27

71 6 0
                                    

Twitter

Price123 @EXEPrice

Hi, Kap.

Alam mo ba... Hahaha!

Hindi ko alam kung dinadaya lang ako ng paningin ko, pero alam ko, ikaw talaga yun.

Ikaw yung nakasalubong at nakatitigan ko, di ba? Hindi pwedeng magkamali ang puso ko. Eme! Hahaha!

Kahit na kinukulit pa ako ni Maze (friend ko) nang oras na yun, hindi ako nagpatinag. Nasayo lang ang focus ko noon. Kasi, alam mo, Kap, crush kita, eh. 😅

Masaya ako na nakita na kita kahit saglit lang. Alam mo bang mas hindi ako maka-move on na nakita kita kaysa sa concert na pinuntahan ko? Ganoon ang impact mo sa akin.

Syet, ang kapal na talaga ng mukha ko sa mga pinagsasabi ko sayo dito. Buti na lang talaga hindi mo nababasa.

Anyway, di ba, sabi ko, masaya ako na nakita kita. Pero, Kap... ang sakit din. Ang sakit makitang may ka-holding hands kang iba nang gabing yun. Tapos ang ganda pa niya, anong laban ko sa kanya, di ba? Hahaha!

Kaya, siguro, mag-move on na lang ako sayo? Crush pa rin naman kita, pero kasi... alam mo yun, ayaw ko ng umasa, masakit sa puso, eh. Haha!

So, I would just admire you from afar. At sana... maka-move on agad ako sayo. 🤣

Good luck sa upcoming season, el kapitan. Will still cheer for you.

#MorningRealization

Ay, di pa pala ako natutulog. Hahaha!

4:03 AM

Price123: She's not my girlfriend.

Price123: Louisa... yung sinasabi mong ka-holding hands ko...

Price123: She's my cousin.

4:05 AM

Godlike Series 2: Glad You ExistWhere stories live. Discover now