamat nalamang kayo na hindi ako kasing sama nyo, dahil kung wala akong puso, pinaslang kona kayong dalawa lalo na noong inagaw nyo sa akin ang devas at nang- naputol na pagbigkas ni Emre

Paslangin namin ang iyong pinakamamahal na diwata? Natatawang tanong ni ether

Oo, kung kaya't wala nakong pakealam sa anomang batas na aking sinusunod. Sisiguraduhin namin na sa gabing ito, matatapos na ang paghahasik ng lagim nyo sa Encantadia, tingnan nalamang natin kung saan pa kayo pupulutin wika ni Emre

Kung ganun, simulan na natin ang laban! Wika ni Arde

Isinamo nila ang kanilang mga sandata at dito agad na nagsimula ang kanilang labanan, Nilabanan ni Haliya si ether, habang Nilabanan naman ni Arde si Emre.

Sa lupain ng nyebe, ang lugar kung saan matatagpuan ang kaharian ni Celeste naglaho si Cassiopeia, bago paman sya sugurin ng ibang mga kawal ginamit nya ang kanyang kabilan upang itapon ito ay mapaslang ang mga kawal, at ng bumalik ito sa kanyang mga kamay, ginawa nya itong isang centro. Itinusok nya ang sandata sa lupa at nagsamo ng isang encantasyon

Sa ngalan ng aking buong kapangyarihan, isinasamo ko ang apoy at walang hanggang init na pumapalibot sa balaak, upang kainin ang buong lupain na ito! Nawa'y matunaw ang mga yelo, mapuksa ang mga nilalang na nagbabalak na sakupin ang aming lupain, Isinasamo ko, natuluyan nang mawasak ang lupain ng Neveria! Kainin mo ang mga yelo na bumabalot sa lugar na ito, upang matapos na ang pag hihirap ng mga encantado! Sigaw ni Cassiopeia

Nagsimula na yumanig ang lupa at nagbukas ang lagusan na gawa sa apoy at ang mga tunaw na bato na tila hinihila ang buong lupain pa ilalim. Nakita ng bathaluman kung pano gumuho ang isinagawang kaharian ng kanyang kapatid, at ang mga kawal na nahuhulog sa ilalim ng mainit na bato.

Sa digmaan kung saan kinakalaban ng mga diwani ang Hara ng nyebe, naramdaman nya ang paghina ng kanyang kapangyarihan, dahilan upang sya ay napatalsik ng mga sanggre na kakarating lamang

Mga pashnea! Sigaw ni Celeste, agad naman syang naglaho papaalis bago pa sya sabugan ng mahika ni Lira

Ashti, nakatakas sya! Sigaw ni Lira

Kami na ang bahala na humarap sakanya mamaya, wika ng kanyang inang amihan, tapusin na muna natin ng laban sa mga halimaw

Sumang-ayon naman ang iba at muling itinutok ang kanilang pag atensyon sa labanan.

Sa lugar naman kung saan naglalaban ang mga bathala, napatumba naman ni Emre si Arde matapos nya itong sugatan ng ilang beses. Habang sa inis naman ni Haliya ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang mapatumba naman ang bathaluman, sinigurado nila na hindi na sila magkakalapit. Ginamit ni Haliya ang kanyang kapangyarihan at ginawang espada ang kanyang dejar, at isinaksak ito sa Bathalumang ether na tila puno ng galit

Bago paman matulungan ni Arde ang kanyang minamahal ginamit naman ni Emre kanyang kapangyarihan upang lumutang ang bathala, isang kapangyarihan na bumabalot sa leeg ng bathala dahilan upang hindi sya makahinga ng maayos.

Ngayon mararamdaman mo ang sakit, noong panahon na pinaslang mo sya sa aking harapan. Walang awa at walang kapatawaran ang iyong ginawa!

Sa isang pitik lamang ng kanyang mga kamay, naikot ang ulo ng bathala at agad naman inagaw ni Emre ang kanyang kapangyarihan at ginamit ito itong mapuksa ang bathala sa parehas na paraan noong mamatay si Cassiopeia, sinigurado nya na ang kanyang katawan ay naging abo nalamang upang hindi na talaga sya makabalik.

Habang hinawakan naman ni Haliya ang leeg ni ether at hinarap nya ang kanyang muka. Ngayon Ikamusta monalang kami kay keros, lalo na't hinding hindi Kana makakabalik pa sa Encantadia!

Tumawa lamang ang duguan ns bathaluman, isipin nyo man na nanalo na kayo... Ngunit hindi naman matatapos ang inyong pagdurusa, isinusumpa koyan.

Bago paman makapagsalita ang Bathaluman, agad na syang pinaslang ni Haliya at ginamit rin ang kanyang kapangyarihan upang tuluyan nang nawala ang kanyang katawan.

Tiningnan nila ang paligid, tila ang mga kawal nyebe ay nanghihina ng biglaan nalamang.

Ngayong wala sa sila, isang kalaban nalamang ang kinakailangan nating atupagin wika ni Emre

Si Celeste, ngunit nasan sya? Tanong ni haliya

Hindi konasya nararamdaman sa Encantadia, tila ay bumalik sya sa kanyang kaharian.

Kung ganun, puntahan na natin sya at tapusin na natin ito, bago pa sya magpahayag ng isang hindi inaasahang patibong.

Sumang-ayon naman ang bathala sa nais ni haliya, at agad naman silang naglaho papaalis upang maglakbay

Samantala naman sa kaharian ng nyebe patuloy ni Cassiopeia isinasagawa ang kanyang plano hanggang sa biglaan syang makain ng lupa at naitapon papalayo sa nagyeyelong pader

Avisala Apwe wika ni Celeste

Buhay Diwata-BathalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon