58

52 4 0
                                    

Twitter

Price123 @EXEPrice

Message me kapag nakauwi ka na sa bootcamp nyo.

Salamat sa lunch at paghatid sa akin, ah. Ingat ka sa byahe.

6:41 PM

9:28 PM

Price123: Dito na ako sa bootcamp, Nice.

Price123: Thank you rin sa pagtitiwala mo na sumama sa akin at magpahatid sa akin pauwi sa inyo.

Hala, ako nga ang dapat magpasalamat sayo, eh. Alam ko namang busy ka, pero...

Price123: Hey, that's okay. Sabi ko naman sayo, di ba...

Oo na, oo na po. Haha!

Teka, na-traffic ka ba pabalik dyan? Tagal din ng byahe mo, ah.

Price123: Medyo. Wala namang bago sa traffic dito sa Pinas. Haha!

Actually. Ikaw na yung mapapagod sa pagrereklamo sa traffic.

Price123: Yun nga. Hmm, saka bumili rin pala ako ng pagkain para sa teammates ko. Yung isa kasi, nag-crave sa Dunkin. Yung isa naman, sa pizza.

Naks, napakabait naman na kap niyan, o. Hahaha!

Price123: Hindi naman, sakto lang. Lol!

Luh? Pa-humble pa siya, o. Kaya daming may idol sayo, eh. 🤣

Price123: Sayo din naman. May mga nagpa-picture din kaya sayo kanina.

Nagkataon lang yun. Haha!

Price123: Parang di naman. Haha!

Price123: Ano bang titles ng stories mo at saan mababasa? Para naman mabasa ko.

Secret! Haha!

Wag mo ng alamin, please. Nakakahiya!

Price123: Bakit ka naman mahihiya? Babasahin ko lang naman.

So, gaano katagal ka ng naglalaro ng ML?

Price123: Uy, iniiba ang usapan.

Price naman!

Price123: Hahaha!

Price123: Medyo matagal na rin. Actually, mahilig na talaga ako sa online games bata pa lang ako. Isa ako sa mga batang tambay sa computer shop dati. Hahaha!

Price123: Siguro mga 2 years bago ako pumasok sa pro scene, naglalaro na ako ng ML. Mula season 2, nasa professional league na ako. Ilang taon na rin. Haha!

Price123: Mga ilang season pa, baka mag-retired na rin ako.

Hala, wag muna! In my opinion, you're on your prime pa naman. Marami ka pang paiiyakin na pro players.

Price123: You think so?

Yes! I believe so.

Kaya huwag ka munang mag-retire, ah. Matagal pa dapat.

Price123: Thank you for believing in me, Nice. I need it right now.

Why? May problema ba?

Price123: Wala, wala. Haha!

Price123: Teka, ako naman ang magtatanong. Kelan ka naman nag-start maglaro ng ML? Gamer ka na ba dati pa?

Actually... hindi ako naglalaro. Hahaha!

May app ako ng ML sa phone ko, pero hindi ako naglalaro. Hirap na hirap akong palakarin ang mga hero, kaya nag-give up na ako. Hahaha!

Mas gusto ko na lang mag-collect ng heroes. Hahaha! And of course, manood ng mga MLBB tournaments.

Price123: Hindi mo pa na-try maglaro kahit isang beses?

Hindi pa. Hahaha! Kapatid ko ang naglalaro sa account ko para tumaas kahit paano ang rank. 😭🤣

Price123: Next time laro tayo. Duo tayo.

Hala, ayoko. Nakakahiya ngayon pa lang. Alam kong magiging pabuhat lang ako. Haha!

Price123: Ako ang bahala sayo.

Bahala na. Hahaha!

Huy, teka! Naka-live ka?

Price123: Oo. Kulang pa ako ng hours para sa required streaming, eh.

Focus ka na muna dyan!

Nood rin ako live stream mo.

Price123: Okay. Salamat, Nice. 😊

10:10 PM • Sent

Godlike Series 2: Glad You ExistWhere stories live. Discover now