117

29 4 0
                                    

Messenger

Magaganda Lang Pero Walang Pera
11:21 PM

Totoo ba itong mga nangyayari sa akin? Huhu! Parang nananaginip lang ako.

Seen by everyone

11:23 PM

Ela Gabrielle: May problema ba, Nice?

Wala naman, Mader Ela. Huhu!

Sobra lang akong nao-overwhelm sa mga ganap sa buhay ko these past few days.

Maze: KAYO NA BA NI PRICE?

Hindi pa naman!

Dionne Mervine: Focus on the "pa naman!"

Hindi pa naman talaga, ah.

Maze: Pero may balak kang sagutin?

Ang impokrita ko kung sasabihin kong wala. Kasi alam nyo naman kung gaano ko siya ka-crush dati pa. Tapos tumindi pa nung makilala ko talaga siya.

Tin: Pero?

I really want to take things slow. I mean, sabi ko nga, sobra akong nao-overwhelm sa mga nangyayari. From Price and to my career. Parang ang bilis ng mga pangyayari.

Alam nyo yun? Katatapos lang ng booksigning namin at release ng books ko and it is safe to say na successful naman siya. Then here comes Price na nag-confess sa akin ng feelings niya.

At hindi lang basta nag-confess ng feelings. He's doing almost everything para lang mapasaya ako. And yeah, sobrang happy naman talaga ako.

Maze: So what's the problem about that?

Kasi hindi ako sanay ng ganito. Err, mali pala. Hindi sa hindi sanay. More of because of these overwhelming feelings, nandoon yung fear na baka mamaya bawiin sa akin itong mga bagay na nagpapasaya sa akin. Eh, alam nyo naman, unstable ang emosyon ko. Parang di ko kakayanin kapag biglang boom, wala na ulit yung mga ito.

I really love and appreciate these blessings and happiness that I'm feeling, pero ayun nga, gusto ko rin muna to take things slow.

Ela Gabrielle: Sinabi mo na ba kay Price yan? I mean, yang takot na nararamdaman mo?

Tin: Pine-pressure ka ba ni Price tungkol sa nararamdaman niya sayo?

Uy, no. Hindi ako pine-pressure ni Price. He's making me happy in any possible way. Saka sa kanya na rin nanggaling na hindi niya ako ipe-pressure, ang mahalaga raw sa kanya, nasabi na niya sa akin ang nararamdaman niya.

I told him na parang nabibilisan ako sa mga nangyayari, pero in-assure naman niya ako about his feelings. Hindi ko masabi yung takot na nararamdaman ko.

Kasi alam nyo yun? I like Price, I really really like him. Err, mali. Mahal ko na nga ata siya, eh. Pero natatakot din ako na kapag ganito ako, I mean, emotionally unstable, indecisive, minsan okay minsan hindi... baka iwan ako ni Price? Na baka maghanap siya ng "normal" na babae, hindi yung katulad ko.

Maze: Gusto mong sabunutan kita? Normal ka, Shenice! Umayos ka nga dyan. At kung mahal ka talaga ni Price, hindi ka niya iiwan dahil lang emotionally unstable ka.

Tin: I agree. Saka tingin ko naman kay Price, hindi siya ganun kababaw para lang iwan ka.

Sorry. Huhu! Pati kayo nadadamay sa pag-ooverthink ko. Hays!

Ela Gabrielle: No need to say sorry, ano ka ba? Valid yang feelings mo, Nice.

Ela Gabrielle: Saka, totoo naman na ang bilis ng mga pangyayari kaya oks lang yan, Nice.

Thank you, Ela. Huhu!

Salamat sa inyo, girls.

Dionne Mervine: O siya, wag ka ng madrama, di bagay sayo. Basta kapag hindi pala matino yang si Price, wag kang mag-alala, kami na ang bahala.

Yie, ganyan mo talaga ako kamahal, no? Hahaha!

Dionne Mervine: Mukha mo, Shenice!

Maganda. Mukha ko ay maganda.

Dionne Mervine: 🤮🤮🤮

Tin: Ito na naman po sila.

Ela Gabrielle: Masanay na tayo, Tin.

Tin: Ano pa nga ba? Hay!

Seen by everyone

Godlike Series 2: Glad You ExistWhere stories live. Discover now