103

36 5 0
                                    

Messenger

Maze Velasquez
7:22 PM

Maze?

Seen, 8:03 PM

8:06 PM

Maze: O, Price?

Maze: Bakit?

May tanong lang ako.

Maze: Ano yun?

Yung comment mo dun sa post ni Nice.

Maze: What about it?

Hindi ko alam yung tamang mga salita na dapat kong sabihin na hindi ako nagtutuog mayabang o assumero, eh.

Maze: Hmm, if that's the case, pwedeng ako na lang muna ang magtanong sayo? Since nauna ka na rin namang mag-chat. 😅

Sige lang, Maze.

Maze: What's your intention to Nice?

What do you mean?

Maze: Don't get me wrong, Price, ah. At pasensya na rin sa pagiging straightforward ko.

Maze: Parang kapatid ko na rin kasi talaga si Nice. At ayaw ko ng nasasaktan siya. She's been through a lot at hanggang ngayon, marami pa rin siyang iniintindi.

Maze: I'm happy na napapasaya mo siya. You know, ever since naging e-sports fan si Nice, ikaw na talaga yung naging idol niya. Mind you, loyal yun sayo at sa team nyo. Wag mo na lang sabihin sa kanya na sinabi ko sayo. Sasabunutan ako nun, eh.

Maze: Alam niya rin na pwede ko siyang ilapit at ipakilala siya sayo since tropa kayo ni Ribo, pero never siyang nagsabi sa akin. Gusto niya, kung makikilala mo siya, yung walang halong connection which is nangyari naman nga.

Maze: Kaya tinatanong kita ngayon, Price, kung ano ba talaga ang intensyon mo sa pakikipaglapit mo kay Nice. Kasi ibang ma-attach yung kaibigan kong yun, eh. 😅

Maze: Kaya kung friendship lang ang habol mo kay Nice, nakikiusap na ako sayo bilang kaibigan niya. Don't lead her on. Para if ever, di siya mag-expect. Para if ever, di siya masaktan.

Maze: Sorry, dami ko na agad nasabi. Haha! Di man halata, pero ganito talaga ako ka-protective kay Nice.

Seen, 8:16 PM

8:18 PM

I like her, Maze.

I really like Nice.

I like her the first time I saw her.

At lalo ko siyang nagustuhan ng mas makilala ko siya. Sobrang kagusto-gusto siya, Maze. At gusto ko siyang alagaan.

Gusto ko sanang sa kanya unang umamin ng nararamdaman ko, but then, you ask me. At gusto kong i-assure ka bilang kaibigan ni Nice na seryoso ako sa pakikipaglapit ko sa kanya. Na tapat ang intensyon ko. Hindi lang ito laro.

Maze: Okay, I believe you.

Ganoon ka kabilis maniwala? Hindi ka hihingi ng proof na gusto ko talaga ang kaibigan mo?

Maze: No need. Pwede naman kitang sugurin at saktan kung sakali man.

Na hindi naman na kailangan. Kasi nga, gustong-gusto ko si Nice.

Maze: So, bakit hindi ka pa nagsasabi sa kanya? Kelan ka aamin kay Nice?

Humahanap pa ako ng timing.

Maze: Hindi ba, kapag gusto mo ang isang tao, everyday is a great timing?

Hindi ko alam kung paano ako aamin. Pagdating kay Nice, natatameme ako.

Maze: Oh, my gosh! Hahaha!

Wag kang maingay!

Wag mong sasabihin yan kay Ribo.

Maze: That, I can't promise. Char! Haha!

Maze: You want my help? Para may makaamin ka na kay Nice?

May naiisip ka bang pwedeng gawin?

Maze: Yeah. I'll help you, don't worry.

Thanks, Maze.

Maze: 👍

Seen, 8:26 PM

Godlike Series 2: Glad You ExistWhere stories live. Discover now