Kabanata 15: Sa Ilalim ng Buwan

79 3 54
                                    

Avisala Cassiopeia, ikinagagalak kong makita muli wika ng nilalang sabay ng kanyang pagbangon

Emre, bakit Moko dinala dito? Nagtataka na tanong ni mata

Ngumiti lamang ang bathala at sinimulan ang kanyang pagpapaliwanag, Dito ako noon itinapon ng mga masasamang bathala na akong kaaway, at dito nyorin ako ni imaw noon natagpuan hindi ba?

Ngumiti ang bathaluman, Bakit ko naman makakalimutan? Iyon rin ang unang araw na nakita ko ang iyong wangis bilang ordinaryong encantado, ngunit hindi mo parin nasasagot ang aking katanungan wika ni mata

Dinala kita rito, dahil halos ilang panahon na ang nakalipas ng makilala Moko, hindi bilang ang bathala ng mga encantado kundi bilang isang pangkaraniwang nilalang

Natawa naman ang bathaluman, kahit naman anong kunin mong anyo hindi parin nawawala ang paggalang saiyo ng mga encantado

Kung iyong mamarapatin, nais ko sanang sumama ka saakin lalo na't May inihanda ako para lamang iyo wika ni Emre

Sakin? Bakit May okasyon ba? Tanong nya

Wag kanalamang madaldal Cassiopeia, tila masyado kanang nahahawaan ni Lira ng kanyang pagka kyuryoso, munting tawa ng bathala

Haha, wika ng bathaluman, kung iinisin mo lamang ako Mauna Kana lalo na't wala pa akong tulog at hindi ko nais na maiinis ng kahit sino man, sagot ni Cassiopeia

Bago paman sya tumalikod kinuha ng bathala ang kanyang kamay upang pigilan sya agad naman napalingon ang Bathaluman

Ito naman hindi mabiro! Kung ganun halikana at puntahan natin ito wika ni emre na tila natatawa parin

Nainis ng kaunti ang Bathaluman ngunit hindi naman tinggihan ang kautusan ng bathala. Matapos ang kanilang pag ivictus naglaho sila sa isang lugar kung saan kitang kita ang buong lupain ng Encantadia, maging ang devas at balaak na nakalutang sa kalangitan, kita rin sa malayo ang lupain ng nyebe at ang malaking silaw ng dalawang buwan ng Encantadia.

Kitang kita ang tuwa sa mga mata at muka ng bathaluman, isa ito sa mga lugar na matagal na nyang nais magkaroon. Tahimik, kaakit-akit at payapa

Nabasa ko ang iyong isipan noon, na sana mayroon kang isang lugar kung saan maari mong takasan ang iyong buhay maging ang ibang mga encantado, kung kaya't nilikha ko ito para lamang sa iyo, at tagung-tago ito sa lahat, liban nalamang sa mga encantado na nakakaalam ng lugar na ito

Napakaganda ng iyong inilikha Emre! Isa nga itong magandang panaginip na naging totoo! Avisala eshma kaibigan. Wika ni Cassiopeia na hanggang ngayon ay nagagandahan parin sa kanyang nakikita

Tila isang malaking tusok sa kanyang dibdib ng marinig nya ang pagkasambit ng bathaluman na kaibigan, ngunit hinayaan nya na muna itong damdamin ang saya na nakukuha nya sa surpre na inihanda.

Ng matahimik na ang Bathaluman, tiningnan nya ang bathala na tila nag iba ang ekspresyon hindi gaya kanina, kung kaya't nilapitan nya ito at tinanong

Anot tila nanlungkot ang iyong mukha? May problema ba? Tanong ni mata

Hinawakan ng bathaluman ang kanyang pisngi, kung kaya't nakuha naman ang atensyon ng bathala. Parehas nilang tinitigan ang isa't isa, hinintay lamang ni Cassiopeia ang kanyang sasabihin ngunit hindi nya ito inaasahan

Cassiopeia, nais ko lamang sabihin sayo wika ni Emre

Anong nais mong sabihin? Tanong ng bathaluman, tinitigan nya ang bathala na nagtataka ngunit hinayaan nya nalamang ito magsalita

Cassiopeia, E Corrie Diu mahinhin na sambit ng bathala.

Nanlaki naman ang mata ni Cassiopeia, tila naguguluhan sa kanyang narinig, Isa ba itong ilusyon? Tanong nya sa kanyang sarili, Natahimik lamang sya hindi nya alam kung ano ang dapat nyang sabihin

Hindi ko alam kung anong ginawa ng pinakamataas na bathala upang mahulog ako sa iyo, ngunit ito na, sinasabi kona sambit

Emre, wika ni mata, pinagmasdan nya ang kanyang mukha na tila nahihiya ngunit nakapag-isip na sya ng pwede nyang sabihin

Emre, wala namang masama kung magkakagusto ka sa akin laking ngiti ng bathaluman

Tiningnan naman sya ng bathala na tila bumalik ang sigla sa kanyang mga mata.

Matagal Mona akong kilala, bago paman ako maging bathaluman, kung kaya't alam mo na hindi ko kayang umibig sa kahit sino man matatag na sagot ng bathaluman

Nang sinabi ito ng bathaluman, tinanggap nalamang nya ang kanyang desisyon lalo na't wala naman nang patutunguhan kung pipilitin nya pa ito, kahit masakit man sa loob ng bathala tinggap nya ang sagot ng bathaluman

Ngunit.. wika ni mata, hindi pako tapos, matagal na panahon narin akong makapag isip isip, at sa panahon na ito, pagbibigyan kona ang aking sarili na umibig

E Correi dei Diu Emre wika ni mata, bago paman makapagsalita ang bathala, inilapit ni Cassiopeia ang kanyang labi at hinalikan nya si Emre. Hindi naman nagdalawang isip na ibalik ng bathala ang kanyang matamis na halik.

Matapos nilang mahalikan ang isa't isa, niyakap ng bathala ang Bathaluman ng mahigpit, tila tama rin naman pala ang payo ng kanyang kaibigan, at tila narinig din ang kanyang pamamanata.

Natakot kaba? Tanong ni Cassiopeia habang natawa ng kaunti

Sino ba namang hindi matatakot na sa oras na umamin ka ay ang matatanggap mo ay ang sagot na hindi

Ngunit wala naman akong sinabi na hindi diba?tanong ni Cassiopeia

Kahit na wika ni Emre halos malapit narin sa hindi ang iyong kasagutan

Bumitaw naman ang bathaluman sa pagkayakap at tinanong ang kanyang katipan.

Kailan Moko sinimulang nagustuhan? Tanong ni Cassiopeia

Matagal na, ngunit noong una ay akala ko isa lamang itong halo halong emosyon, ngunit sa tuwing kasama kita mas lalo lamang akong nahulog sa iyo, sagot naman ni Emre

Ikinagagalak ko na naisabi mo ang iyong nararamdaman, ngunit nais ko sanang mangako ka na hindi natin maaring ipaalam sa iba ang tungkol saatin wika ni mata

Ngunit bakit? Tanong ng bathala, ikinahihiya mo ba ako?

Bakit naman kita ikinahihiya? Tanong ni mata na natatawa, nais kong isikreto natin ito lalo na't nalalapit narin ang digmaan at maaring saatin mapunta ang atensyon ng lahat kaysa maghanda sa nalalapit nanaman nilang paghihirap

Kung yan ang iyong nais, susundin ko ito, kung kaya't wala kang dapat ipag alala

Ngumiti naman ang bathaluman, tila pursigido ang bathala sa kanya, laking pasasalamat nyarin na sakanya nalamang nahulog ang kanyang puso, nakita nya na tila sumikat na ang araw at hindi nya na inisip na magpahinga

Bumalik na tayo ng devas lalo na't mag uumaga na narin wika ni mata

Hindi Mona nais na magpahinga muna? Tanong ng bathala

Hindi sa kinakailangan kung kaya't halikana mahal ko wika ni mata at ngumiti ng busilak

Ngumiti rin pabalik ang bathala at tinggap ang alok ng kanyang pinakamamahal

Kung ganun, tayo na mahal ko, sagot ni Emre

At duon lumisan na ang dalawa pabalik ng devas upang simulan na ang kanilang mga tungkulin para sa araw.

Buhay Diwata-BathalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon