Kabanata 20: Wakas

65 5 20
                                    

Habang isinasagawa ni Cassiopeia ang kanyang mahika, naramdaman nya ang pagyanig ng lupa, hindi maganda ang kanyang pagkaramdam at tama nga sya. Hindi nag tagal naitapon ang Bathaluman sa isang yelong pader habang ang kaniyang kapatid ay naglaho sa kanyang harapan.

Avisala Apwe wika ni Celeste

Tumingin naman ang bathaluman sa kanyang walang pusong kapatid at ginamit ang kanyang kapangyarihan upang gumawa ng isang kalasag bago paman sya tamaan ng enerhiya ng yelo. Nang matapos na ang atake ng kanyang kapatid, sya naman ang gumalaw upang mapatumba ang Hara ng nyebe

Ginamit ni Cassiopeia ang kanyang kapangyarihan upang maitulak papalayo ang kanyang kakambal.

Wala kaparin talagang pinagbago Cassiopeia wika ni Celeste

Tapusin na natin ito. Mahinhin na wika ni mata, Isinamo nya ang kanyang sandata at agad naman sinugod ang kanyang kapatid

Isinamo naman ni Celeste ang kanyang sandata upang labanan ang kanyang kalaban. Naglaban ang dalawang kambal habang yumayanig ang lupa, parehas nilang nasugatan ang isa't isa, ang enerhiya ng kapangyarihan nila na sumasabog kahit saan.

Wala kanang ginawang tama! Sigaw ni Cassiopeia sabay naman sa pagsugat sa braso ng kanyang kapatid. Hindi Kana natuto! Agad naman naglaho si Cassiopeia sa likod ng kanyang kapatid at sinipa ito ng malakas dahilan upang matumba ito at muntikan pang mahulog sa piit ng apoy na kumakain sa lupain.

Tinuring kitang kapatid, ngunit ni minsan hindi mo manlang ako minahal bilang ang iyong kadugo, wika ni Cassiopeia. Labag man sa aking loob ngunit sumosobra Kana, Panahon na upang maparusahan ka ng kamatayan! Sigaw ni Cassiopeia

Itinutok nya ang kanyang kabilan sa leeg ni Celeste, ngunit ngumisi lamang si Celeste, hindi naman inaasahan ni Cassiopeia na May naglaho sa kanyang harapan at sinaksak sya ng biglaan

Ngayon, sino saatin ang mamamaalam wika ni Celeste. Ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang maitapon ang Bathaluman papalayo habang sinusundan ng mga patusok na yelo, ngunit ginamit naman ni Cassiopeia ang kanyang kapangyarihan upang gumawa muli ng kalasag upang maprotektahan ang kanyang sarili, Nakita nya ang kanyang sugat na tila hindi nya nagagaling gamit ang kanyang kapangyarihan

Tanakreshna!  wika ni mata, Napansin nya ang mga ugat na tila tumutubo mula sa kanyang sugat. Pinagmasdan nya ang nilalang na tumutulong sa kanyang kapatid at nabigla ng malaman nya kung sino ito.

Mahal na Hara, Ayos lamang ba kayo? Tanong ng nilalang.

Hindi ko kailangan ng tulong ng isang traydor! Sigaw ni Celeste, Ngunit Avisala eshma lalo na't ginamit mo ang pinakamakapangyarihang sandata na ginawa namin Nina ether at Arde laban sa aking kapatid. Hindi na kita kailangan Zhalio wika Celeste

Hinawakan nya ang kamay ng kanyang alagad at mabilisan naman itong naging yelo, maging ang kanyang mga laman loob. Hindi rin nag tagal ay nawasak ang kanyang katawan. Habang pinagmamasdan lamang ito ni Cassiopeia

Dahan dahan bumangon ang Bathaluman, agad naman ito tumakbo upang maiwasan ang mga nahuhulog na higanteng yelo mula sa kalangitan. Naglaho si Cassiopeia sa harapan ni Celeste at tinamaan nya ito ng kanyang kapangyarihan, ngunit ramdam nya parin ang lalong paglalim ng kanyang sugat dahilan upang mapatumba sya sa lupa na yumayanig.

Bakit tila nahihirapan Kana Cassiopeia? Hindi ba't ito naman ang matagal mo nang gusto? Simula pa lamang ng una tayong makarating sa Encantadia? Tanong ni Celeste

Hindi nalamang sumagot si Cassiopeia, tiningnan nya ang kanyang kapatid na inilabas ang nagbabaga nitong kapangyarihan

Kambal tayo, ngunit hindi mo nakuha ang iyong tunay na kapangyarihan simula ng maisumpa tayo sa ating tahanan. Kung kaya't wala kanang takas sa iyong kamatayan, Avisala mieste aking kakambal, nawa'y muli lang matanggap sa ating dating tahanang langit wika ni Celeste

Buhay Diwata-BathalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon