39

60 4 0
                                    

Twitter

Price123 @EXEPrice

Price123: Hi, Nice!

Price123: Gising ka pa ba?

10:43 PM

10:47 PM

Hi!

Yes, gising na gising pa ako. Haha!

Price123: Good thing at gising ka pa. 😅

Bakit?

Medyo late na talaga akong natutulog. Tapos balak ko pang magsulat, kaya eto...

Price123: Uy, nakakaabala ba ako sayo?

Hala, hindi ah.

Hindi ka abala. Baka nga ako na pala ang nakakaabala sayo, eh. Haha!

Price123: Hindi rin, ah. Gusto nga kitang kausap kaya minessage kita.

Wala ba kayong scrim ngayon?

Hindi ka busy?

Price123: Wala. Actually, nandito kami sa galaan ngayon. Nagyaya kasi sina Ribo.

Price123: Chill daw muna bago sumabak ulit sa panibagong season.

O, nasa galaan ka pala. Bakit puro cell phone ka dyan?

Why don't you enjoy the moment with your friends? Sabi mo nga, kailangan nyo munang mag-relax since malapit na ulit ang season.

Price123: Mas gusto kitang kausap. Sawa na ako sa mga kolokoy na ito. Haha!

Aha! So, panakip butas lang pala ako sa atensyon mo? Kasi sawa ka na sa kanila.

Price123: Hindi, ah! Hindi ganoon ang ibig kong sabihin.

Joke lang. Haha!

Anyway, sigurado kang okay lang na magka-chat tayo kahit nandyan ka?

Price123: Oo naman.

Nasaan ba kayo ngayon?

Inuman session ba?

Price123: Nandito kami ngayon sa West Side.

Uy, kilalang bar yan, di ba?

Price123: Oo. Dito talaga kami pumupunta kapag nagyayaya sina Ribo. Alam mo na, nag-iinom sila. Matatakaw sa alak ang mga ito, eh. Haha!

Eh, ikaw, di ka umiinom?

Price123: Kaunti lang. Ako kasi ang magda-drive pauwi, kaya hindi ako pwedeng malasing.

Ayan, tama yan. Very good ka dyan. Drink moderately lang dapat.

Price123: Ang saya naman sa pakiramdam na ma-very good. Haha!

Luh siya, o. Haha!

Pero alam mo ba?

Price123: Ano yun?

Hindi ko pa nae-experience magpunta sa mga bars. Isa yun sa mga gusto kong gawin na ewan ko kung bakit di ko pa nagagawa. Haha!

Price123: Talaga? Don't worry, magagawa mo rin yan. In time.

Yes! Pero... masaya ba talaga ang experience? I mean, katulad ba talaga ang pakiramdam sa mga nababasa sa libro at napapanood sa movies?

Price123: Well, from my experience, masaya naman talaga, lalo na kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. Bonding time kumbaga.

Price123: Pansamantala mong malilimot ang mga iniisip mo. The loud noise, the music...

I want to feel it, too!

Yung tipong pwedeng makalimot kahit paano. Kahit sandali lang.

Price123: But you should also be careful, lalo na kapag mga babae ang kasama mo na pupunta doon. Marami pa ring mga naglipanang gago doon.

I'll keep that in mind.

Price123: Or better yet, ako na lang ang sasama sayo o sa inyo. Para sure na safe ka talaga.

Pwede naman. Haha! If okay lang sayo.

10:58 PM

3:07 AM

Price123: Hey, Nice! Pasensya na, hindi na ako naka-reply. Kinuha kasi nung gago kong teammate ang cell phone ko.

3:11 AM

3:13 AM

It's okay.

Nakauwi na ba kayo?

Price123: Gising ka pa rin?

Price123: Pauwi pa lang. Buti na lang talaga at hindi ako nag-inom nang sobra. Mag-drive na ako pauwi.

Yeah. Nagsulat pa ako kaya gising pa ako.

Ingat, ah. Drive safely.

Price123: Thanks, Nice.

Chat ka na lang pag nasa bootcamp na kayo, ah.

3:15 AM

4:03 AM

Price123: Dito na kami, Nice.

4:05 AM

Okay, okay.

Price123: Tulog ka na. Pahinga na muna, Nice.

You, too.

Price123: Yeah.

Price123: Goodnight, Nice.

4:07 AM • Sent

Godlike Series 2: Glad You ExistWhere stories live. Discover now