101

37 5 0
                                    

Twitter

For Ranting 🔒 @lostandfound • 3m
Bakit ganito siya? Hindi ko na ito kinakaya! Huhu! Marupok ako, oo, pero takot talaga ako. Natatakot akong magtanong.

For Ranting 🔒 @lostandfound • 3m
Replying to @lostandfound
But it really warms my heart nang malaman ko na binabasa niya talaga ang mga sinulat kong nobela. He's so busy because of the current MPL season, pero nabigyan pa niya ng time na basahin ang mga gawa ko.

For Ranting 🔒 @lostandfound • 2m
Replying to @lostandfound
Grabe yung efforts na ipinapakita niya. Hindi lang siya basta bumili ng novels ko, binasa niya! At hindi ko alam kung mababaw lang talaga ako, pero umiiyak ako dahil doon.

For Ranting 🔒 @lostandfound • 2m
Replying to @lostandfound
Sanay naman ako na binabasa ng mga kaibigan ko yung mga gawa ko. Minsan nga, inaasar pa nila ako. Pero ibang usapan na si Price. Kahit wala siyang sabihin, ramdam ko yung todong efforts niya.

For Ranting 🔒 @lostandfound • 1m
Replying to @lostandfound
As far as I know, ngayon lang may gumawa ng ganito for me. At dahil doon, halo-halo yung nararamdaman ko ngayon. Pero nangingibabaw yung saya? Given na yung kilig, pero mas lamang yung saya. Yung pag-effort-an ng taong gusto mo yung craft na mahal mo, ibang level na yun, eh.

For Ranting 🔒 @lostandfound • 13s
Replying to @lostandfound
Lord, ipapaubaya ko na Po Sa 'Yo ito. Kung si Price na po yung hinihintay ko, Kayo lang Po ang tanging makakasagot nito. Hindi Po ako hihingi ng sign, pero kung si Price na po talaga, alam ko na ibibigay Mo ang sagot Mo sa tamang oras.

Godlike Series 2: Glad You ExistWhere stories live. Discover now