45

56 4 0
                                    

Twitter

For Ranting @lostandfound • 4m
Hindi ko alam kung nararamdaman din ng karamihan sa inyo yung bigla na lang napapagod mabuhay sa mundo. Every now and then kasi, ganito ako. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong mawawalan ng mood at makakaramdam ng matinding lungkot.

For Ranting @lostandfound • 3m
Replying to @lostandfound
Alam kong may problema, pero parang hindi ko ma-pinpoint kung ano yun? Fuck! Do I need help na ba? Ewan, hindi ko alam, eh. Hindi lang kasi ngayon ito nangyari sa akin. Trust me, bukas, okay na ulit ako.

For Ranting @lostandfound • 3m
Replying to @lostandfound
Ayaw ko namang mag-rant nang mag-rant sa mga kaibigan ko. Nakakahiya na kasi. Ayaw ko na silang mahawaan ng negativities na dala ko. Nakakahiya na lagi na lang nila akong iniintindi sa mood swings ko.

For Ranting @lostandfound • 2m
Replying to @lostandfound
Well, my friends are very understanding naman. Never nila akong jinudge. Alam kong always ready to listen sila, pero ako lang talaga yung ayaw ng makaabala. Mahilig lang kaming magbardagulan, pero the best sila para sa akin.

For Ranting @lostandfound • 2m
Replying to @lostandfound
Kaya yun, nagpapanggap na lang ako minsan na okay ako, na maingay ako, para pagtakpan ang bigat sa dibdib ko. Kahit na ang totoo, ayoko na. Gusto ko ng sumuko.

For Ranting @lostandfound • 1m
Replying to @lostandfound
Minsan, kaya ayaw ko na ring magkwento, natatakot ako na ma-invalidate yung nararamdaman ko. Though wala namang gumagawa pa n'on sa akin. Pakiramdam ko kasi, para sa iba, ang babaw lang ng pinoproblema ko. Kaya yun...

For Ranting @lostandfound • 15s
Replying to @lostandfound
Pero ngayon, reading Price' messages... parang may nawalang mabigat sa dibdib ko. Ewan ko, hindi ko alam. Ang hirap ko talagang intindihin.

Godlike Series 2: Glad You ExistWhere stories live. Discover now